Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ko nagpaalam na rin ako kina Mama na sasamahan ko si Austin ngayong araw. Napag-isip isip ko kasi na wala naman akong gagawin ngayong araw na'to kaya pumayag na ako. Isa pa, sa tuwing naalala ko yung kagabi, nung makit ko ang itsura nya, nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko maintindihan. Tsk! Nagtataka pa nga sila Mama at tinanong kung saan kami pupunta pero hindi ko nasagot dahil hindi ko nga alam kung saan kami pupunta dahil hindi pa naman sinasabi sa akin ni Austin. Wag nya lang sana akong idala sa kung saan at talagang malilintikan sya sa akin.
"Mag iingat ka!" Paalala ni Mama kaya tumango ako habang binigyan ng pilit na ngiti. Hayst! Kahit kelan talaga etong si Mama, napaka maalalahanin
Ng makalabas na ako ng bahay nakita ko kaagad si Austin na ngayon ay nakaupo sa bisekleta na mukhang kanina pa hinihintay ang paglabas ko. Hindi ko alam pero bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon. Okay lang naman ang itsura nya sa simpleng V-neck maroon t-shirt at khaki shorts. Hindi naman sya nagpagupit pero naka tali lang nga ngayon ang buhok nya dahilan para mas lalong makita ang gwapo nyang mukha. Tsk. Nahihibang na ata ako.
"Tara na." Aniya pero kaagad na nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
"T-teka, paglalakarin mo ako?" Taas kilay kong tanong habang naka cross-arms pero natawa lang sya habang napapailing. Nag ayos pa man dim ako kahit papano ngayon tapos paglalakarin nya lang ako?
"Syempre hindi. Tatakbo ka noh!" Bigla ko syang inirapan tsaka akmang maglalakad na papasok ng bahay pero pinigilan nya ako. "Biro lang. Angkas ka na dito." Aniya kaya lumingon ako sakanya na ngayon ay tina-tap ang upuan sa likod ng bisekleta nya. Huwhat? Seryso sya? Mahulog pa ako dyan eh. "Huwag kang mag-alala safe ka sa akin." Sabi nya sabay ngiti dahilan para kumabog ng napakabilis ang dibdib ko. Nanaman. Ano na bang nangyayari sa akin? Tsk. Pero napailing nalang ako tsaka nagsimulang lumakad at magtungo sa kung nasan sya. Nung una nag-a-alangan pa ako kung talagang sasakay ako sa bisekleta nya. Dahil unang-una masyado akong nerbyosa at advance mag-isip. Pero sa huli, naupo narin ako dahil wala akong ibang choice. Ano ba kasing trip neto? Pwede naman kaming mag commute. Tsk!
"Kapit ka." Biglang sabi nya kaya biglang nagsalubobg ang kilay ko. Pero ikinagulat ko ng bigla nyang isinuot sa akin ang sumbrero'ng hawak nya. Tiningnan ko sya ng may pagtataka sa mukha pero ngumiti lang ulit sya sa akin. Bwiset! Akmang magsasalita palang sana ako ng bigla kong maramdaman ang paghawak nya sa kamay ko at inilagay iyun sa bewang nya. Kasabay nun ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko na daig pa ang may sakit sa puso. Holy Cow! Kailangan ko na ata talagang mag pa-check up. "Kumapit ka ng maigi." Sabi nya tsaka sinimulang paandarin ang bisikleta nya.
Ano ba'to? Ano bang trip ng lalakeng to? Tsk. Buong byahe halos nakapikit lang ako dahil sa takot na halos sobrang higpit na ng pagkakakapit ko sa bewang nya na kulang nlang maputol iyun. Jk. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Kesyo baka mahulog ako, kesyo baka masagasaan ako. Heck. Kahit komportable naman ako na hindi mahuhulog ang wig ko dahil sa sumbrero nya. At kahit na ang totoo eh sakto lang ang bilis ng pagpa-paandar nya.
Makalipas ang ilang minutong nakakakabang byahe. Naimulat ko na ang mata ko ng maramdaman kong tumigil na sya sa pag pidal. At ngayon ay nakita kong naandito kami ngayon sa harap ng isang shop. Shop ng ibat-ibang instruments.
"Wala ka bang balak bumitaw sakin?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses na iyun, at ngayon ko lang din na-realize na halos kapit na kapit parin ako sakanya. Kaya agad akong bumitiw at bumaba mula sa pagka-kasakay sa bike nya. Tiningnan ko sya pero ngiti'ng-ngiti lang syang sunod na bumaba doon. Hayst! Nakakahiya yun Leila!
"Halika na." Aniya ng mai-park nya na ang bike kaya tumango lang ako tsaka sumunod sakanya papasok sa loob ng shop. Pero natigilan ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming instruments kaya halos mapanganga ako. As in sobrang dami. Maging ang pag kaka-disenyo ng buong shop na eto ay may makalaglag pangang impact. May maliit na stage sa sulok at may mga mesa at mga silya na halos puro gawa sa kahoy. Pati ang stool na nasa gilid. Grabe! Bar ba'to?Kung tutuusin halos araw-araw ko etong nadadaanan papunta ng school pero eto ang unang beses kong magpunta dito. Hanep! Mukhang magugustuhan kong tumambay dito kahit na wala naman akong hilig sa mga instrumento.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...