Love Was
CHAPTER 8Matapos ang naging paguusap namin ni Paul, mag isa nalang ulit ako dito sa kwarto ko habang ngayon ay pinagmamasdan ang repleksyon sa salamin. Sandali kong tinanggal ang wig sa ulo ko tsaka na pilit ng ngiti.
Kung tutuusin, halos araw-araw kong nakikita ang repleksyon ko, kung ano ako. Pero bakit ganun? Bakit parang hanggang ngayon may kung ano sa akin na hindi lubusang matanggap ko ang kung ano ako. Hayst!
"Di bale, tiwala lang. Makakahanap ka rin ng prince charming mo kahit na ganyan ang itsura mo, Leila." Sabi ko tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga at pinipigilan ang nakabydang pagtulo ng luha sa mata ko.
Mayamaya natigilan ako ng biglang may nag beep sa cellphone ko kaya agad ko iyung kinuha.
From Peter;
Lei, pwede ba tayong mag usap?
Kaagad na nagsalubong ang kilay ko habang ngising-nagising napapailing. Ang kapal g mukha! Mag uusap? para ano? para pagtripan na naman ulit ako at ng barkada nya. Naku hindi nya na ako mauuto sa pagkakataong eto matapos ang panlolokong ginawa nya sa akin. Mas masakit pa ang ginawa nya sa akin kesa sa break up. Tsk!
Pero kasi.... gusto ko rin syang makausap. Dahil marami akong gustong sabihin at itanong sakanya. Kung bakit nya akong gustong makausap. Isa pa, gusto ko rin ng paliwanag. Kilala ko sya, kilala ko si Peter at sigurado ako na may iba pang dahilan kung bakit nya ginawa sakin iyun. Tsk!
Handa ko na sanang i-dial ang number nya ng biglang bumukas ang bintana. At laking gulat ko ng makita ko si Austin na ngayon ay nakapasok na at gulat na nakatitig sa akin ngayon. At ngayon ko lang din naalala na hindi ko nga pala suot ang wig ko. Kaya kaagad ko iyong kinuha at dali-daling inilalagay sa ulo ko. Hanep eh nuh? Panira ng moment. Pero sandali akong natigilan ng biglang may pumigil sa akin na gawin iyun kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin.
"Hindi mo kailangang mataranta. Nakita ko na yan dati kaya wala ka ng dapat itago." Ramdam ko ang biglang panginginig ng tuhod ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala. Pero kasi, hindi ako sanay. At hindi rin ako komportable pagdating dito. "Mas maganda ka pa nga sa lagay na yan eh." Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Ako maganda? Adik ba sya?
"Nagpapatawa ka ba? Kailanman hindi ako magiging maganda noh." Sabi ko habang napapailing pero nanatiling blanko ang awra nya.
"Yan ka na naman eh. Sinisimulan mo na namang i-down yang sarili mo." Aniya kaya napaiwas ako ng tingin. Oo nga pala, naalala ko yung sinabi nya sa akin nung nakaraan. "Girls can put ton of cosmetics product on thier faces, but you... don't have to, and don't need to. You're beautiful just the way you are." Halos nakatunganga lang ako habang sinasabi nya ang mga salitang iyun sa akin. Hanep! Nasisiraan na ata talaga sya.
"Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo." Sabi ko habang napaiwas ng tingin. Eh sa talagang mahirap paniwalaan ang lahat ng bagay lalo na sa kung anong sinasabi nya. Na halos karamihan ng naririnig ko sa ibang tao ay puro negative... panget, kalbo, pugo. Hayst! Maniniwala pa ako kung ako ang pinakamaganda sa lahat ng pugo. Tsk!
"Okay lang. Hindi naman ako mapapagod na ipaliwanag at iparamdam sayo araw-araw kung gaano ka kaganda." Ano daw? Anong ibig nyang sabihin dun? Gusto ko na syang pagsu-sunggaban dahil sa mga sinasabi nya. Anong hindi mapapagod? Tsk! Adik talaga.
Pero hindi ko alam at dahil din dun ay ramdam ko na ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Halos isang minuto din ata kaming nasa ganoong lagay ng bigla akong makaramdam ng ilang kaya nag iwas na ako ng tingin. Hindi ko alam pero, hindi lang talaga kasi ako sanay sa ganito. Yung pinagmamasdan ako ng ganito... na walang suot na wig. Pakiramdam ko, katawa-tawa lagi ang itsura ko kapag tinititigan ako ng ibang tao pag ganito ang itsura ko.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...