Chapter 14

452 13 4
                                    

Wedding day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wedding day

2 months later..

"Woah! Zoey sobrang ganda mo para kang prinsesa," ani ate Letty.

"Anak.. Happy 18th birthday and best wishes, mahal ka namin," niyakap ako ni tita Claire.

"Thank you po tita Claire at mahal na mahal ko po kayo. Kayong lahat po."

Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako at sigurado akong kalat na ito sa buong University at wala akong pakialam dahil pakakasalan ko ang taong sobrang minamahal ko.

"Zoey! Zoey!"

"Kuya Jigs may entry ka ba?"

Tulala lang siya. "W-Wala kasi para kang isang diwata sa aking paningin."

"Wow ah salamat po, hmm ikaw Logan?"

"Sobrang ganda.." saka ito umiwas ng tingin, ganyan talaga 'yan sobrang misteryoso pero nakikisakay naman sa mga biro ng lahat.

Muli akong humarap sa salamin at tinitigan mabuti ang aking sarili. Namangha ako dahil pakiramdam ko ay wala na ang dating bata na si Zoey at bagong ako na ang aking nakikita sa harapan ng salamin.

Sumakay na ako sasakyan at hawak ko ang bouquet na kulay dark blue na may halong puti. Tulad nang sabi ko ay ito ang pinili ko.

Bumukas ang isang malaking pintuan, simple at kaunting bisita lamang ang aking hiniling na wedding. Ang importante ay sa lalakarin kong ito ay patungo sa aking mahal na si Kyle.

Kalagitaan at umiiyak na si Kyle alam kong masaya siya. Hindi ko maipaliwanag itong aking nadarama parang lalabas ang puso ko sa sobrang saya. Para akong lilipad na hindi basta grabe ganito pala ang pakiramdam na lumalakad ka sa gitna ng aisle tapos palapit sa taong mamahalin mo hanggang sa huli ng aking buhay.

Nang mahawakan na niya ang kamay ko ay mahigpit na sinasabing hindi kailanman kita bibitawan. Sabay kaming humarap sa altar.

"Zoey Andalio, I promise to be your loving husband forever.
I promise to you that my love will never fade.
I promise to be there for you in good times and in bad.
I promise I will be your armor.
I promise I will always hold your hand no matter what.
I love you."

"Kyle Dela Cero, I just want you to know that how much love is in my heart for you.
I promise to be your one and only.
I'll fight and I'll be true.
I'll walk beside you hand in hand.
I will love you forever until my last breath.
I love you."


Nagpalitan na kami ng singsing at I do's.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."

Marahan niya akong tinitigan at hinaplos ang aking pisngi, naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha. Sa pagdampi ng kaniyang labi ay tila langit sa pakiramdam.

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon