Chapter 17

402 12 1
                                    

Bruises

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bruises

Ilang buwan pa ang nakalipas..



Bakasyon na at graduate na rin kami, hindi ako papasok sa Doraity Medical School kung saan doon nag-aaral si Kyle noon para maging surgeon. Ilang buwan na rin ang lumipas at mukhang hindi na siya babalik.

May part time job ako sa isang Korean Restaurant saka bakasyon naman ngayon. Mabuti at pumayag si mommy Claire, ayaw na niya kasing tinatawag ko siyang tita dahil para sa kaniya ay anak ang turing niya sa akin.

Pagkatapos nang trabaho dumi-diretso ako sa hospital kay mama kasi sa totoo lang sa kaniya ako humuhugot ng lakas sa araw-araw at syempre sa mga kasama ko sa mansion. Naging inspirasyon silang lahat para sa akin.



Habang naglalakad ako papasok ng trabaho ay may humintong sasakyan kaya tumigil ako.

"Zoey!"

"A-Ate Tricia? A-Ano'ng?"

"I need your help!" Parang may tinatakasan siya dahil tumitingin ito sa paligid na tila may humahabol sa kaniya.

"Ha? Ano'ng problema?" Nanginginig siya sa takot tapos hinawakan ko siya sa braso."

"Aray!" Halos makagat nito ang labi niya sa sakit.

"Bakit may mga pasa ka? Sinasaktan ka ba ni Raver?"

"Kailangan ko ng pera! May pera ka ba diyan? Bilis na bigyan mo na ako!" Gulat na gulat ako sa mga ikinikilos niya.

"Limang libo lang ang pera ko ate.." agad niyang kinuha ang pera ko sa aking bag na tila alam kung saan nakalagay 'yon. Pagkakuha ay agad din siyang sumakay sa kotse nito at nagmamadaling umalis.

Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit puno nang katanungan ang aking isipan dahil sa nangyari kanina. Sinasaktan ba siya ni Raver? Umpisa pa lang wala na akong tiwala sa gagong 'yon eh!

Cashier ako sa restaurant tuwing Monday, Wednesday, at Friday lang ako pumapasok kaya magaan lang. No'ng una ayaw talaga ni mommy Claire pero nakumbinsi ko din siya.

Dumaan ang maghapon at halos mag-gabi na dahil alas-sais na. Nag-out na ako saka dumiretso sa hospital.

Pagkapasok ko ng hospital ay sabi nung nurse may tao daw sa loob na dumalaw kay mama. "Hindi kaya si papa?" Marahan akong pumasok para tingnan kung sino 'yon. Laking gulat ko dahil si, "Ate Tricia?" Napalingon ito sa akin at ngayon ay may pasa na sa gilid ng labi nito kaya lumapit ako agad.

"Don't you dare to touch me Zoey! Huwag mo nga akong tingnan na parang nakaka-awa!" Bahagya akong umatras at lumapit kay mama para halikan ito sa noo.

"Mabuti at dinadalaw mo pa rin si mama."

"Zoey wag na tayong magpanggap na muling gigising si mama! Hindi ba sinabi sa iyo ni papa na kaya hindi na siya pumupunta rito dahil aparato na lang ang bumubuhay sa kaniya! Hindi na siya babalik Zoey! Hindi na!" Bulalas niya. Kalmado akong lumingon kay mama at kusang bumagsak ang luha sa aking mga mata ngunit mabilis kong pinahiran iyon.

"Hindi ako nagpapanggap ate Tricia! Naniniwala ako na gigising siya at muling babalik sa atin. Alam kong may ibang babae na si papa!"

Tumawa siya ng pagak. "Sanay na ako sa kalakaran ni papa pagdating sa mga babae niya! Hindi ko nga alam kung sadyang malas ka Zoey eh, alam mo kung bakit? Hindi na bumalik sa dati ang lahat! Alam mo ba na dealer ng drugs si papa? At si Raver? Siya lang naman ang kasosyo nito. Putangna Zoey ang suwerte mo dahil mabubuti ang mga napuntahan mo tapos umaasta kang nasasaktan dahil ikaw ang ipinambayad! Eh ako? Ibinenta niya ako sa isang demonyong lalaki!"

"S-Si Raver? Ngayon alam ko na kung bakit siya iniwan ni Ivana para bumalik kay Kyle! Ate Tricia hindi perpekto ang buhay ko pero kuntento na ako ngayon kasi tinanggap ko nang maluwag ang lahat. Alam kong drug dealer si papa nabanggit ni mommy Claire sa akin 'yon, nagulat ako pero sa tingin ko ay tama na rin na ako ang ipinambayad niya dahil kapag nadamay tayo diyan malaking gulo ay buhay sa buhay ang kapalit!" Tumayo si ate Tricia at mahigpit akong hinawakan sa braso ko.

"Kung kapatid pa ang turing mo sa akin ikaw ang papalit sa akin!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napabitaw ako ng malakas sa kaniya.

"A-Ako? Tahimik na ang buhay ko! At kung gugustuhin mo pwede kang umalis sa puder ni Raver! Kakausapin ko si Aron o kaya isusuplong ko sila sa mga pulis!"

"Huwag mong gagawin 'yan Zoey! Kapag ako namatay ikaw ang unang mako-konsensya!" Saka siya lumabas. Naiwanan akong tulala at halos hindi makahinga.

Umuwi akong balisa na hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni ate Tricia kanina. Paano kung patayin siya ni Raver na wala man lang kalaban-laban? Ano'ng nangyayari kay papa? Masyado na itong nasisilaw sa salapi na pati kaming mga anak niya ay madali para sa kaniyang i-sakripisyo! Paano niya nalulunok 'yon? Ama pa ba namin siya? Bakit?

"Zoey.." natauhan ako dahil tinawag ako ni ate Letty.

"Po?" Gulat kong tugon.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka? May problema ka ba?"

"W-Wala po pagod lang ako, si mommy Claire
po?"

"Nasa Hongkong siya 'di ba? Para sa mga collection niya ng jewelries. Nakalimutan mo?"

"Ah oo nga po pala, sorry.."

"Teka nga halika rito," umupo kami sa sofa at hawak nito ang nanlalamig kong mga kamay. "May problema ka ba? Zoey pwede mong sabihin kasi mas mabigat 'yan kung hindi mo sasabihin," hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang lahat dahil baka pati sila na mga mahal ko ay madamay pa.

"Si mama po.." nakagat ko ang aking labi. "Aparato na lang ang bumubuhay sa kaniya, kailangan handa po ako ano man oras.." Kalmado ako pero sa loob ko pinipiga ako ng paulit-ulit.

Bigla akong niyakap ni ate Letty. Hindi ko rin masabi ang problema ni ate Tricia at hindi naman nila kailangan malaman.

"I'm sorry Zoey.." tinapik-tapik ko siya sa balikat at kumalas sa yakap nito.

"Akyat na po ako ate Letty," malungkot akong lumakad hanggang sa marating ko ang taas. Huminto ako sa harap ng silid ni Kyle. Sana nandito na lang siya at hindi na ganito ang sitwasyon namin. Gusto kong magsumbong, gusto ko siyang yakapin at sabihin lahat nang problema ko pero wala eh, hindi na namin maibabalik kung paano kami dati.

"I missed you Kyle.."

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon