Hindi naging madali ang mga sumunod na araw. Nalaman din nina Mama iyung nangyayari dun sa birthday ni Peter. Nung una nagalit sila pero iyung araw matapos ang gabing iyun eh bumisita kaagad si Peter sa bahay. Nagsorry sya sa akin at sa magulang ko pero sinabi ko naman sakanya na wala syang kasalanan dun.
Ako pa nga dapat ang mag sorry sakanya dahil mukhang nagulo ko pa iyung birthday nya. Pero sinabi nyang wala na syang pakealam dun. Basta daw okay lang ako eh okay narin iyun para sakanya.
Tanging si Cindy lang talaga ang may pakana nun. Nasabi nya rin sa akin na nag-usap na sila ni Cindy tungkol dun. Masakit parin sa tuwing naalala ko amg pangyayaring iyun. Pero agad ding napapawi kapag naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Austin nung mismong gabi ding iyun.
Nagsimula na kaming mag impake ng ilang gagamitin namin para sa magiging bakasyon namin sa probinsya. Ilang linggo lang naman kami mananatili dun kaya isang bag lang ang dadalhin ko.
Matapos kong maayos ang gamit ko bumaba muna ako ng salas para magmeryenda. Napagod din kasi ako sa mga pinagagawa namin ngayong araw. Ng matungo ko ang salas natigil ako makita si Austin na nakatayo at seryosong nakatingin sa akin.
Babatiin ko palang sana sya pero inunahan nya na ako.
" 'Di mo nasabi sa akin na aalis pala kayo." Aniya sa may malumanay na boses. Oo nga pala, hindi ko pa nabanggit sakanya ang tungkol dun dahil sa nga nangyari netong nakaraang araw."P-pasensya na. Nakalimutan ko lang." Pag s-sorry ko pero nanatiling malungkot ang aura nya.
"So, hindi ko pala kayo makakasama sa pasko at pagsalubong ng bagong taon." Sambit nya kaya napatango ako.
"Pero huwag kang magalala uuwi din kaagad kami pagkatapos ng bagong taon." Hinawakan ko ang kamay nya tsaka ngumiti ng pilit.
"Pero ilang araw din yun." Napasinghap naman ako matapos marinig ang napaka among boses na iyun.
"Ano ka ba. Ilang araw lang kaya yun. Ilang tulog lang tapos dito na ulit kami. Kung gusto mo i-celebrate ulit natin iyung pasko at bagong taon pagkabalik na pagkabalik namin dito." Pagpapagaan ko ng loob nya pero nanatiling cold ang aura nya. "Uy.. huwag ka ng malungkot." Sabi ko ulit habang pini-pisil ang pisngi niya at pilit pinapa-ngiti.
"Sige na nga." Aniya kaya napangiti ako.
Kung tutuusin mga nasa labing tatlong araw lang kaming mananatili dun pero pakiramdam ko sobrang tagala na nun. Mamimiss ko nga talaga sya. Kung pwede nga lang talaga sanang huwag nalabg kaming umuwi ng probinsya eh. Pero hindi naman pwede. Matagal din naming pinagplanuhan ang isang to. Eh paano kung isama nalang namin si Austin sa probinsya. Pero syempre hindi rin pwede dahil meron syang pamilya dito.
Hayss. Bakit ba kasi napaka wrong timing naman ata nun. Kung kelan ko sya nakilala tsaka naman kni malalayo. Tsk. Di bale na, ilang araw lang namn yun eh.
Kinaumagahan maaga kaming nagising dahil ngayon ang byahe namin. Matapos naming makapag paalam kay Austin eh agad na umalis iyong van na service namin para sa paguwi ng probinsya.
Hanggang sa makarating na nga kami ng probinsya. Masaya kaming sinalubong ng mga kamag-anak namin doon. At sobrang naging masaya lang ang naging pananatili namin dito. Masaya naming ipinagdiwang ang pasko at ang pagsalubong ng bagong taon.
Pero ayun nga lang, hindi rin maiwasang hindi masagi sa isipan ko si Austin araw-araw, minu-minuto, segu-segundo. Iniisip ko kung okay lang kaya sya? Kung masya din syang nagdidiwang. Hayss.
Napag-isip-isip ko kasi, pano kung mag-isa lang na nag celebrate ng pasko at bagobg taon si Austin. Baka busy iyung mga magulang nya. Tsk. Huwag naman sana. Sigurado akong malulungkot yun, at paniguradong maaalala ang kaatid nya.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...