For Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Brave
"Zoey.." napabangon ako bigla dahil sa sunod-sunod na katok.
Pagbukas ko ay si ate Letty lang pala, babalik pa sana ako sa pagtulog pero pinigilan niya ako. "Bakit po ate Letty?" Inaantok kong wika.
"May naghahanap sa iyo pinapasok ko na bumaba ka na lang ha.."
Napaisip naman ako sa ganito kaaga may bisita ako? Seriously? Humihikab pa akong bumaba, nag-sipilyo lang ako at hindi na ako nagpalit ng pantulog.
"Zoey." Halos mapatalon ako sa gulat.
"A-Ana Robles?"
"Good morning.." nakangiti nitong bungad.
"Magandang umaga din, teka ikaw talaga?"
"Nandito ba si Logan?"
"Ha?"
Iniipit pa niya ang lumalay na buhok sa kaniyang tainga. "May date kasi kami ngayon," bigla akong nasamid sa sinabi niya.
"Ana? Hindi ka ba naliligaw ha? Si Logan? Date? Hindi ko gets!" Hinila niya ako para maupo sa sofa saka nagsimulang magkuwento.
Flashback
Ana Robles's POV
"Bakit ka ba pumasok bilang bodyguard ni Zoey? Ang yaman niyo naman ah.."
"Gusto ko si Zoey elementary pa lang kami, kaibigan ko si kuya Jigs kaya naman naglakas loob akong magpatulong pumasok dito," paliwanag pa niya. Magkapitbahay kasi kami ni Logan sa Two Lane Subd. kaya laking gulat ko nang makita ko siyang kasama nila Zoey at nakabihis uniform ng isang bodyguard.
"Si Zoey? Parang lahat na lang gusto siya," nakasimangot kong tugon.
"Mabuti siyang tao bonus na lang ang kagandahan niya," mabilis niyang tugon kaya napa-awang ang bibig ko.
"Ang suwerte naman niya," sabay buntong-hininga.
"Kaya kung pwede lang wag niyo na siyang binu-bully! Alam kong mabait ka Ana pero bakit ka ba nakikisama kay Lara?"
Ngumiti ako ng mapakla saka muling tumitig sa mga mata nito. "W-Wala kasi akong kaibigan."
"Ano bang tingin mo sa akin Ana? Kaibigan mo ako. Hindi ikaw 'yan kung patuloy mong pakikisamahan si Lara para lang i-bully si Zoey."
"I'm sorry.."
"Huwag ka sa akin humingi ng sorry Ana, kay Zoey.."
"Nahihiya ako saka kapag nalaman ni Lara baka kung ano'ng gawin nun sa akin."
"Nahihiya? No'ng pinagtulungan ninyo si Zoey ang tapang mo tapos hihingi ka lang ng sorry hindi mo magawa? Huwag mo na akong kakausapin kung hindi mo kayang gawin."
"P-Pero? Logan please," diretso lang siyang lumakad at hindi ako nilingon.
End of Flashback
Halos hindi ako makapaniwala sa ikinuwento ni Ana. Classmate ko si Logan noon? Shocks! Siya si Kurt Logan Reyes? Maitim kasi siya noon, ngayon maliwanag na sa akin.
"So ikaw ang nanliligaw kay Logan ngayon? Iyon ba ang ipinunta mo rito?"
Hinawakan niya dalawang kamay ko. "Zoey.. I'm sorry sa lahat nang ginawa ko sa iyo noon alam kong mahirap paniwalaan pero hindi ko talaga ginusto 'yon," ngumiti ako at hinawakan din ang kamay nito.
"Wala na sa akin 'yon Ana okay na."
"Ana?" Sabay kaming napalingon.
"Kurt Logan Reyes?" Tumayo ako at humarap sa kaniya. Hindi niya ako matingnan ng diretso.
"Zoey let me explain.."
"Hep! Nasabi nang lahat ni Ana sa akin pero gusto ko lang sabihin na sobrang salamat sa iyo kahit nagsinungaling ka tungkol sa estado mo sa buhay forgiven na iyon. Malaking bagay sa akin na nabibisita ko si mama dahil may relative ka sa hospital. At palagi mo akong binabantayan para hindi lang ako mapahamak, hindi mo kailangan humingi ng sorry okay? Pero may isang tanong pa ako."
"A-Ano 'yon?" Nauutal niyang tanong.
"Crush mo talaga ako?" Tumawa ako ng malakas. Namula ang mga pisngi ni Logan kaya mas hindi ito makatingin ng maayos sa akin. "Hindi, okay lang iyon sa akin Logan parang ang ganda ko naman," natawa ako ng mahina.
"You are.." tugon niya kaya mas lumapad ang pagkaka-ngiti ko.
"Hoy ang landi niyo naman parang wala ako rito oh," singit ni Ana.
"Ay oo nga pala sabi ni Ana may date raw kayo ngayon. Breakfast date ba tawag do'n?"
"Date?" Maang ni Logan.
"Logan wag mo naman ipahiya si Ana, nag-effort siya ng ganito kaaga para makita ka lang."
"Eh magkapitbahay naman kami niyan Zoey."
"So? I-date mo pa rin siya saka ang ganda ng panahon ngayon hindi masyadong mainit masaya maglakad sa park tapos kuwentuhan."
"Tsk."
"Logan bigyan mo naman ako ng chance," ani Ana.
Napapikit ng mariin si Logan saka napabuga ng hangin. "Oh sige na.. Pero paano may trabaho ako Zoey, ihahatid ka namin ni kuya Jigs 'di ba?"
"Psh.. Don't mind me. Basta enjoy kayo, tama si Ana give her a chance malay mo mag-work."
"Thank you Zoey ha," yumakap si Ana sa akin.
"Wala iyon, sige na sayang ang araw."
Itinulak-tulak ko pa sila natatawang nagkamot si Logan sa ulo nito habang si Ana hindi maipaliwanag kung gaano kasaya.
Pagkaalis nila bumalik ako sa aking silid hindi ko naman namalayan sumunod pala si ate Letty.
"Zoey."
"Ano ka ba ate Letty nagulat naman po ako sa inyo."
"Sorry, totoo ba ang narinig ko lahat kanina?"
"Opo totoo kahit ako man ay nagulat, pero bilib po ako kay Ana talagang humahanap siya ng pagkakataon. Sumusubok siya kahit hindi sigurado dahil gusto niya 'yong tao. Sana gano'n po ako katapang ate Letty pero hindi eh," lumapit siya sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin Zoey kung hindi katapangan ang pagharap mo sa pinakamasakit na parte ng buhay pag-ibig mo? Tinanggap mong masaktan kahit mahirap nag-let go ka dahil para sa iyo si Kyle Dela Cero 'yon ang taong mahal na mahal mo. Nang iwan ka niya kahit gaano ka nalugmok tumayo ka pa rin para sa mga taong nagmamahal pa sa iyo."
"Pero sa totoo lang ate Letty hindi nababawasan kung ano man ang pagmamahal na mayroon ako para sa husband kong si Kyle," natawa ako ng mahina. "Ang sarap po pa lang banggitin na husband ko 'no? Pero ang totoo niyan kailangan kong maghanda para sa pag-uwi niya pumirma na lang sa divorce paper. Minsan iniisip ko paano kapag nagkita na pala ulit kami?"
"Hindi ko alam pero gusto kong maniwala na mayroong second chance para sa inyong dalawa Zoey."
"Second chance? Ate Letty kasama ni Kyle ang taong mahal na mahal niya at si Ivana lang 'yon. Hanggang dito na lang po siguro talaga," napabuntong-hininga na lang ako.