Careful"Zoey, ano'ng nangyari sa 'yo?" Pag-aalala nila tita Claire at ate Letty. Umaga na nga kami nakauwi, itong si Kyle sabi ko wag na akong buhatin tigas ng abs este ulo. Humalik si Kyle sa pisngi ng mommy niya.
"Letty pahanda na lang ng pagkain, magpapahinga muna si Zoey ngayon hindi papasok ng school."
"Sige hijo mabuti at magpahinga muna si Zoey, umakyat na kayo magpapaluto na ako," nginitian ko sila kasi parang anak na talaga ang turing nila sa akin.
"Doc. Ibaba mo na ako."
"Oo sa kama mo, pihitin mo ang door knob." utos niya, pagkababa niya sa akin sa kama ay dumiretso siya sa closet ko at pagbalik niya nakasampay sa balikat niya ang panty at bra ko talagang napatayo ako sa galit!
"Kyle Dela Cero!"
"Bakit? Ikinuha lang kita ng pamalit mo, bakit ka ba nanggagalaiti riyan?"
"Kaya ko okay? Ang manyak mo!"
"Manyak agad? Mag-iingat ka baka totohanin ko ang pagiging manyak," he chuckles at nakakainis! "Maligo ka na o ako na ang magpapaligo sa 'yo?" Inagaw ko ang panty at bra pati na rin damit sa kaniya," ngumiti pa siya. Mababaliw na talaga ako!
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay may pagkain na sa bed. Umupo ako tapos lumapit siya at tiningnan ang mga sugat ko lalo na sa leeg ko. "Thank you," yumuko ako tapos huminto siya sa pagpahid ng gamot sa leeg ko.
"Ayokong masaktan ka ulit Zoey kaya pakiusap ingatan mo ang sarili mo okay?" Bago 'yon ah, bakit ang bait niya sa akin ngayon? Tumango ako na parang bata na pinagsabihan. "Good girl."
Maghapon na ako sa silid ko kaya bumaba na ako kung nasa'n ang swimming pool. Umupo ako sa gilid nito saka nilaro ng mga paa ko ang tubig.
"Ma'am Zoey, okay ka na ba?" Si ate Letty ang ang nag-aalaga sa akin.
"Ate Letty wag naman pong ma'am kung pwede Zoey na lang," tumabi siya sa akin tiningnan ang nga galos ko.
"Hay nako nagalusan na ang maputi at mganda mong balat, sa susunod dapat ilampaso mo na sila ah," natatawa ako kasi may action pa talaga eh.
"Hoy sali ako diyan,"
"Ate Mina.." isa din siya sa mga close kong kasambahay, tapos si tita Claire papalapit din at may dalang miryenda.
"Hija, maayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Tita Claire okay na po ako tsk. galos lang po," natatawa kong wika. Yumakap sila sa akin.
"Alam mo Zoey biglang sumaya ang buong mansion nang dumating ka sa buhay ni Sir Kyle tapos hindi na siya gano'n kasungit at umuuwi na talaga siya dito, dati kasi halos gawin na niyang bahay ang school at hospital. Thank you at dumating ka."
"Ate Letty talaga, mas masaya po ako kasi may matatawag akong pamilya at kayo 'yon," binigyan ko sila ng magandang ngiti.
"Oh siya mamaya sasamahan ka namin ah tapusin lang namin ang labahin."
"Sige po salamat."
Dahil sa kanila hindi ko na nararamdaman ang mag-isa at kahit paano nabubura minsan sa isipan ko na pambayad utang lang naman ako ng pamilya ko.
"Bakit nasa labas ka?" napalingon ako sa likuran, ang gwapo naman ni Kyle bagay talaga ang puti sa kaniya. Ay teka, sinabi ko ba 'yon?
"Mahal na mahal ka ng mga tao dito sa mansion," tumabi siya sa akin."Ako din mahal ko sila.. Ahm, pwede na ba akong pumasok bukas?" hinawakan niya ang leeg at braso ko tinitingnan kung okay na ba ang mga sugat ko.
"Sariwa pa ang mga sugat mo, sa isang araw na lang," tumango na lang ako. "Gusto mo bang mag-swimming?" umiling lang ako.
"Hindi ako marunong maglangoy.."
"I will teach you," nginitian ko siya, hala bakit ganito? May lason ba itong si Kyle? Bakit hindi ako naiinis ngayon sa kaniya?
"Next time na lang saka pagod ka rin," umiling ito.
"Bukas ng umaga tuturuan kita. Nami-miss mo pa rin ang pamilya mo?" ngumiti ako sa kawalan.
"Hindi naman nila ako itinuturing na kapamilya 'di ba? At isa pa mas masaya silang wala na ako sa tabi nila, tanggapin ko man o hindi masasaktan lang din ako," umusog siya, then he gave me a soft tap on my shoulder.
"Hindi mo naman sigurado kung gano'n talaga ang pagtingin nila sa 'yo. Zoey, pasensya ka na kung kailangan natin gawin 'to," nilingon ko siya at ngumiti.
"Doc. kung tatakas ba ako e ayos lang?"
"Kung tatakas ka, bakit mo sinasabi sa akin?"
"Para hanapin mo 'ko!" Saka ako tumawa ng malakas, naramdaman ko na lang na binatukan niya ako. "Hoy, sobra ka na ah! Ang sakit ng leeg ko oh bwisit ka talaga matandang hukluban!"
"Nag e-enjoy ka talagang tawagin akong matandang hukluban e 'no? Gusto mo dito natin gawin?" Tapos inilalapit niya ang mukha niya sa akin.
"PDA ka rin e 'no? Manyak mo!" I rolled my eyes, siya naman ang tumatawa. "Doc. Sino ba si Ivana Dasig? Kayo pa ba talaga?" Biglang nagbago ang expression niya kasi parang may kirot eh.
"Akyat na ako, tara na?" Tumango na lang ako tapos binuhat niya ako.
"Kaya ko naman maglakad Doc."
"Ayoko ng mabagal maglakad, mas mabilis 'to."
"Bakit ba ayaw mo akong sagutin?"
"Bakit nililigawan mo na ba ako?" Naniningkit na naman ang mga mata niya sa pagkakangiti nito.
"Ang pilosopo mo! Baka kasi mahal mo pa? Ay syempre mahal mo pero bakit pumayag ka na magpakasal kung may girlfriend ka?"Nasa harapan na kami ng pintuan ng silid niya saka niya ako ibinaba.
"Hindi mo naman alam ang tungkol sa amin kaya bakit mo nasasabi 'yan? Huwag kang mag-alala dahil sa papel lang ang kasal na iyon kaya malaya ka pa rin magmahal ng iba." binuksan nito ang silid niya, mas maayos pa nga ito kesa sa akin.
Umupo ako sa kama niya saka humiga. "Mas maliwanag dito."
"Okay lang naman sa akin kung gusto mo ng lumipat rito," tinapatan niya ako habang nakahiga ako.
"Pero wag na lang pala kasi dito kayo ni Ivana hmm, alam mo na," hinubad niya ang damit niya saka hinagis sa mukha ko.
"Bastos ka talaga! Lalabas na nga ako, matulog kang mag-isa mo!" Umiika pa rin akong maglakad tapos humarang siya. Ngayon ko lang nakita ang katawan niya, grabe ilang pandesal ba meron sa bandang tiyan nito?
Halos malunok ko ang laway ko kasi hindi ko makuhang magsalita. Yumuko siya saka ako hinalikan ng mariin.
Sobrang halay ni Kyle kahit kailan! Paano na lang kung kasal na kami? Baka taon-taon may baby kami jusko! Ay bakit ko iniisip iyon? Sa papel lang kami magiging kasal pero bakit ako pumapayag na halikan niya? Fvck!Pagbitaw niya ay agad akong lumakad palabas. "L-Labas na ako!" Ang lakas ng tibok ng puso ko, pumasok na ako sa silid ko.
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
RomanceFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...