Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ng marinig ang nakaka-rinding tunog mula sa alarm na si-net ko. Hanep! After 9271036291 years ngayon nalang ulit ako nag alarm clock. Tsk. Di ko rin alam kung bakit ko ginawa yun eh kadalasan naman lagi akong late kung gumising. Di bale na nga.
Tumayo na ako tsaka binuksan ang bintana para tingnan kung gising na si Austin. Pero mukhang tulog pa sya dahil saradong-sarado pa ang bintana ng kwarto nya, maging ang gate ng bahay nila. Pero napangiti ako ng mabaling ng tingin ko sa papel na nakadikit sa bintana ni Austin na may naka sulat na "good morning". Tsk. Hanggang ngayon hindi parin nya inaalis ang isang yun? eh halos mag-iilang linggo na yang naandyan mula nung malaman kong naandyan sya nakalipat. Wala ba syang balak alisin ang isang yan. Pati gabi nakikita ko yan. Tsk.
Pagkatapos kong makaligo, makapagbihis nagsimula akong mag-ayos ng sarili. Pero nahinto ako ng mabaling ang tingin ko sa lip gloss na nasa pouch. Tsk. Halos isang buwan na ang nakalipas matapos etong bilhin ni Mama para sa akin at ng magamit ko daw. Pero hanggang ngayon eh hindi ko parin mabawas-bawasan. Eh sa wala naman akong hilig maglagay ng lipstick, lip tint, o kahit na anong kolorete sa mukha. Pero, wala naman sigurong masama kung maglalagay ako ng kahit kaunti lang naman diba. Hahaha.
Pagkatapos kong makapag-ayos kaagad akong bumaba sa sala tsaka agad na nilibot sa bahay ang tingin. Pero natigilan ako ng ma-realize ko na wala nga talaga si Austin. At isa iyung himala dahil wala sya dito. Hmm, tulog panga ata talaga.
"Good morning!" Rinig kong bati sa akin ni Paul kaya nilingon ko eto pero sandali etong natigilan ng humarap na ako sakanya. Bakit? May mali ba sa mukha ko?
"B-bakit?" Takang tanong ko matapos makita ang mukha nya habang nakatingin sa akin na para bang binibigyan ako ng what's the meaning of this? look.
"Teka, parang may kakaiba ata sayo ngayon." Aniya tsaka na-ningkit ang mata at sinisipat ang itsura ko ngayon. Tsk. Nagmukha tuloy akong kriminal dahil sa pagtitig nya sa akin ngayon. "Teka.. nag lipstick ka ba?" Bigla ko naman syang tinaasan ng kilay dahil sa sunod nyang sinabi.
"H-hindi noh." Pagsisinungaling ko tsaka nag-iwas ng tingin at niyukom ang bibig. Pero nag make face lang sya habang ginagaya ang sinabi ko. Epal din to kahit kelan eh. Bakit ba kasi ganito tong isang to? Andaming nalalaman. Pa-tumba ko kaya to.
"Eh ano yan?" Sabi nya sabay turo sa labi ko. Kainis talaga eh.
"K-konti lang naman eh. Tsaka lip gloss lang to kaya huwag kang OA." Depensa ko sabay irap pero nag-make face lang ulit sya. Talagang! Ma-hanginan sana yang mukha mo ng hindi na bumalik sa dati.
"Pareho lang yun." Sabi pa nya tsaka ako sinamaan ng tingin.
"Umagang-umaga nag aaway kayo." Nabaling ang tingin ko kay Mama na ngayon ay nasa kusina kaya agad akong nagtungo dun.
"Eh kasi Ma, etong si Ate, natututo na. May palagay-lagay na ng lipstick na nalalaman. Siguro may nanliligaw na dito. Yung nagbibigay sakanya ng bulaklak." Tinaasan ko nga ulit ng kilay tsaka sinamaan ng tingin.
"Unang-una, si Mama kaya mismo bumili sa akin nung lip gloss, at pangalawa.. ano naman ngayon kong may nanliligaw na sakin." Pagtataray kong sabi. Kainis kasi eh. Pero napansin kong natigilan sya tsaka naupo nalang at napayuko. Tsk. Taob ka din ngayon.
"Tumigil na nga kayo. Paul anak, wala namang masama kung mag-ayos iyang ate mo, nasa tamang edad na sya. Di ka ba natutuwa dun? Magmumukha ng tao etong ate mo." Sabi naman ni Mama dahilan para bahagyang matawa etong si Paul kaya naman tinaasan ko ng kilay si mama. Sige pagtulungan nyo ako ngayon. Kung dito si Papa talagang malilintikan kayo.
Nagsimula na kaming kumain. Pero hindi tulad netong mga nakaraang agahan eh masyadong naging tahimik. Dahil wala si Austin.
"Hmm. Dumaan po ba dito si Austin?" Tanong ko dahilan para matigilan sila sa pagkain tsaka ako tiningnan ng may pagtataka sa mukha.
YOU ARE READING
My Last Temporary
Teen FictionLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...
