CHAPTER 27: FEELING GUILTY
Pinaharurot ko ang kotse papunta kung saan dinala si Bella. Fuck them. Hindi na nila kami tinigilan.
Bago ako umalis ay nagpadala muna sakin ng pera 'yung babaeng may hawak sa asawa ko.
Our bodyguards texted me na wala silang magawa dahil kapag hindi ko daw dinala ang pera na hinihingi niya ay kikitilin niya ang buhay ng asawa ko. Fuck that woman, hindi niya alam ang ginagawa niya.
Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakya at huminto ng marating ito.
"Where's my wife?" Tanong ko sa mga bodyguards at pinalabas sa kanila ang pera na dala dala ko.
Humingi siya ng 3 million pesos kapalit nmang asawa ko. Fuck her! I'm willing to give my whole wealth para hindi niya lang galawin si Bella.
"Gawin niyo ang gusto niya" sabi ko.
Tumango naman ang mga 'to at nilapit sa babae 'yung pera. Tch, barya lang 'yan kumpara sa yaman namin. Bakit hindi nalang siya humingi ng maayos?
"You can take it all, O baka gusto mo pang dagdagan ko?"
"Marunong akong tumupad sa pangako" sabi nung babae at nilabas si Bella. Inalisan niya ang pagkakatali sa kamay niya at hinayaan na pumunta sakin.
"Z-zrel" aniya nung makalapit sakin.
"Hindi ka ba niya sinaktan?" Tanong ko dito at sinuri ang katawan niya. Tangina hindi ko matatanggap kapag may nangyaring masama nanaman sa kaniya.
"Hindi man" aniya at hinarap 'yung babae. "Hindi niya ko sinaktan" dagdag pa niya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
"Hindi ako masamang tao" sabi nung babae. "Pero bakit ganito nangyari samin? Bakit pinatay niyo ang asawa ko?"
Asawa niya? Edi asawa niya 'yung lalaking secretarya ko?
"Pwede niyo naman siyang ipakulong eh" aniya at hindi na napigilang maiyak.
"Pero bakit pinatay niyo siya? Gusto niya lang makatulong sa pamilya namin, gusto niya lang maligtas ang anak namin kaya niya nagawa 'yun!" Sigaw niya kaya naman naramdaman kong napakapit si Bella sakin.
"Hindi kami ang may kasalanan kung bakit siya namatay" sabi ko.
"Pero papano?! Bakit hindi na siya nakabalik ng buhay samin?" Hagulgol pa nung babae.
"Pinapili namin siya, kung hindi niya ibabalik ang pera makukulong siya. Pero kapag binalik niya, hahayaan namin siyang makalaya at tutulungan pa namin ang anak niya..." Paliwanag ko.
"Mali ang ginawa niyong mag-asawa. Hindi tama na nakawin niyo ang pera ng iba para lang ipagamot ang anak niyo...."
"Kami pa nga ang nagpakita ng mabuti dahil naawa kami sa sinabi niya na ginawa niya lang 'yun dahil sa anak niya. Pero alam mo ba ang ginawa niya? Fuck your husband, ang kitid ng utak niya... Nakuha nya pang manlaban" patuloy ko.
"He's the one who put himself in danger, nanlaban siya kaya siya binaril ng mga pulis" dagdag ko kaya naman lalong napaiyak 'yung babae.
"Alam kong mali ang ginawa namin....
Hindi namin intensyon na manakit sa iba...""Hindi ko lang siguro matanggap ang pagkamatay ng asawa ko kaya ko nagawang ulitin ang ginawa niya... Pero wag kayong mag-alala, wala akong balak na manakit..."
"Alang alang sa amin mag-asawa, kayo na ang bahala sa anak namin..." patuloy niya at nabigla ng nanlabas siya ng baril.
Fuck.
Tinakpan ko si Bella dahil baka iputok niya to samin. Pero nabigla kami ng walang putok ng baril ang tumama....
May narinig kaming putok nito pero hindi 'yun samin napunta.
Bigla ko nalang narinig na humahagulgol si Bella habang yakap ko 'to. "P-pinatay niya ang sarili niya" sabi niya habang patuloy parin sa pagiyak.
Fuck.
"Shhhh" sabi ko habang yakap ko si Bella. "She choose to kill herself, it's her decision. Wala tayong magagawa dun" sabi ko habang pinapatahan siya.
Pagtapos ng ilang minuto ay naireport namin sa pulis ang nangyari.
Napakabigat ng mga nangyayari araw araw, hindi namin lubos akalain na ilang tao na ang mga namatay.
"Zrel" tawag ni Bella sakin habang nasa clinic kami. Hindi kasi ako matahimik at dinala ko siya dito para malaman kung ok lang ba ang baby namin.
I love them so much. Ayokong may mangyaring masama sa kanila. Kung pwede lang ako nalang lagi ang napapahamak.
"Sorry" aniya at biglang naluha. Kaagad ko 'tong nilapitan at pinunasan ang luha niya.
"Ang tigas tigas ng ulo ko" aniya pa. "Hindi sana mangyayari 'to kung sumunod ako sayo.. Im really really sorry, Zrel"
"Basta wag nalang 'yun dapat maulit. Ang importante, ligtas kayo ng baby natin" sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Wag kang mag reklamo sa pagiging protective ko sayo, kayo lang naman ang iniisip ko... Ayokong mapahamak kayo ng baby natin"
"Hindi na po mauulit" aniya.
"Dapat lang" sabi ko kaya naman napangiti siya.
Buti nalang at walang nangyari sa magina ko. Tangina kanina nung naglabas ng baril 'yung babae, akala ko kami na ang titirahin.
Hindi ko talaga matatanggap kapag may nangyaring masama sa mag ina ko.
"Zrel" ulit na tawag sakin ni Bella kaya napalingon ako sa kanya. "I want to help their child, naaawa ako sa bata... Parehong namatay ang parents niya"
"I will let you to help their child, but promise me, wag mo 'yun gagawin dahil lang sa iniisip mo na ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang niya, ok?" Sabi ko.
Ayokong isipin niya na kami ang may kasalanan kung bakit namatay ang magulang nung bata.
Actually we are the victims here, nagkataon lang na pareho silang namatay sa nagawa nilang mali.
"Parang nakokonsensya ako sa nangyari, Zrel" aniya.
"Hindi mo kailangan makonsensya, Bella. It's their fault, not us." Sabi ko dito.
"Oo alam ko. Pero ang bigat kasi isipin na namatay 'yung magasawa ng ganun" sabi niya.
"Maswerte lang tayo na hindi tayo ang namatay, Bella. We are the victims here, sila ang dapat na magsisi sa ginawa nila. Bumalik lang sa kanila ang ginawa nila satin" sabi ko.
Kung hindi lang binaril ng mga pulis 'yung lalaking asawa niya ay sure nakong mababaril si Bella, Fuck hindi ko matatanggap na masaktan ang asawa ko.
Mabuti nalang at hindi kami ang napahamak sa nangyari.
"Simula ngayon, susunod na talaga ako sayo" ani Bella. "Mas alam mo ang nakakabuti satin" dagdag pa niya.
"Don't worry hindi ko lang naman 'yun ginagawa para lang sa sarili ko, para din yun sainyo ng baby natin" sabi ko at hinalikan ang tyan niya.
"I love you, Zrel, ang swerte ko dahil ikaw ang napangasawa ko" ani Bella kaya naman napangiti ako.
"I love you more, Bella. Mas maswerte ako sayo" sabi ko dito at hinalikan siya sa labi.
Kissing my wife is my favorite thing to do. Hindi hindi ako magasasawa na maging clingy sa asawa ko. Siya at ang magiging anak namin ang dahilan kung bakit napakasaya ko ngayon.
-end of chapter 27-

BINABASA MO ANG
Delightful Marriage #1.2 [COMPLETED🍎]
DiversosBook 2 of Perfectly Different: Delightful Marriage