Chapter 12

516 16 1
                                    

I love you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I love you

Inaabangan ko sila kuya Jigs pero wala pa, mahuhuli na ako sa first subject. Mayamaya pa ay biglang may humila sa akin.

"A-Ano ba?" Nagulat ako kasi si Kyle pala. "Matandang hukluban?" Napatakip ako sa aking bibig.

"Ang ganda ng bungad mo ah, sumakay ka na dahil may inutos ako ngayon kay kuya Jigs at Logan. Hindi ka na pwedeng pumasok sa library kinausap ko na ang admin do'n."

"Teka lang naman hindi naman ako lumpo ah saka napag-usapan na natin 'to."

"Hindi ka pwedeng mapagod masyado kaya makinig ka sa akin! At nag-aalala si mommy sa iyo."

"Kaya ko naman eh.." I pouted.

"Responsibility kita Zoey kaya kung pwede lang makinig ka naman sa akin at isa pa dalawang buwan na lang at ikakasal na tayo,"

"Ikakasal? Ah, nawala sa isip ko."

"Okay ka lang ba Zoey?"

"Okay lang po," hindi ko namalayan na nandito na kami sa University. "Pasok na ako Kyle."

"Sige.. Where's my kiss?" Namilog ang mga mata ko.

"A-Ano?"

"Sige wag ka ng pumasok."

"Grabe 'tong matandang hukluban na 'to," humalik na lang ako sa pisngi nito kaya ngumiti siya.

"I'll pick you up before 5 pm."

Hindi na ako sumagot kaya dumiretso na ako sa loob ng school.

"Zoey.." paglingon ko ay si Aron at lumapit sa akin na may dalang isang bouquet na bulaklak.

"P-Para saan 'to?"

"Nang dahil sa akin inatake ka ng asthma mo sorry talaga Zoey."

"Paano mo nalaman? Huwag mo nga sisihin ang sarili mo saka okay na ako ngayon dala ko naman inhaler ko," inabot ko na lang 'yung bulaklak.

"Si kuya Kyle ang nagsabi sa akin."

"Tsk. Matandang hukluban na 'yon! Hayaan mo na Aron okay na ako. Tara na?"




Wala pang alas-singko ay labasan na kaya dumaaan muna ako sa canteen para bumili ng ice cream. Nagpaalam na din si Aron dahil may emergency sa trabaho. Lumabas na ako at doon sa waiting shed naghintay. Tiningnan ko ang cellphone ko at may mga text ni Aron na babawi siya next time. Bilib talaga ako sa lalaking 'yon.

"Ay si Kyle Dela Cero.."

Nag-angat ako ng tingin dahil sa narinig ko, nagkakagulo na naman ang ibang estudyante mabuti at wala dito 'yong mga mangkukulam na sina Lara at Ana.

Tumayo na ako at umikot para hindi mahalata na ako ang sinundo ni Kyle.

"Oh bakit umikot ka pa? Teka sino ang nagbigay ng bulaklak sa iyo?"

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon