Maaga akong nagising ngayong araw na eto. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ng naging pag-uusap namin ni Austin. Tanging iyun nalang ang huli nyang nasabi tsaka ako iniwang nakatulala sa lugar na iyun.
Napag isip-isip ko kagabi, iyung sinabi nya. Na mamamatay tao sya? Tsk. Ang ibig nya bang sabihin dun eh sya ang pumatay sa kapatid nya? Eh papano?
Sandali akong humugot ng lakas bago kumatok sa pinto ng bahay ni Austin. Nag alala na kasi ako sakanya. Mukhang hindi rin umuwi ang mga magulang nya kaya mas lalong dumoble ng pag aalala ko. Baka ano ng ginagawa nya dyan mag-isa.
Ilang sandali pa, unti-unti ng bumukas ang pinto at agad na bumungad nga sa akin si Austin. Pero nagulat ako ng makita ko ang mata nyang ngayon ay namumugto na halatang galing sa pag-iyak.
"G-good morning." Bati ko dahilan para mag iwas eto ng tingin sa akin. "Ahm. Eto, pinapabigay ni Mama. Baka daw hindi ka pa kumakain." Sabi ko tsaka inabot ang tupperware na may laman nung ulam na hindi namin naubos. Ang totoo nyan, ulam pa sana namin yan para mamaya, pero ginawan ko ng paraan para lang maka-usap sya at makita kung okay nga lang ba sya.
Kinuha nya iyun tsaka pumasok sa loob habang iniwan nyang nakabukas ang pinto. Hindi ko alam kung sinadya nya ba yun para pumasok ako o ano kaya pumasok nalang ako. Dahil eto naman takaga ang pakay ko.
Nagtungo na sya sa kusina taka hina-hain ang dinala kong pagkain. Kaya sumunod ako dun tsaka sya tinulungan.
"Ako na." Pag i-insist ko dahilan para matigilan sya tsaka ako tingnan ng seryoso.
"Tigilan mo na'to." Biglang sabi nya out of nowhere. Kaya ako naman eh literal na natigilan.
"Ha?" Takang sabi ko pero napangisi sya habang napa-cross arms.
"Lei, alam ko kung anobg iniisip mo. Pero please, tigilan mo na etong bait-baitan mo sa akin... huwag mong gawin to dahil naaawa ka sakin. Dahil unang-una, hindi ako nagpapaawa. Sambit nya kaya agad akong napa-iling.
"Hindi yun ganun. Hindi ako narito dahil sa naawa ako sayo. Andito ako kasi, nagaalala ako sa'yo." Sabi ko pero napangisi lang ulit sya.
"Andito lang ulit ako. Diba sayo na ng galing. Kung kailangan mo ng taong makakausap, mapagsasabihan ng problema pag hindi mo na kaya... andito lang ako." Sabi ko kaya naman napa-singhap sya bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Pwes, hindi kita kailangan." Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa narinig kong iyun mula sakanya. Hindi ko alam kung bakit pero iyun ang nararamdaman ko.
Kasunod nun ay ang pagpanik nya sa taas habang iniwan akong nakatunganga. Hanggang sa mararamdaman ko nalang ang pamumuo ng luha sa mata ko.
Kung tutuusin dapat wala naman talaga dapat nararamdaman eto. Dahil unang-una palang sinabi nya na, na andyan lang kami para kung kailangan namin ang isa't-isa. Pero hindi ko akalaing ganito pala kasakit na marinig iyun, kahit na ang totoo eh hindi ko namn dapat nararamdaman to.
.
Andito ako ngayon sa shop kung san kami nagpunta nung nakaraan. Napag-isip-isip ko kasi na kung meron mang makakatulong sa akin sa mga oras ne eto iyun ay ang taong alam kong nakakakilala sakanya.
Unang sumalubong sa akin iyung babaeng cute na sa pagkakatanda ko eh Sheena ang pangalan.
"Good afternoon, welcome to Jam-In!" Bati neto kaya ngumiti ako ng pilit. Hayst. Bakit ba ang cute nya? Crush ko na tuloy sya.
"Hi." Bati ko habang kumaway dito. "Hmm. Pwede bang magtanong? Andito ba si Kuya Jun? Kailangan ko lang syang makausap." Tanong ko pero napailing naman sya.
YOU ARE READING
My Last Temporary
Fiksi RemajaLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...
