The truth
"Zoey! Zoey!" Nasa garden kasi ako dinidiligan ko ang mga halaman saka wala naman akong gagawin ngayong araw.
"Oh kuya Jigs? May entry ka ba?"
"W-Wala.. Ahm.. Sorry nga pala kung nagsinungaling kami tungkol kay Logan," pinihit ko muna ang gripo saka humarap kay kuya Jigs.
"Ano ka ba kuya Jigs okay na po 'yon saka naintindihan ko naman si Logan."
"Teka ako na diyan magpahinga ka na lang sa itaas."
"Hep! Hindi na po saka wala naman po akong gagawin ngayon kaya naglilibang lang din kahit paano," umupo sa wood chair si kuya Jigs.
"Okay ka na ba?"
"Ha?" Maang ko, pero alam ko ang nais niyang itanong.
"Paano kung bumalik si sir Kyle?" Napahinto ulit ako.
"Alam mo kuya Jigs anytime naman pwede siyang bumalik dito dahil sa kaniya naman itong mansion. Kapag pumirma na ako sa divorce paper, doon ko malalaman kung ano pa bang silbi ko dito? Hindi ko po alam eh, handa ba akong makita siyang muli?" Umupo din ako sa isang mahabang wood chair.
"Zoey nakita namin kung gaano ka nasaktan no'ng iwanan ka ni sir Kyle."
Malungkot ko siyang nginitian. "Minsan iniisip ko na sana hindi na lang niya ako pinakasalan pero 'yon naman ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kailangan ko siyang pakasalan pero hindi ko alam na mas lalalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Dapat hindi ako nahulog para nang sa gano'n madali kong natanggap."
"Zoey! Zoey!"
"Yes?"
"Manatili kang matibay.." masaya akong tumango.
"Kuya Jigs." biglang dumating si Logan at mukhang masaya.
"Sandali lang," tumayo ako. "Kuya Jigs alam niyo ba kung saan sementeryo naro'n ang puntod ng daddy ni Kyle?" Nagkatinginan silang dalawa.
Eternal Peace Cemetery
Itinuro ni kuya Jigs kung nasa'n ang puntod ni tito Max Dela Cero. Nang makita namin ay inilagay ko ang isang bouquet na puting rosas at nagsindi ng kandila.
Hinayaan muna ako nila kuya Jigs mapag-isa.
"Hello po. Ahm.. Sir Dela Cero, maraming salamat po sa lahat nang tulong na ibinigay nang buong pamilya ninyo para sa akin. Nang dahil po sa inyo naranasan ko na pwede pala akong mahalin. Iyong pagmamahal na sana naibigay ng sarili kong ama at kapatid. Alam kong miss na miss na po kayo nila mommy Claire at Kyle," hindi ko maiwasang tumulo ang aking luha.
"Tama ka Zoey, sobrang miss na namin siya," napatayo ako dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni mommy Claire.
Niyakap ko siya kaagad.
"I missed you anak.." mas humigpit ang yakap ko, halos hindi na kasi kami nagkikita dahil sa mga business trip niya. "Malapit na ako sa bahay nang makita ko ang sasakyan na minamaneho ni Jigs at nakita rin kitang sumakay kaya sinundan kita. Hindi ko akalain na dito ka pupunta."
"Gusto ko lang po magpasalamat kay tito Max."
"Salamat Zoey, sa pagpapahalaga mo sa pamilya namin. Pero gusto ko lang ipaalala sa iyo na parte ka ng pamilyang 'to kahit ano man ang mangyari."
"Thank you po mommy Claire.. Pwede po ba akong magtanong?"
"Hmm?"
"Paano po siya naaksidente?" Tumingin siya sa kawalan at huminga ng malalim. Umupo kami sa bermuda grass.
"Sinadya 'yon Zoey.. Ilang buwan ang nakalilipas bago ka tuluyang dumating sa amin."
"S-Sinadya?" Gulat na gulat kong tanong dahil buong akala ko'y isang aksidente lamang ang nangyari.
"Susunduin niya si Kyle no'n para mag-celebrate kami dahil nailigtas niya ang maraming pasyente nito. Actually kapag nangyayari iyon nagdiriwang talaga kami dahil ang paniniwala namin ay biyaya iyon ng Diyos at ginabayan siya. Sobrang saya niya no'ng araw na iyon pero isang pangyayari ang gumimbal sa buhay namin. Sinadyang suruin ng isang malaking truck ang kotse ni Max maraming nadamay nang araw na 'yon." Bigla kong naalala noong naaksidente si mama parang katugma nang aksidente na sinasabi ni mommy Claire.
"T-Truck? Kulay puti? At limang sasakyan po ba ang nadamay? Sa bagong tulay po ba iyon naganap?" Namilog ang mga mata ni tita Claire.
"How did you know that?" Gulat niyang tanong.
"Isa si po si mama sa nadamay noon at iyon ang dahilan kung bakit comatose siya," napatakip si mommy Claire sa kaniyang bibig dahil hindi siya makapaniwala maski ako'y gano'n din.
"N-Nadamay ang mama mo?" Malungkot akong tumango.
"Hanggang ngayon walang nakakaalam kung sino ang driver ng truck dahil tumakas ito at walang nakapagturo kung nasa'n 'yon."
"Hustisya na pareho nating gustong makamit, alam mo ba noong araw na 'yon halos mabaliw si Kyle nang malaman niyang wala na ang kaniyang daddy. Iniisip ko na kailangan kong mas maging matatag at manatiling malakas pero pakiramdam ko namamatay ako nang araw na iyon at ang makitang sobrang nasasaktan si Kyle ang isa sa dumurog sa puso ko. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na kailangan mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng daddy niya. Araw-araw lasing siyang umuuwi at madalas hindi namin makausap ng maayos na parang walang buhay. Alam kong sobrang nasasaktan siya pero doble ang sakit na nararamdaman ko Zoey, gusto kong kuhanin ang lahat nang sakit na nararamdaman ni Kyle pero paano?"
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. "Mahal na mahal ni Kyle ang daddy niya."
"Bago mawala si Max inasikaso niya ang kasal ninyo ni Kyle. Kinausap niya kami na sana'y iparamdam namin sa iyo na parte ka ng pamilya namin at mamahalin ng buong puso. Nang makita niya ang pananakit sa iyo ng papa mo ay hindi siya pinatulog nun palagi niyang iniisip kung paano ka tutulungan at ilalayo sa papa mo bilang iniligtas mo na minsan ang aking buhay. Gusto ka niyang tulungan. Naalaa niya na minsan nag-casino siya sinadya ni Max na mabaon ang papa mo ng utang sa kaniya. Pero isang beses lang siya pumasok ng casino para sa plano na iyon. Naisip niya na hindi siya kayang bayaran kaya ikaw ang gustong kapalit o kabayaran sa lahat nang utang ng papa mo. Ang sabi pa niya sa akin hindi maganda ang magiging future mo dahil drug dealer ang papa mo at babaero."
Halos mapatanga ako sa mga nalaman ko, hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ko pero lahat nang ito ay sa isang magandang paraan at hangarin lamang ni tito Max. Paano ko pasasalamatan si tito Max sa kabutihan nito?
"Sobrang laki ng puso nang asawa niyo mommy Claire, hindi ako deserving sa lahat nang ito!"
"Anak.. Zoey you're my daughter. Ikaw ang dahilan kung bakit naibsan ang lungkot at takot sa aming mga puso lalo na kay Kyle. Muling sumaya si Kyle at binigyan mo nang kulay ang mundo niya ulit. Maiintindihan mo rin ako kapag nagkita kayo ulit sana'y hindi ka magdalawang isip na bigyan siya ng isa pang chance," napaisip ako sa sinabi ni mommy Claire pero hindi na ako nagtanong pa. Ang importante ay ang ngayon at wala akong gagawin para masira ang pamilyang mayroon ako ngayon.
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
RomanceFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...