Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw at ngayon ay kasalukuyan akong nag a-abang ng masasakyan. Naisipan ko kasing mag commute ngayon para makauwi kaagad ng bahay. Medyo napagod din kasi ako masyado dahil sa mga pinagagawa sa klase kanina. Ng makita ko ang paparating na pedicab ay agad ko iyung pinara. Sa wakas makakauwi na rin ako. Akmang sasakay na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya natigilan ako at tsaka nilingon.. si Austin? Ha? Teka, anong ginagawa nya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko pero ngumuti lang sya.
"Huy ano na teh, sasakay ka ba?" Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita n nakasakay sa pedicab. Taray neto ah. Ihulog kita dito eh.
"Hindi po, hindi na sya sasakay." Sabi ni Austin kaya agad ko syang tinaasan ng kilay na may pagtataka sa mukha. Pero natigilan ako ng umandar na paalis ang pedicab na dapat na sasakyan ko. Wala na! Nakaalis na.
Taas kilay ko ulit na tiningnan etong si Austin para tanungin kung anong pinagagawa nya pero njita kng nakatingin sya dito sa bulaklak na hawak ko.
Oo nga pala, dala ko parin hanggang ngayon. Ewan, sayang naman kasi, tsaka unang beses may nagbigay sakin neto tapos white roses pa. Kahit na hindi ako sigurado kung para talaga sa akin eto.
"Kanino galing yan?" Tanong nya.
"Ahm. Hindi ko alam."
"Pwede ba yun?" Taas kilay nyang tanong.
"Oo, eh hindi ko naman talaga kilala kung kanino galing eto at kung sinong nagpabigay neto." Sagot ko ulit pero tinaasan nya lang ako ng kilay na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Baka naman, may nanliligaw na sayo?" Biglang sabi nya kaya nagsalubong ang klay ko. Anong pinagsasabi nya? Tsk! Pero bakit kung maka-react sya eh daig nya pa si mama. Hmm.
"Eh ano naman ngayon kung may nanliligaw saakin?" Pang-iinsulto ko pero tinarayan nya lang ako.
Akmang magsasalita palang sana ako pero hindi ko na nagawa ng simulan nya na akong hilain. Ano ba namang lalakeng to. Balak nya bang putulin braso ko?
"Hoy ano ba? Teka nga, san mo ba ko dadalhin, ha?." Takang tanong ko pero hindi sya umimik at nagpatuloy lang sa paghila sa akin patungo sa kung saan. Pansin kong pinagtitinginan narin ako ng mga taong nadadaanan namin na halos karamihan ay ka school mates ko pero nanatiling kalmado ang isang to na para bang walang pakealam. Ano ba kasing problema neto? Bakit laging nang hahatak?
Makalipas ang ilang minutong paglalakad, natigil ako ng mapansin kong andito na kami ngayon sa isang convenience store malapit lang din sa school namin. Pero anong ginagawa namin dito? Tsk! Lakas talaga ng trip ng isang to.
Sandali akong napatingin sa kamay nyanh nakahawak parin sa braso ko kaya binawi ko iyun tsaka sya tinaasan ng kilay.
"Siguro naman ngayon pwede mo ng sagutin ang tanong ko?" Pagsusungit ko dahilan para mapangiti sya ng sobrang lapad."Wala lang.. magpapasama lang." Sagot nya sabay ngiti ulit ng nakakaloka. Lakas talaga ng trip neto.
"Bibili ka lang pala nagpasama ka pa sa akin, at dito pa talaga. Eh samanatalang may malapit na convenience store sa atin eh." Pagsusungit kobg sabi pero napakamot lang sya sa batok nya.
"Eh, ang totoo nyan, susunduin lang dapat kita, eh kaso naisipan kong kumain kaya dinala kit dito." Sabi nya. Tsk! Kakain lang pala talagang dito pa? Wala ba silang pagkain sa bahay nila? Hayst. "Sige na libre na kita. Para naman hindi ka na magalit sa akin." Biglang sabi nya kaya biglang nagliwanag ang mukha ko. At walang kung ano-ano ay nagsimula na akong kumuha ng kahit anong makita ko. Baka magbago pa isip nya. Libre pala ha! Walang sisihan kung ilan ang magastos ko dito.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...