Pagkagising ko, halos isang oras din ang ginugol ko sa pakikipag-titigan sa kisame ng kwarto habang nagiisip ng kung-ano-ano. Masyado na namang nanghihina ang pakiramdam ko. Bakit ba ganito? Parang sobrang dalas na kung manghina ang katawan ko?. Baka dala lang ng emosyon na dinidibdib ko. Oo tama. Ganun ng iyun.
Pagkatapos ang paguusap namin nina Mama kagabi, masasabi ko na kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Sabi pa nga nila, gusto daw nilang makausap si Peter pero hindi ko na hinayaan dahil alam kong la-laki lang ang issue na'to. Pero kahit na alam kong habang buhay ng nakatanim sa isip ko ang mga ginawa akin ni Peter handa akong pagbigyan sya. Di ko rin alam kong ano ang eksaktong rason kung bakit, pero ayoko nalang munang mag-isip ng tungkol dun dahil may isa pa akong problema. Si Austin. Tsk! I wonder kung nahimasmasan na ang isang yun at nagising sa katotohanan. Baka nga hindi na sya magpakita sakin ko kaya kina Mama gaya ng ibang nakilala ko. Psh!
Sandaling nabaling ang tingin ko sa wall clock. At ilang minuto nalang at mag-aalas onse na. Ganun ba talaga ako ka-lutang para hindi mapansin ang pagtakbo ng oras? Tsk! Nagpakawala nalang ako ng malalim na pahinga bago bumangon dahil napagdesisyunan ko ng bumaba para makakin ng pananghalian dahil hindi ako nakapag almusal kaninang umaga. Hinatiran lang ako ni Mama ng sandwich at gatas pero hindi ko rin iyun kinain dahil nawalan ako ng gana. Pero ngayon, hindi ko na mapa-palampas eto dahil nagrereklamo na ang tyan ko.
Ilang hakbang nalang bago matungo ang kusina ng matigil ako matapos makita si... Austin na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Ano na naman bang ginagawa nya dito?! Akal ko ba... Bigla nalang akong napalunok tsaka nagiwas ng tingin ng mapansin kong tumingin sya sa direksyon kung nasaan ako. Teka? Ano na naman bang ginagawa nya dito?! Akmang pahakbang na sana ulit ako pabalik ng kwarto pero huli na dahil nakita na ako ni Mama. Hindi ko pa man din nasabi sakanila iyung nangyaring pag amin ko dito sa lalakeng 'to. Ang tanging alam lang nila ay iyung tungkol kay Peter. Kaya wala na akong nagawa kundi harapin sila tsaka napilitang bumaba at nagtungo sa dining.
Sandali akong lumapit kay Paul na ngayon ay taas kilay na nakatingin sa akin. Ano na naman bang iniisip neto?
"Anong ginagawa nyan dito?" Pabulong kung tanong pero nagkibit balikat sya bago sinagot ang tanong ko."Dito na sya mag l-lunch."
"Huh? Eh b-bakit?"
"Malay ko kay Mama." Bored nyang sagot tsaka nagsimulang lumakad para maupo sa silya. Tsk! Ano ba naman tong si Mama, bakit ang bilis magtiwala sa kung sino-sino. Eh akyat bahay ang isang yan. Kainis!
"Halika na Leila, kain na tayo." Sabi ni Mama kaya lumapit na rin ako tsaka pumwesto sa mesa. At kung minamalas ka ng naman kaharap ko pa ang Austin na eto. Ang galing!
"Sigurado po ba kayong okay lang sainyo na dito na ako mag lunch?." Tanong ni Austin kay Mama pero napairap lang ako. Kapal ng mukha. Wala na ata syang nabibiktima kaya wala ng makain. Kainis!
"May magagawa pa ba kami? eh sumasandok ka na ng kanin." Pabulong kong pagpaparinig dahilan ng biglaang pagtingin nila sa akin. Sana narinig nya dahil para sakanya yun.
"Ano yun anak?" Tanong ni Mama pero napailing ako. Sana naman di narinig ni Mama.
"Ah hindi wala.. sabi ko mukhang masarap tong ulam." Pagpapalusot ko pero napatango lang si Mama tsaka nagpatuloy sa pagkain. Sunod akong tumingin kay Austin na ngayon ay nakangiti habang kumakain. Tsk! Mabilaukan ka sana.
Halos naging tahimik lang ako habang kumakain, habang sila naman ay nagkwkwentuhan ng kung ano-ano. Which is very unusual. Kadalasan kasi ako lagi ang maingay kapag nasa hapag, sa sobrang ingay sinusuway pa nila ako ng bongga, pero ngayon ako naman ang walang kibo habang sila ay nagkakasiyahan. Sige, ako na OP dito. Parang sya pa ang mas kapamilya nyo kesa sakin. Bwiset! Mayamaya natigilan ako ng makita kong nakatitig sa akin si Austin. Nagpilit pa sya ng ngiti pero iniwasan ko lang ng tingin. Lakas talaga ng loob. Kung andito lang sana si Papa, edi sana may kausap ako ngayon.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...