Chapter 7

14 2 0
                                        

"Ahm. A-alin ba mas masarap dito sa dalawa?" Tanong ko kay Austin habang hawak ang dalawang sandwich spread. Kanina pa kami nakatayo dito pero hanggang ngayon hindi parin ako makapag decide kung alin sa dalawang hawak ko ang bibilhin ko.

"Yung halik mo." Natigilan ako ng marinig iyun mula sakanya kaya kaagad ko syang tinaasan ng kilay. "Ang ibig kong sabihin ikaw." Sunod na nagsalubong ang kilay dahil sa mga pinagsasabi nya. "Ah ano kasi! Ang sabi ko. Ikaw... kung anong gusto mo." Sabi nya sabay iwas ng tingin. Tinaasan ko lang sya ng kilay tsaka napailing. Tsk!

Andito kami ngayon sa market dahil sa inutusan kami ni Mama na mag grocery kasama si Paul dahil naubusan na kami ng stock. Eh etong si Austin nasaktuhang nakatambay sa bahay kaya sinamahan na rin kami dahil sa sya narin ang nag drive ng kotse ni Papa. Eh iyung magaling kong kapatid, hindi ko na alam kung san na nagsusuot. Malilintikan talaga ang isang yun sakin mamaya.

"Sige na nga, bibilhin ko na'tong dalawa." Sabi ko nalang. Walang mangyayari kung tatayo nalang kami dun buong maghapon.

Pagkatapos naming makapag grocery, sunod naming hinanap si Paul para makauwi na ng bahay. Kainis kasi! Dapat talaga hindi ko na sinama ang isng yun. Pa-abala masyado. Mayamaya biglang naagaw ang atensyon ko ng mapadpad ang tingin ko sa isang boutique. Di ko alam at kusa nalang na humakbang papunta sa lugar na iyun ang paa ko.

"Lei." Rinig kong pagtawag sakin ni Austin pero nagpatuloy ako sa paglakad ng hindi sya pinapansin. Hanggang sa matungo ko na ang boutique. Halos di ko maiwasang di mapangiti habang pinagmamasdan ang mga gown na nasa harap ko. Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa mata ko. Kainis!

"Okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Autin kaya kaagad akong tumango habang hindi inaalis ang tingin sa mga nag-gagandahang gown na nasa harap ko.

"Oo." Sabi ko tsaka nagpilit ng ngiti. Yung mga drawings ko. Balang araw masusuot ko din ang mga iyun. "Hmm. T-tara na." Sabi ko tsaka nagsimulang lumakad palayo sa lugar na yun. Mahirap na baka tuluyan na akong maiyak dun. Ayoko pa man ding magkwento sakanya dahil alam kong tatanungin nya ako nun.

"Ate, tara na." Natauhan ako ng marinig iyun mula kay Paul na ngayon ay busangot na busangot ang mukha.

"San ka ba nanggaling na bata ka ha?" Tanong ko habang ngayon ay pinitik ang tenga nya. Pasalamat ka at may hiya pa ako kaya yan lang ang nagawa ko sa'yong bata ka.

"Aray!" Singhal nya pero pinan-dilatan ko lang. Pa-abala kasi masyado eh! "Eh tumingin lang naman ako ng mga bagong libro dun sa bookstore." Sabi nya tsaka napahawak sa tenga. Bagay lang yan sayo.

"Teka, mahilig ka din pala magbasa ng mga libro?" Napatingin naman kaming pareho ni Paul dito kay Austin na ngayon ay halatang bigat na bigat na sa mga grocery bags na hawak. Ginusto nya yan. Panindigan nya.

"Kung alam mo lang kung gaano ka-adik ang isang yan. Kulang nalang magmukha ng libro pagmumukha nya. Hahaha." Pang-iinsulto ko pero nag-make face lang ang aking minamahal na kapatid.

"Ganun ba? Eh kung gusto mo... pa-pahiramin kita ng mga libro, pero dapat isauli mo." Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Paul dahil sa sinabi ni Austin. Aba! Mukhang malakas tama neto. Hindi ko na naman mau-utusan ng ilang buwan ang isang to.

"Kung ganun? Edi mahilig ka ding magbasa?" Manghang tanong ni Paul na halatang excited na masyado. Pero napailing si Austin.

"Actually, hindi ako. Iyung.... k-kapatid ko." Sabi nya tsaka umiwas ng tingin bago nagpilit ng ngiti.

"Talaga? Eh asan na sya? Gusto ko syang makilala, makita, at makausap? Ano ng mga nabasa nya? Sa tingin mo ilang libro na nabasa nya?" Sunod-sunod na tanong ni Paul kay Austin. Pero natigilan ako ng makita ko ang mukha ngayon ni Austin. Yung ngiti sa mukha nya ay biglang nawala at napalitan ng lungkot. Mukhang.. may mali.

My Last TemporaryWhere stories live. Discover now