Chapter 3

24 2 0
                                    

Pagkatapos ng klase at sandaling pananatili sa library buong hapon, naisipan ko naring umuwi para makabawi ng tulog dahil sa ilang gabi narin akong walang ayos na tulog dahil sa Peter na yun. Pero bakit ganun? Bakit kahit na sinaktan nya na ako at lahat pakiramdam ko hindi na ako galit sa kabila ng mga nalaman ko at pinag gagawa nya sa akin. Ewan di ko alam. Nakakainis sya! Sobra! Di bale, magmula ngayon gagawin ko ang lahat para pigilan na ang dapat na pigilan. Kaylangan ko ng tanggapin na hindi si Peter ang taong para sa akin. Pero kasi, gusto ko parin sya eh. ERASE.. ERASE.

Hindi pwede! Hindi sya ang prince charming ko period!

Pagkatapos kong maayos ang gamit nagsimula na akong lumakad ng makuwi na. Medyo malapit lang din naman ang bahay namin mula sa eskwelahan na hindi din aabot sa thirty minutes ang lalakarin. Mas mabuti nga yun, mas nare-refresh ang utak ko at the same time exercise na din, edi nakatipid pa ako.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad habang pinagmamasdan ang mga sasakyang nagda-daanan sa kalsada, bigla akong nahinto ng makita ang lalakeng nakatayo sa may puno habang pinagmamasdan ang bahay na na nasa tapat. At mukhang namumukhaan ko ang lalakeng iyun kahit na naka-side view sya at kahit na dumidilim na. Lumakad pa ako ng kaunti, at ngayon nga ay tama ako sa inaakala. Bigla ko tuloy naalala iyung pagpapasikat nya kanina kina Mama. Pero teka? At bakit? Anong ginagawa ng Austin na yun ng ganitong oras sa gilid ng puno at pinagmamasdan ang bahay.

Hmm. Mukhang alam ko na. Bagong bibiktimahin nya ata. Kung sabagay, maganda nga kasi ang bahay na iyun at pangmayaman. Napailing nalang ako tsaka sandaling nagpakawala ng malalim na paghinga. So bale madadaanan ko sya kaya kailangan kong umaktong hindi ko sya nakita ng sa ganun ay makaiwas sko sakanya.

Ilang hakbang nalang at malalampasan ko na sya ng biglang..
"Leila?" Biglang na-milog ang mata ko tsaka binilisan ang paghakbang. Paging Naruto, I need your help! Tsk! Bakit ba kasi napaka-talas ng pang-amoy ng lalakeng to. "Hoy teka lang." Rinig kong pagtawag nya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hindi sya nili-lingon. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng makakasalubong ko sya pa! Pwede namang yung aso nya nalang. Tsk! Tsk!

Habang patuloy ako sa paglalakad natigil ako ng maramdaman ko na may biglang humawak sa braso ko kaya napilitan akong lingunin sya kahit na labag sa kalooban ko bago binawi ang braso kong hawak nya.

"Bakit ba ha?" Pagu-sungit kong tanong pero napaka-lapad na ngiti ang ibinigay nya sa akin.

"Hmm. Wala lang. Uuwi ka na? Sabay na tayo." Tiningnan ko sya habang nakataas ang kilay pero mas lalong lumapad ang ngiti nya ng ×2. Nakaka-banas pagmasdan ang mukha nya. Kahit na may itsura sya, hindi ako natutuwang pagmasdan ang mukha nya.

"Excuse me, unang-una kaya kong umuwi mag-isa, pangalawa hindi tayo close kaya huwag kang feeling close." Pagu-sungit kong sabi pero napangiti lang ulit sya tsaka akmang lalapit pero umatras na ako.

"Ouch, thats way harsh." Sabi nya pa pero lumakad nalang ako paalis sa lugar na yun. Kainis! May problema ata sa utak ang lalakeng to.

"Ano ba kasi talagang kailangan mo sakin ha?" Tanong ko parin habang patuloy sa paglalakad.

"Wala.. gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo eh." Sandali akong natigil mula sa paglalakad habang prino-proseso ang mga sinabi nya. Dahil rin doon ay ramdam ko na ang pamumuo ng luha mula sa mata ko na mukhang handa ng tumulo ano mang oras dahil sa sinabi nya. Hindi ko na matandaan kung kelan ko huling beses naring ang salitang iyun mula sa ibang tao. At nakakapanibago pakinggan.

"O-okay ka lang? Bakit? M-may nasabi ba akong masama?" Alalang tanong nya kaya bigla kong natauhan mula sa pagkaka-tulala tsaka nag-iwas ng tingin. Bakit ba kasi napakababaw ng luha ko kapag usapang kaibigan? Kainis!

My Last TemporaryWhere stories live. Discover now