Buong maghapon lang akong nakahiga sa kama. Dahil sabado ngayon at halos tapos ko narin ang mga school works, na-bagot narin ako sa pag d-drawing kay heto akot nakikipag titigan sa kisame. Nabaling ang tingin ko sa picture frame na nasa tabi ko. Picture namin ni Peter nung mga panahong hindi pa sya yung Peter na kilala ko ngayon. Kainis! Gusto kong itapon pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin iyun. Bwiset!
"Kung ano man yang problema mo, alam mo namang andito lang kami, ako. Pwede mong sabihin sa akin anytime kung meron man, pwede kitang matulungan." Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Paul kahapon. Siguro ngayon ang tamang oras para sabihin ko sakanya ang tunkol sa amin ni Peter. Alam kong maiintindahan nya ako pagdating dito. Naalala ko nung huling beses kong sinabi sakanya ang problema ko, eh gumaan kahit paano ang nararamdaman ko dahil sa payo nya. Alam kong napaka bata pa nya para problemahin ang problema ko. Pero hindi ko rin alam kung bakit sadyang matured lang talaga mag isip ang isang yun. Siguro dala ng pagiging book worm nya.
Patungo na sana ako sa kwarto ni Paul ng bigla akong makarinig ng pag uusap sa sala kaya sandali akong sumilip. Pero laking gulat ko ng makita ko si Paul habang kausap si... Austin. Ano na namang ginagawa nyan dito?
"Ate, halika dito!" Nabaling ang tingin ko kay Paul na ngayon ay nilalaro ang aso nung Austin. Shems! Yung asong cute. Walang kung ano-ano at bigla akong tumakbo pababa tsaka nilapitan iyung aso.
"Hello.." Kaagad na pagbati ko habang hinihimas eto. Bakit ba kasi ang cute ng asong to? Sarap nakawin. Lols.
"Mahilig ka din pala sa aso." Natigil ako ng marinig iyun mula dito sa lalakeng nakatingin sa akin. At dahil dun ay bigla ko na namang naalala iyung.. kiss. Oo ng pala galit ako sakanya. Gusto ko tuloy syang sampalin at pagsusuntukin dahil dun pero hindi maari dahil andito si Paul. Paniguradong magtataka ang isang to.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit na tanong ko habang nakikipag kulitan sa asong hawak ngayon ni Paul. Mukhang na a-aliw din etong kapatid ko sa pakikipag-kulitan dito sa aso. Naalala ko na naman tuloy yung alaga kong aso dati. Palagi nya pa iyung inaway dahil laging pinupunit ang mga libro nya. Haha.
"Wala naman.. nakikipag kwentuhan lang dito kay Paul at Tita." Sabi nya pero sinungitan ko lang. Lakas ng loob. Tita talaga? Eh samantalang ilang araw palang namin sya nakikilala. Tsk! Kung sabihin ko kaya kina Mama at Papa ang pag akyat nya sa kwarto ko nung mga nakaraang araw. Syempre hindi pwede dahil pareho kaming mala-lagot. Kaya ligtas sya dun.
"Leila anak wag ka namang masungit dyan kay Austin." Rinig kong sabi ni Mama na ngayon ay may dalang juice bago inilapag sa center table. Kung alam nyo lang ang ginawa ng akyat bahay na yan noong panahong hindi pa natin sya kilala. Actually hindi pa naman talaga namin sya lubusang kilala. Tanging pangalan lang ang alam namin sakanya ni maging apelyido hindi namin alam. Oh no! Pano kung anak sya ng mga sindikato? Pano kung mamatay tao nga sya! Holy Cow!
"Ikaw lang ba mag isa dyan sa bahay nyo?" Tanong ni Paul. Halatang natigil ang lalakeng eto tsaka pilit na ngumiti habang napapailing.
"Actually, kasama ko mga magulang ko pero wala sila ngayon dahil busy sa trabaho." Sagot nya. Pero baki ganun? Bakit biglang naging kakaiba yung awra nya. Mula kaninang ngiting-ngiti eh ngayoy medyo natahimik. "Hmm. Thank you po dito." Sabi nya habang iniinom ang juice. Tsk!
Nagkwkwentuhan lang silang lahat pero ako nakikipag-kulitan lang dito sa aso. Kung ano-anong tinatanong nila dito kay Austin. Kung nandito lang talaga yung alaga kong asong si Mustard. Hays!
"Eh Kuya, saan ka nga pala nag-aaral? Rinig kong tanong ni Austin pero ramdam ko ang biglang pagtahimik neto. Hmm. Mukhang may mali ah.
"Ah, h-hindi ako nag-aaral. I mean nag-aaral ako. Yun nga lang, homeschooled." Sabi nya tsaka nagpilit ng ngiti. Kaya pala.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Novela JuvenilLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...