"Ingat!" Huling sabi ko bago tuluyang makaalis ang kotse ni Papa para sunod na ihatid si Paul. Maaga akong nakarating dito dahil sa hinatid ako ni Papa. At dahil dun ay gina-nahan ako. Sana araw-araw nalang ganito. Hindi ko alam pero ako lang ata ang estudyanteng gustong-gusto paring hinahatid ng magulang kapag papasok kahit na kolehiyala na ako.
Ng makapasok ako sa campus nagpatuloy lang ako sa paglakad para magtungo sa room. Pero natigil ako ng makita ko si Cindy kasama iyung tatlo nyang alalay na ngayon ay nakaharang sa dadaan ko. Bigla ko tuloy naalala yung nakaraang kita ko saknya. Yung kasama nya sina Peter sa may labas ng cafe. Sa pagkakaalam ko nasa dating stage na sila ni Peter at hindi na ako magtataka kung malalaman ko nalang isang araw sila na nga ano mang oras mula ngayon.
"Hi Leila." Ngiting-ngiti nyang bati nya sa akin. Tsk! Apaka plastic. Kilala ko buong pagkatao mo kaya hindi mo na ako mau-uto. Hindi mo na ko madadaan sa paganyan-ganyan mo dahil habang buhay ng mananatili sa akin iyung mg pinagagawa mo sakin mula noong unang beses palang tayong magkakilala.
"Excuse me.. dadaan na ako." Mahinahong pakiusap ko habang nag iiwas ng tingin. Siguro nga kung iisipin, alam ko na kung hanggang saan lang ang kaya ko pero hindi ko parin makakayanang makipagtalo dahil iyun ang kahinaan ko. Sobrang lakas ko kung mag-isip pero ang pagsalita sa harap ng ibang tao bg isa sa mga kahinaan ko
"Teka lang, excited ka masyado eh." Sabi nya tsaka lalong hinarangan ang dadaanan ko. Ano na naman ba kasing kaylangan ng mga eto. Huling beses na kinausap nila ako ay noong kasama ko si Peter. Na pagkatapos ng klase eh pinagtripan nila ko sa gitna ng daan. At hindi ko na gugustuhing mangyari pa yun. "Hindi mo naman kasi nasabi samin ni may boyfriend ka na pala." Biglang sabi nya dahilan para maalala ko si Austin at yung kiss. Oo nga pala. Pero... hindi ko maaring sabihin na hindi ko boyfriend si Austin dahil alam kung iisipin nyang ginamit ko lang si Austin para kay Peter. Kahit na totoo naman. Peto hindi ko naman ginusto yun eh.
"Pasensya na, pero may klase pa ako. Kaya kubg pwede padaanin nyo nalang ako." Sabi ko habang pilit na umiiwas para maka daan pero bigla nalang akong hawakan ni Cindy sa braso ng napaka higpit. Sobrang higpit.
"Kinakausap kita, wag kang bastos!" Sabi nya na halatang inis na rin sa akin. Ano ba kasing kailangan ng mga to sa akin? Pero kung ano man nga iyun, alam ko namang wala silang matinong dahilan dito.
"Pwede ba, kung meron man kayong kailangan sakin sabihin nyo ng diretso." Kaagad na nagsalubong ang kilay nilang lahat na mukhang gulat din sa sinabi ko. Maging ako ay nagulat dahil sa pagtaas ng tono ng boses ko. Na mukhang ngayon ko lang nagawa sa harap nila. Ang totoo nyan hindi ko naman talaga intensyon na makipag away pero ayokong isipin nila na hanggang ngayon ay mahina parin ako. Kahit na yun naman ang totoo.
"Ah so matapang ka na ngayon." Sabi nya habang napa-pa-ngisi. Hanggang sa lalo ng humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko kaya sinubukan kong alisin iyun mula sa pagkakahawak nya.
"Pwede ba.. nasasaktan ako." Pilit kong sabi na mas lalong nagpataas ng kilay nila.
"Talagang nanlalaban ka na nuh?!" Maarte netong sabi tsaka kinuha ang wig na nasa ulo ko tsaka nya iyun ibinigay kay Margaux isa sa kaibigan ni Cindy. Akmang kukunin ko na sana iyun pero nakatanggap na ako ng sampal mula dito sa babaeng may hawak parin sa akin. Sa sobrang lakas halos hindi ko na maramdaman ang pisngi ko dahil sa pamamanhid. "Sa susunod wag kang basta-basta sasagot lalo na kung kami ang kausap mo. Kilalanin mo kung sino kinakalaban mo ha." Sabi nya tsaka nagsimulang lumakad paalis. Naiwan namang nakatingin sa akin etong tatlo nyang alalay bago itinapon sa mukha ko ang wig tsaka ako iniwan na nakatanga. Sobrang nanghihina ang tuhod ko sa mgc oras na eto. Mayamaya tumulo nalang ng kusa ang luha sa mata ko.
Halos pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid pero wala akong nagawa kundi ang magpatuloy sa pagiyak. Pagdating sa ganitong pangyayari, napakahina ko, at mukhang hindi ako kailanman magiging matapang. Na hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko mula sa tulad nina Cindy.

YOU ARE READING
My Last Temporary
Genç KurguLeila, is a type of girl who takes her time staring her reflection in the mirror not to flatter, but to question everything about with what she sees in her, and with what she sees deep inside of hers. A girl who've always wanted to get rid of being...