Hindi ko alam kung tama ba etong gagawin ko, pero eto lang ang tanging paraan na naiisip ko ngayon. Hindi ko alam kung anong magiging resulta neto pero sana man lang bumalik na ulit sa dati si Austin. Iyung pakikitungo nya sa akin, sa amin.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago lakas loob na umakyat papuntang kwarto ni Austin. Sa tingin ko naman eh wala iyung mga magulang nya dahil wala iyung kotse nila. Kung tutuusin, pwede naman akong kumatok para kausapin sya ngayon, pero alam kong hindi ganun kadali iyun.
Alas-dyes na ng gabi at naandito ako umaakyat. Tsk, wag labg anang may makakita dito sa akin, lalong-lalo na sina Paul dahil paniguradong sandamakmak na tanong ang sasalubong sa akin pag nagkataon.
Sandali kong hinabol ang paghinga ko ng makahawak ako sa may grills ng terrace bago matungo ang kwarto ni Austin. Ng makaakyat na ako ng tuluyan agad kong hinawakan ang binatana ng kwarto ni Austin. Naka half close iyun, bale pareho lang naman kasi ang binatana namin na pwedeng pasukan. Pero kahit na gnun eh, walang nababalitang may nanakawan dito sa lugar namin. Kaya okay lang kahit na buksan pa iyun hanggang mag umaga. Pero ako yata ang mapa-pabalita kapag may nakakita sa akin dito.
Inikot ko muna ang tingin sa ko sa kwarto ni Austin bago ko iyung tuluyang binuksan at marahang pumasok ako sa loob. Napaka dilim ng paligid ang bumungad sa akin na tanging ang lamp na nasa gilid ang nagbibigay ilaw sa kwarto ni Austin.
Halos nagkalat ang mga gamit sa paligid. Meroong mga picture frame sa gilid na halos naka-taob lahat. Maging ang mga bote ng alak at yosi na nasa lapag. Ano na bang nangyayari kay Austin?
Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng kwarto nya at ikinagulat ko ng makita si Austin habang hawak ang bote ng beer na wala ng laman. At kahit na dim ang ilaw, kita ko sa mukha nya ang pagtataka sa pagkakakita sa akin.
"H-hi." Bati ko tsaka awkward na ngumiti. Bahala na si Batman.
"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok." Kalmado nyang tanong pero nginuso ko ang lang ang binatana.
Alam kong magagalit sya, pero andito na ako... kaya wala ng atrasan to. Tinanggal ko ang sumbrero'ng suot ko tsaka naupo sa kama nya.
"Pa-tambay." Sabi ko tsaka kinuha ang isang yosi na nasa kama nya at inilagay ng dulo sa bibig ko. "Lighter." Sabi ko dahilan para tingnan nya ako ng seryoso. Pero this time seryosong seryoso na.
"Ano ba talagang kailangan mo?"
"Bakit? Kapag ikaw nagpupunta sa kwarto ko, okay lang. Tapos kapag ako m hingi pwede." Sabi ko tsaka inilagay na sa gilid ang yosi. Err. Para namang gagawin ko yun. Yucks! Ang sama ng lasa. Panget na nga ako magbi-bisyo pa ako.
"Tsk." Aniya tsaka naupo sa lapag at tsaka in-on ang screen. Mukhang mag v-video game ata sya.
Natigil ako ng mabaling ang tingin ko sa gitara na nasa gilid ng kama nya. Kaya naman nakaisip ako ng ideya. Kinuha ko iyun tsaka ipwe-nesto sa kamay ko. Halos ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Shocks! Sana naman hindi ko pa nalilimutan iyung tinuro sa akin nung mga nakilala ko sa shop kahapon.
"Sorry na kung nagalit ka 'di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyoSorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa kana
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihintoSorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na"
YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...