Love Was
CHAPTER 2Halos mag iisang oras ko naring pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin magmula ng makuwi ako ng bahay. Habang paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang tanong na gustong-gusto kong masagot noon pa man. Bakit ba kailangan kong pagdaanan eto? Bakit ba sa dinami-rami ng tao dito sa mundo. Sa akin pa napunta ang kondisyong eto.
Para sa lagay ko, hindi madali ang magkaroon ng kondisyong Alopecia. Isang kondisyon ng pagkawala ng buhok. Naalala ko pa nung bata ako, kung paano ako iwasan ng mga kaklase ko na para bang meron akong dala-dalang malubhang karamdaman. Yung mata-tanaw ka palang nila ilang metro na kaagad ang layo sa'yo. Hanggang ngayon hindi maalis-alis sa isipan ko kung pano nila ako pagtawanan at pagtripan noon. Na halos dumating yung araw na ayoko ng pumasok at manatili nalang sa bahay para makaiwas sa pangu-ngutya nila. Buong pre-school hanggang sa mag-highschool ako, mas lumala ang pagtrato sa akin. Kahit na alam kong andyan lagi ang pamilya ko na hindi nagsasawang ipaintindi sa akin ang mga nangyayari, masyadong nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko noon, hanggang ngayon. Lahat ng paraan ginawa na nina Mama at Papa para masolusyunan iyun. Pero mula nung magkanda utang-utang na kami sa bangko mas pinili kong tanggapin kong anong magiging itsura ko. At alam kong hindi iyun madali. Pero, mula nung makilala ko si Peter. Naalala ko pa yung araw na hindi pa sya yung Peter na kilala ko ngayon. Sya yung Peter na lagi sa akong napapangiti at napapatawa. At sa unang pagkakataon naramdaman kong may tao paring handang makipagkaibigan sa akin, at si Peter iyun. Si Peter na akala ko mapagkakatiwalaan ko, pero eto at malalaman kong ginamit lang ako. At ang mas masakit dun ay dahil pinaasa nya ako. Siguro nga wala na talagang magmamahal sa akin dahil sa kung ano at sino ako. At kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga pang fairytale ang buhay ko. Kung sabagay, sino ba namang magmamahal sa isang kalbong tulad ko. Tsk.
Pinunasan ko nalang ang luha mula sa mata ko n ngayon ay patuloy na dumadaloy tsaka isinuot ang wig bago nahiga sa kama habang nakatingin sa kawalan.
"Leila, anak halika na't kakain na tayo." Rinig kong pagtawag sakin ni Mama mula sa labas ng kwarto.
"Mamaya nalang po ako kakain. Busog pa ako." Pagdadahilan ko habang nakasubsob sa kama ang mukha at pinipigil ang pagluha. Hanggat maari ayoko munang sabihin sakanila kung anong nangyari sa amin ni Peter. Mas lalo akong maiiyak kapag ganun.
Kung kahapon ay ganadong-ganado ako, ngayon nama'y halos nanghihina na ang buong katawan ko. Bakit ba kasi masyado akong nagpa-bulag sa Peter na yun? Kainis!
"Magandang gab---" Natigil ako ng narinig ang boses na iyun. At ngayon ko lang din narealize na nakalimutan ko na namang isara ang bintana. "Gising ka pa?" Rinig kong tanong ng kung sino ngunit hindi ako umimik. Pero natigilan ako ng biglang may humila sa kumot ko. Kaya napilitan akong tumayo mula sa pagkakahiga para kunin ang kumot na ngayo'y hawak nga ng lalake'ng eto na mukhang gulat pa sa pagkakita sa akin. Ano na naman bang ginagawa nya dito?
"Teka, umiiyak ka ba?" Tanong nya parin pero nag-iwas na lang ako ng tingin habang pilit kinukuha ang kumot na hawak nya.
"Ibigay mo na sakin yan."
"Okay ka lang? May problema ka ba?" Pilit na tanong nya parin pero napairap lang ako tsaka patuloy sa pag abot nung kumot na inilalayo nya mula sa akin.
"Ibibigay mo yang kumot sa akin o sisigaw ako." Pagbabanta ko. Sandali naman etong napaisip bago ibinigay sa akin ang kumot bago sya inirapan.
"Broken hearted ka noh?"
"Hindi." Pagsusungit kong sabi pero napangisi lang sya. Kainis! Sa susunod talaga i-l-lock ko na tong bintana nato.
Napasubsob nalang ulit ako sa kama tsaka nag-taklob ng kumot. Ayoko ng makipagtalo sakanya. Kunin nya lahat ng gusto nyang kunin, kung sakaling magnanakaw man sya. Unang-una, tanda ko ang itsura nya, pangalawa, wala naman syang makukuha sa akin dahil wala naman kaming kayamanan. Actually, mas okay nga kung kriminal sya at hindi na ako papalag kung balak nya akong patayin ngayon, mas okay pa nga iyun.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Fiksi RemajaLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...