May mali ba sa akin?
Buong buhay ko iyan ang laging tanong ko sa sarili ko. Bata pa lamang ako, alam kong kakaiba na ako kumapara sa ibang bata na nakakasalamuha ko. Sa napakamurang edad, masasabi kong madami na akong napagdaanan at karamihan dun ay hindi magandang karanasan. Natuto ako kung pano magtago ng tunay na nararamdaman, na pilit na ngingiti na kahit ang totoo ay durog na durog na. Na kahit na ang nais ko lamang naman noon ay maglaro at makihalubilo sa ibat-ibang tao. Yung magkaroon ng masasabing mga kaibigan. Pero masyadong naging malupit sa akin ang pagkakataon. Dahil kabaliktaran nun ang nangyari sa akin.
At oo, hindi iyun naging madali sa akin. Na halos araw-araw akong umiiyak, at araw-araw ko ring tinatanong sa sarili ko, na kung bakit kailangang ko pang maging kakaiba. At dahil sa mga pangyayaring iyun, minsan napapaisip nalang ako pano kaya kung sadyang pang fairytale lang talaga ang buhay ko. Sana nga ganun nalang talaga ang buhay ko. Kung sana ako nalang si Cinderella, Snow White, o di kaya si Rapunzel na kahit na alam mong hindi makatu-tuhanan, may happy ending parin. Eh ako mukhang simula pa lang tragic na.
Buong buhay ko, tanging unan at kumot ko lang ang nakakaalam ng sakit na nararamdaman ko. Sa mga simpleng salita nila hindi nila alam kung pano ako unti-unting dinu-durog. At mukhang wala ng ibang makakaalam nun. At tatanggapin ko na lang siguro na habang buhay akong magiging kakaiba.
"Leila." Sandali akong natigil matapos marinig ang boses na iyun na nagbigay sa akin ng malapad na ngiti habang unti-unting nag angat ng tingin.
"P-Peter." Utal kong sabi habang umayos ng upo.
Di ko alam pero naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko kahit papano matapos makita ang napakagwapo nyang mukha, at marinig ang kanyang boses. Dahil sa mga iyun kahit papano ay napawi ang pagod ko ngayong araw.
"K-kamusta practice nyo?" Tanong ko kayat napa ngiti sya ulit bago sinagot ang tanong ko.
"Ayun okay lang, medyo nakakapagod nga eh." Sagot nya kaya napatango ako.
"Ah sya nga pala, eto na yung report na pinapagawa mo." Sabi ko habang iniabot ang folder kaya bigla namang nagliwanag ang mukha niya.
"Ayos! Da-best ka talaga Lei." Sabi nya tsaka isa-isang tiningnan ang mga iyun. Kahit sa ganitong paraan, masaya na ako na napapasaya ko rin sya.
Sobrang nagpapagaan nya ang araw ko. Siguro epekto eto ng matinding pagkagusto ko sakanya. Sa kabila ng kalagayan ko, iwasan man ako ng lahat pero andito sya at kinakausap ako. Kahit na sabihin ng ibang ginagamit nya lang ako, alam kong may nararamdaman din sa akin si Peter. Mula highschool hanggang ngayong college na kami sinong mag a-akalang tatagal ang pagsasama namin at ganun din tatagal ang pagkagusto ko sakanya. Iyun nga lang... hindi ko alam kong ano nga bang meron samin, kung anong status namin. Ambisyosa na kung ambisyosa pero sya nalang ang isa sa nagbibigay kasiyahan sakin at sana ganun din ang nararamdaman nya para sa akin. Kaya gagawin ko kahit na ano para sakanya, at sa ikasisiya nya.
"Salamat talaga Lei para dito. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko kung di dahil sa tulong mo." Sabi nya habang bakas ang tuwa sa mukha. Ngumiti naman ako ng todo. "Eh ang totoo nyan, nagkakasabay-sabay pa nga iyung mga reportings pati yung practice namin sa basketball. Kaya na-mromroblema ako para sa lectures ko." Sabi nya habang napapakamot sa ulo. Mukhang problemado nga talaga sya. "Lei, nakakahiya man pero.. pwede bang pahingi ulit ng pabor." Sandali akong tumingin sakanya bago napakagat sa pangibabang labi.
Kahit na hindi pa nya nasasabi kung ano ang pabor nya, alam ko na kung ano iyun.
"Hmm, sige ako ng bahala sa lectures mo." Sabi ko habang nag iwas ng tingin.
YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...