CHAPTER 25

358 8 0
                                    

CHAPTER 25: HACIENDA

"Baby" tawag sakin ni Zrel habang nag-aayos kami ng mga damit. Ngayon kasi ang lipat namin sa hacienda. Gusto ni daddy na doon na kami tumira ngayon, gusto niya raw kasi na makasigurado na wala ng mangyayaring masama katulad ng sa kahapon.

"Bakit, baby?" Tanong ko dito at hinarap siya.

"Please. Starting tomorrow, wag kana munang magtrabaho. Ako na bahalang mag patakbo ng company natin" ani Zrel kaya naman iniwanan ko ang inaayos ko at nilapitan siya.

"Zrel, kaya ko naman. Tsaka hindi pa man malaki ang tyan ko, tsaka nalang magleleave kapag hindi ko na kaya. But for now, trust me, kaya ko naman iwasan ang makakasama sa baby" sabi ko dito.

Magbuhat kagabi ay ilang ulit niyang sinabi sakin na wag na muna akong pumasok sa kumpanya. Kesyo baka mastress daw at baka maulit ang nangyari kahapon na dinugo ako.

Pero ayoko naman na kaagad akong titigil sa trabaho. 2 months pa lang naman 'tong baby na nasa tyan ko.

"Kahit na, Bella. Magkahiwalay ang company natin, hindi kita oras oras nakakasama" nag-aalalang sabi ni Zrel kaya naman niyakap ko siya.

"Trust me, Zrel. Iingatan ko ang sarili ko kahit na wala ka sa tabi ko. Hindi hindi ko hahayaan na may mangyaring masama samin ni baby kaya please, pagbigyan mo nako? Kapag man lumaki na ang tyan ko dun, ako pa mismo ang leleave nun" sabi ko.

"Ok ok. Basta pangako mo sakin na dapat hindi ka maiistress masyado at lagi kang kakain ontime, ok?" Aniya at hinarap ako.

"Aye aye boss!" Sagot ko dito at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

"Baby" tawag niya sakin habang magkaharap kami at hawak niya ang bewang ko.

"Pwede ko ba masulit habang hindi pa kumalaki ang tyan mo?" parang bata niya sabi at lalo ako hinatak papalapit sa katawan niya.

The hell? Gusto niya kong masulit habang hindi pa lumalaki ang tyan ko? Shit! Ang bastos niya talaga! Baka mapano yung baby sa loob. Psh!

"Ano ka ba, Zrel! Baka kung ano pang mangyari sa anak natin! Fyi ha! Buntis nakoo!" Sigaw ko dito kaya naman napatawa siya.

"You're so cute, Asawa ko" aniya at pinisil ang pisngi ko. "Don't worry kapag ayaw mo, hindi natin gagawin" aniya at niyakap ako.

Ay edi hindi na namin gagawin?

Ahhhh!!! Eh bakit parang dismayado ako?

"E-ehh pano 'yun kapag ginawa? B-baka kasi mapano si baby" sabi ko kaya naman napahiwalay siya sa yakap at hinarap ako.

"Don't worry, ligtas daw 'yun sabi ng Doctor. Kailangan lang daw natin na mag-ingat" ani Zrel. "Want to try?" Aniya pa at nginisian ako.

Oh no!! Saan nanaman 'to mapupunta? Ahh wala talaga siyang patawad! Ang dali niya ko maakit ahh!

Pagtapos ng ilang oras ay nakarating na kami sa hacienda. Napakalaki nito para maging tirahan lang namin ni Zrel.

Pero habang hindi pa umaalis sina grandpa and grandma ay dito din muna magsstay si daddy.

Simula kasi nung nangyaring trahedya 3 years ago ay hindi na ulit bumalik si daddy kung saan kami dati tumira.

"Starting today, dito na kayo titira ni Zrel, Victorina. Binibigay ko na ulit sainyo itong hacienda" ani daddy nang makita kami.

"Mabuti naman at lumipat na kayo, apo" ani grandma.

"Kaso nga lang hindi natin mababantayan ang paglaki ng tyan netong prinsesa natin, babalik na tayo sa states bukas, remember?" Ani grandpa kay grandma.

"Juskoo oo nga no! Aba nakalimutan kona" aniya at nagkakamot ng ulo.

Ano? Bukas na alis nila? Wahhh namann, kelan kaya nun ulit sila babalik dito:<

"Mamimiss ko kayo, grandma at granpa" sabi ko sa dalawa.

"Hayaan mo, princess. Babalik din kami ulit dito ng lolo mo" ani grandma kaya ngumiti nako.

----

"Zrel" tawag ko habang nakayakap ako sa kanya.

"Aren't you feel guilty?" Tanong ko dito kaya naman napatingin siya sakin.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Tungkol dun sa nangyari sa secretary mo" sabi ko. "Parang naawa lang ako sa tao kasi hindi niya naman ginusto 'yung ginawa niya. Parang nakokonsensya lang ako dahil sa nangyari"

"Hindi ka dapat makonsensya, Bella. Tayo na nga ang nagpakita ng mabuti sa kanya, naawa pa nga ako at sinabing hindi na siya ipapakulon, pero anong ginawa niya? Hindi man sya nakinig kaya don't feel gulity, Bella. Wala tayong kasalanan sa nangyare, siya ang gumawa ng paraan para mapahamak niya ang sarili niya" ani Zrel.

Sa bagay, hindi naman talaga kami ang rason kung bakit siya namatay. Natuluyan siya ng mga pulis ng makitang mababaril ako. Pero ewan, mukha kasing nakakaawa 'yung tao.

"C'mon, don't think about it, ok? Ayokong mastress ka at ang baby natin" sabi niya at muli akong niyakap.

"Eh papano naman 'yung kasabwat niya sa company, Zrel? Pano malalaman kung sino 'yun?" Tanong ko dito.

"I already hired an investigator to look kung sino ba ang kasabwat nun. 'Yun na nga din ang iniisip ko kaya ayaw ko munang pumasok ka sa trabaho" nag-aalala niyang sabi.

Kung sa bagay may point siya. Hindi pa nga nahuhuli 'yung kasabwat nun na nandun aa company namin.

"Pero gumawa narin ako ng paraan para hindi ka mapahamak kahit na hindi tayo magkasama" aniya kaya naman hinarap ko siya.

"Anong paraan?"

"Nag hire ako ng magiging bodyguards mo" aniya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

What the hell? Bodyguards? Bakit kailangan pa 'yun?! Hindi naman na ako bata!

"But why? Kaya ko naman sarili ko" sabi ko dito at inirapan siya.

"Wag matigas ang ulo mo, Bella. Iniisip ko lang talaga kayo ng magiging baby natin" aniya. "Dapat makasure ako na walang mangyayari masama sa inyo"

Napaka-protective husband niya talaga. Hindi ko alam na may mga ginawa na pala siya na hindi ko alam. At magkakaroon pa talaga ako ng bodyguards ha?

"Pumayag ako na ituloy mo ang trabaho mo sa kumpanya, kaya sana pumayag ka rin na magkaroon ka ng bodyguards. Para sainyo lang nman ni baby ang iniisip ko" aniya.

Todo paliwanag talaga siya para hindi nako tumangi.

"Oo na! Basta ikaw lagi ka rin mag-iingat" sabi ko dito kaya naman binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

"Opo commander" sagot niya at bumaba sa bandang leeg ko at sumiksik dito.

"Hindi nako makapaghintay na makitang malaki na tyan mo" aniya habang hawak dito ang tyan ko.

"Baka ipagpalit mo nako! Para nakong butete nun" sabi ko.

Ahhhh! Can't imagine myself na malaki na ang tyan. Pano 'yun? Hindi nako sexy nun. Baka ipagpalit nako ni Zrel once nanaging butete nako:<

"Kahit na maging balyena kapa, I still love you, Bella. Hinding hindi kita ipagpapakit kahit pumangit ka pa. I don't fucking care to other womans out there, sayo lang ako magagandahan. Fucking promise" aniya kaya naman diko na napigilang hindi kiligin.

Goshhh!! Eto nanaman ang sweet side ni Zrel. Lalo siyang nagiging cute kapag nanlalambing siya at pinapakilig ako.

-end of chapter 25-

Delightful Marriage #1.2 [COMPLETED🍎]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon