Chapter 15

460 12 3
                                    

Hindi pinili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pinili..

Ipinaramdam mo sa akin kung paano lumipad, sobrang taas na hindi ako matatakot dahil nariyan ka at handa akong saluhin kahit ano man ang mangyari pero tila may malaking puwing sa iyong mga mata kung kaya't ako ay nabitawan mo. Kung gaano mo ako itinaas gano'n din kalalim ang aking binagsakan.
"Kyle.." tulala kong sambit. Isang linggo na akong ganito na parang inagawan ng buhay.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan.

"Z-Zoey.." hinalikan ako ni tita Claire sa ulo at niyakap ako ng mahigpit. Isang ina na ipinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

"A-Ang sakit-sakit na po!" I said with my voice cracked. Hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak. "Sana hindi na lang niya sinabing mahal niya rin ako kasi mas kaya ko pa pero itong pag-iwan niya sa akin, paulit-ulit sa panaginip ko. At dahil paulit-ulit hindi na po nababawasan ang sakit!" *sobbing*

"Ssh.. Zoey alam ko kung gaano mo kamahal ang anak ko. Patawarin mo sana siya anak, magtiwala ka lang."

"Hindi ko na po alam.." tila wala na akong lakas pa.



Isang buwan pa ang lumipas at malapit na akong grumaduate, si mama gano'n pa rin pero mas madalas ko na siyang dalawin ngayon. Maraming naapektuhan nang dahil sa nasaktan ako. Sila kuya Jigs, Logan, ate Letty, ate Mina, tita Claire at Aron lahat. Although narito pa rin 'yong bigat kailangan kong maging maayos sa paningin nilang lahat.

Gusto kong tanggapin pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Sobrang daming sleepless nights at ilang beses din akong isinugod sa hospital dahil sa asthma ko. Ngayon, ayoko nang mahirapan 'yong mga taong mahal ko, kailangan ko ng bumangon ulit.

Tapos na ang klase at nasa waiting shed lang ako at naghihintay. Nakatitig lang ako sa aking cellphone nang may nag-abot ng ice cream sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay si Aron pala na nakangiti ng maganda.

"S-Salamat.." bumuntong-hininga ako.

"Hanggang ngayon ang lalim pa rin nun mrs. Dela Cero."

"Sa papel lang 'yon.."

"Zoey nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap at masasandalan ha," itinuro niya ang balikat nito.

"Zoey nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap at masasandalan ha," itinuro niya ang balikat nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon