Chapter 13

16 2 0
                                    

Ngiting-ngiti na sumalubong sa akin si Manong guard bago ako makapasok sa gate ng campus. Anong problema neto? Eh hindi naman sya ganito sakin noon. Ni hindi nga kami close eh. Nakakapanibago lang.

"G-good morning po Kuya." Bati ko nalang kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti nya. Weird talaga eh. Naka-take ba'to?

Akmang maglalakad na sana ako para magtungo sa room ng biglang may kumalabit sa akin kaya naman automatic akong napalingon at nakita ko nga ulit si Manong Guard na hindi parin maalis ang ngiti sa labi. Hayst. Isa pa talagang ngiti pu-punitin ko na yan. Napaka creepy na eh.

"B-bakit po?" Takang tanong ko habang umatras ng bahagya. Pero natigilan ako ng bigla nya sa aking iniabot ang boquete ng white roses. Nanaman? Aba! Hindi kami talo neto ni Kuya. Kahit na NBSB ako hindi ako pumapatol sa kaedad ng tatay ko.

"Naku, p-para san po eto?" Tanong ko na may pagtataka sa mukha kaya naman bahagya etong natawa.

"Huwag kang mag alala, hindi galing sakin yan. Napag-utusan lang ako para ibigay yan sayo, ineng." Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa sunod nyang sinabi.

Aba! Kahapon lang, may nagbigay sakin ng ganito. Pati ba naman ngayon? Hindi pa naman ako patay pero may bulaklak na?

"Eh k-kanino po eto galing?" Sunod na tanong ko pero agad etong napailing.


"Sekreto." Tanging nasabi nya tsaka nagsimulang lumakad paalis para magyungo sa guard house. Lakas ng trip ni Kuya ngayon ah.


Pansin kong napa-patingin na sa akin ang mga taong nasa paligid ko na halatang may pagtataka din sa mukha kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Tsk! Kanino naman kaya galing to? Iisa lang ba ang may bigay neto pati nung kahapon? Tsk. Napailing nalang ako tsaka nagsimulang lumakad para  magtungo na sa room.

Eh sayang din kasi etong bulaklak kung tatanggihan ko. Eh mukhang mahal eto. Pero ang tanong, kanino nga kasi galing eto? Teka, di kaya death threat to? Tsk! At sino namang may galit sa akin. Hayst. Napapraning na tuloy ako masyado dahil sa kakaisip.

Pahakbang na sana ako para mga tungo sa room ng makita ko na naman sina Cindy at mga alipores nya na kulang nalang eh sakupin na ang buong space sa hallway. Ano na naman bang kailangan ng mga to sa akin? Hindi ba sila nagsasawa? Kasi ako, nagsasawa na. Tsk.

Nanatili akong kalmado habang pansin ang pagtingin nila sa bulaklak na hawak ko ngayon. Kasabay nun ay ang bigla nilang pagtawa habang napapailing. Tsk. Mukha ba akong nagpapatawa?


"Ambisyosa ka rin talaga kahit kelan eh nuh." Biglang sabi ni Cindy kaya tinaasan ko sya ng kilay na may pagtataka sa kubg anong sinabi nya. "Pagkatapos ni Peter ngayon naman ay isusunod mo si Austin. " Sandali akong natigilan dahil sa sunod nyang sinabi.

"Anong pinagsasabi mo?" Intrigang tanong ko kaya napangisi sila.

"Huwag mo nga akong gawing tanga. Diba ina-akit mo si Austin. Kagaya ng ginawa mo kay Peter?" Aniya habang napapailing dahilan para kumunot ang noo ko. "But, sad to say. Hindi ka nagtagumpay." Dagdag pa neto habang ngayon ay kinuha ang hawak kong bulaklak at tsaka iyun pinagmamasdan.


"Talagang nararapat lang iyun para sa'yo. Dahil unang-una. Alam naman nating hindi ka talaga magugustuhan ni Peter o kahit na sino." Pagpapatuloy nya kaya tanging paglunok ang nagawa ko habang pinipigilan ng emosyon.


"Alam mo Cindy, kung ano man yang pinagsasabi at iniisip mo. Pwes, nagkakamali ka. Hindi ko inakit si Peter o si Austin at kahit kailang wala akong aakitin." Mariin kung sabi na kusang lumabas mula sa bibig ko ang mga salitang iyun. Halatang nagulat din sila sa ginawa ko pero nanatili lang akong kalmado kahit na ang totoo ay kinakabahan na ako dahil sa kung ano na namang balak nilang gawin sa akin kagaya nung huling beses kaming nagkasalubong.

My Last TemporaryWhere stories live. Discover now