Naimulat ko ang mata ko ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ng kwarto ko. Tsk! Sino ba yun? Kita ng natutulog yung tao. Istorbo masyado.
"Ate, gising na! Ma-l-late ka na." Rinig kong sabi ni Paul kaya napakamot ako sa batok tsaka pilit bumabangon mula sa pagkakahiga. Kainis! Inaantok pa ako eh. Pero anong magagawa ko. Eh kung um-akto ang isang yun parang mas matanda sa akin.
Nagtungo nalang ako sa banyo para makaligo at ng makapag almusal na. Kahit na ayokong pumasok kailangan, at baka habang buhay nalang akong nasa bahay. Tsk! Kaagad akong nag-ayos ng sarili ko. Sandali kong sinuklay ang wig ko bago iyun isinuot tsaka ngumiti ng napaklapad sa harap ng salamin.
"Alam mo? Ang ganda mo sana eh. Kaya lang..." Natigilan ako tsaka sandaling napaisip. Hayst! Eto na naman ako. Umagang-umaga mag d-drama na kaagad ako eh. Napailing nalang tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Hoooo.. kaya mo eto, Lei." Pag ch-cheer up ko sa sarili ko tsaka nagsimulang lumakad para magtungo sa kusina. Bahong araw, bagong pag-asa. Sana nga may pag-asa, pag-asa na magbago ang buhay ko. Tsk! Pahakbang na sana ako pababa ng hagdan pero natigilan ako ng makita ko si Austin na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
Pero bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko matapos kong makita ang mukha nya, at ang ngiti nya. Watda! Ano na ba etong pinag iisip ko? Gusto kong mapa-iling para matauhan pero hindi ko magawa dahil nakatuon lang ang tingin ko sa napaka gwapo nyang mukha. Teka, sinabi ko bang gwapo sya?
"Tatayo ka nalang ba dyan?" Sa pagkakataong iyun natauhan na ako ng marinig iyun mula kay Paul. Hayst! Buti naman, akala ko habang buhay na akong makikipag-titigan sakanya eh.
"Good morning." Bati ko kina Mama. Sunod akong tumingin ulit kay Austin na hkos ngiting-ngiti parin na nakatingin sa akin. Huwag kang ganyan please. Tsk! "G-good morning din." Bati ko sakanya kaya mas lalong lumapad ang ngiti nya. Hindi ba sya nangangalay? Kulang nalang umabot hanggang tenga ngiti nya eh.
"Is breá liom tó." Nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Ano daw? Minumura nya ba ako? Aba loko to ah. "A-ang ibig kong sabihin.. G-good morning din." Aniya kaya napatango ako lang ako. Mayamaya pa tumingin na ulit ako kina Mama.
"Halina kayo dito at kakain na. Baka mahuli kayo sa pasok nyo. Samahan mo na kami dito, Austin." Sabi ni mama kaya naman nagtungo na kami sa mesa at naupo sa silya. Tumingin ako kay Paul na ngayon ay nag-seryoso ang mukha habang binigyan ako ng nakakalokang irap. Anong problema neto. Teka, baka naman bumibigay na'to? Hala, hindi pwede. Tsk! Oo nga pala, hindi pa nya kwine-kwento sakin iyung tungkol kay Peter. Subukan nya lang huwag sabihin talagang malilintikan sya sa akin. Hayst.
At ayun nga, nagsimula na kaming kumain. At halos nagkwentuhan lang kami. Pansin ko rin na halos si Austin ang pinakamaingay sa amin dito. Aba! Kung andito si Papa, paniguradong napa-pagalitan to ng bongga. Pero di bdle na, mukha namang nag eenjoy sina Mama sa pskikipag-usap dito sa lalakeng to. Bigla ko tuloy naalala iyung magulang nya, ganito din kaya sila? Hayat. Matapos kasing marinig iyung pagpalitan ng sigawan ng mga magulang nya, iniisip ko na meron silang problema. #pakealamera.
Pagkatapos naming makakain. At ako narin ang nag-insist para magligpit ng mga pinagkainan bago pumasok sa school. Medyo maaga pa naman kasi para pumasok eh. Pero nahinto ako ng mabaling ang tingin ko si Austin na ngayon ay ngiting-ngiti parin. Kaya maging ako ay napangiti rin sa di malaman na dahilan. Tsk! Ano ba'tong nangyayari sa akin?. May sakit ba ako?
"B-bakit?" Takang tanong ko pero napakamot lang sya sa batok nya tsaka tinulungan ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Kanina pa sya nakatayo dyan, ngayon nya palang naisipang tulungan ako dito? Hanep!
YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...
