My Last Temporary
Hindi ko alam kung bakit ko eto sinulat pero. Sana mag enjoy kayo. May mapulot sana kayo dito. Kahit ano. Stay safe everyone. Enjoy reading. Muwah.
📌
Tapos na ang Christmas maging ang New Year, kaya ilang araw na lang at balik pasukan na ulit. Kaya sinusulit ko etong natitirang araw sa pakikipag-titigan sa kawalan.
Ngayon ang byahe nina Austin papuntang States at maya-maya lang eh aalis na sila. Kaninang umaga, sinubukan nya pa akong kausapin, pero hindi nya ako napapayag sa pagkakataong iyun. Ano pang saysay ng pag-uusap namin gayung aalis din naman sya.
Magpapa-alamanan sa wala. Tutal, nasabi ko narin naman sakanya netong nakaraan na hindi ko na sya kailangan. At sapat na iyun para magkaroon sya ng lakas ng loob na iwan ako.
Mayamaya biglang may kumatok sa pinto pero hindi na ako umimik dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko. Hinayaan ko nalang ang pagbukas ng pinto ng kung sino.
"Mali pala ako ng inaakala." Rinig kong sabi ni Paul ng tuluyang makapasok ng kwarto ko. "Akala ko si Kuya Peter lang iyung tanging lalakeng magpapaiyak sa'yo. Hindi rin pala." Patuloy nyang sabi tsaka naupo sa kama ko.
Mukhang na amoy nya na kailangan ko sya ngayon ah. Tsk.
"May nararamdaman ka na para sakanya?" Natigilan ako sa pagkakataong iyun. Hindi ko alam kung bakit nya itinanong ang isang yun pero, at some point bigla akong napaisip dun. At mukhang alam ko at sigurado ako sa sagot ko sa tanong na iyun.
Sandali akong umayos ng upo tsaka tumingin ng diretso sa mata ni Paul.
"Mahal ko na sya, Paul." Hindi ko napigilan ang sarili ko kundi ng aminin ang tunay na nararamdaman ko.Wala ng sense kung magsisinungaling ako para sa wala."Eh pano kung sabihin ko sayo na.. Mahal ka narin ni Austin." Kaagad naman akong natigil dahil sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin dun? "Anong mararamdaman mo?" Sunod na tanong nya dahilan para bahagya akong mapa-isip.
"Kahit naman sabihing mahal namin ang ang isa't-isa wala naring saysay kung magkakalayo kami." Sabi ko tsaka napakagat sa pang ibabang labi.
"Napaka bilis naman pala talagang sumuko ng ate kong eto eh." Aniya tsaka ako tinaasan ng kilay. "Pinanghihinaan ka na kaagad ng loob kahit wala pang nangyayari." Napaisip naman ako bigla dun.
"Alam mo ba, noong unang beses kong nakilala si Kuya Austin. Alam ko at sigurado ko na mabuti syang tao. At hindi nga ako nagkamali." Pagkwento nya tsaka nahiga sa kama. "Aminin mo, diba na-in-love ka sakanya dahil sa likas nyang pagiging thoughtful at caring." Bahagya naman akong napangiti dahil sa sinabi ni Paul. Hindi ko maikakaila, tama sya dun.
"Sa sobrang bait nya, alam mo yun? Yung nakakaasar na sya." Natatawa nyang sabi taka tumingin sa akin. "Ma-m-miss ko din sya ng sobra." Nakagat ko ang pang-ibabang labi tsaka napatango.
"Bakit? Sa tingin mo ikaw lang ang makaka-miss sakanya?" Tanong ko kaya naman napangiti eto sa akin.
.
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Paul naiwan na naman ulit ako dito sa loob ng kwarto ko. Medyo gumaan kahit papano iyung bigat sa loob na nararamdaman ko pero bigla ding bumibigat sa tuwing naiisip ko na pa-ikli na ng pa-ikli ang oras na pananatili ni austin dito.
Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng biglang mag message sa akin si Peter. Mag-meet daw kami ASAP. Ayoko pa nga sanang pumayag dahil sa sobrang panghihina nga ng katawan ko pero masyado syang nagpumilit. Wala narin akong naawa kundi ang mag bihis. Isa pa, napag-isip-isip ko kasi, ilang araw narin akong nagkukulong sa bahay.
YOU ARE READING
My Last Temporary
Genç KurguLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...