Chapter 10

15 2 0
                                        

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas natapos narin ang klase naman ngayon umaga. Medyo sa wala namang ibang nangyari buong maghapon kundi lectures at discussions na nakaka boring. Kung hindi lang talaga ako college talagang a-absent ako eh. Pero dahil kahit papano ay may pangarap ako, kailangan kong gawin eto. Tsk! Di bale malapit naman ng mag bakasyon kaya titiisin ko nalang muna to.

Pero ngayon ay kasalukuyan kong pinagmamasdan etong si Paul habang abala sa pamimili ng libro. Andito kami ngayon sa bookstore dahil nga sa napagkasunduan namin ni Paul kagabi. Tsk! Hindi ko rin alam kung bakit pumayag ako maliban dahil sa gusto kong malaman kung bakit nga iyun sinabi ni Peter sakanya. Pag eto talaga hindi nagsalita malilintikan to sa akin.



"Ano na? Matagal ka pa ba dyan? Nagugutom na ko." Inip kong tanong kay Paul na ngayon ay abala parin sa pamimili ng libro. Kainis! Halos mag-iisang oras na kaming naandito pero mukhang wala pang balak umuwi ang isang to. Dito na kaya sya tumira. Mag aalas-sais na ng gabi at naandito parin kami. Kinakabahan pa man din ako dahil limang libro na ang hawak nya ngayon. Watda! Baka kulang-in pera ko neto.

"Umalis ka na nga. Tawagan nalang kita kapag tapos na'ko dito." Aniya kaya bigla akong napangiti. Bakit ba ngayon lang naisipan ng batang to ang ideyang yan.


"Sige, sabi mo yan ha." Sabi ko tsaka kaagad na lumakad para magpunta na sa Ice cream house. Bahala sya dyan, kaya naman nya sarili nya eh. Wohoo. Bigla tuloy akong na-excite. Ilang araw narin kasi akong hindi nakakain ng ice cream dun sa paborito kong ice cream shop.

Agad akong umorder ng dalawang set ng ice cream na para lang sa akin ng makarating ako sa ice-cream house. Grabe, gutom narin kasi ako kahit na alam kong hindi gaanong nakakabusog ang pagkaing eto. Sadyang nag c-crave lang ako ng ice-cream.

Habang abala sa pagkain. Natigilan ako ng mapansin ko ang grupo ng lalake sa isang sulok malapit lang sa pwesto kung nasan ako. Pero ikinagulat ko ng mapansing grupo iyun ni Peter. Shocks! Anong ginagawa nila dito?. Naka uniform pa sil kaya malamang hindi pa sila nakakauwi ng bahay, tulad ko. Kaagad akong tumingin sa ibang direksyon at nagpakawala ng malalim na paghinga. Sana naman hindi nila ako makita dito. Nanahimik na ako eh.

Pero kahit na pigilan ko, hindi ko maiwasang hindi mabaling ang tingin sa pwesto nila. Pansin ko rin ang tawanan nila habang nakatingin sa direksyon ko. Mukha ba akobg nagpapatawa? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako clown at hindi rin ako komedyante. Tsk. Dahil sa ako lang naman ang tao dito sa kung san ako naka pwesto paniguradong sa akin sila nakatingin. Kaya pilit din akong nag-iwas ng tingin sa tuwing mapapansin kong titingin si Peter. Nawalan na nga ako ng gana kumain dahil sakanila.


Ilang saglit pa, sakto ng mag-angat ako ng tingin nakita ko mula dito na tumayo si Peter. Hmm. San naman kaya sya pupunta? Sana naman hindi sya dumaan dito sa pwesto ko. Baka anong gawin ko dito.


Akmang isusubo ko na sana ang spoon na may ice cream pero hindi ko na nagawa ng mapansin ko ang taong nakatayo sa gilid ko. Napalunok ako ng ilang beses matapos pumasok sa isip ko si Peter. Unti-unti akong nag angat ng tingin at tama nga ako, sya nga ang lalakeng nakatayo sa harap ko ngayon. Pero nag-iwas din kaagad ako ng tingin matapos kong makita ang mukha nya. Tsk! Maging ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko ay ramdam na ramdam ko. Ano ba kasing meron sa mukha nya at masyado akong nanghihina sa tuwing tinititigan ko sya lalo na ang mata nya. Putakte! Ano ng gagawin ko? Kahit na gusto ko syang makausap at pagsi-sigawan, hindi ko alam kung papano.

Sandali akong napalunok tsaka tumayo para makaalis na sa lugar na iyun. Hindi ko na kaya to. Baka maiyak nalang ako wala sa oras dahil sa kanya. Akmang pahakbang na sana ako para makaalis sa lugar na iyun ng bigla nalang may humawak sa braso ko dahilan para matigilan ako at para manginig ang buong katawan ko. Huwag kang ganyan Peter.


My Last TemporaryWhere stories live. Discover now