Chapter 19

17 1 0
                                        

"Nagustuhan mo ba?" Natauhan ako matapos marinig iyun mula kay Austin na ngayon ay nasa harap ko na.

"Ang galing mo." Sabi ko dahilan para gumuhit sa labi nya ang malapad na ngiti.

"Syempre naman." Aniya.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Bakit mo ginawa yun? Artista dating mo dun ah." Pabiro kong sabi. "Tingnan mo oh, may mga supporters ka na." Dagdag ko tsaka nginuso iyung grupo ng kababaihang nakatingin sakanya at animoy kinikilig ng sobra.

"Eh nakalimutan mo na kaagad." Nagtaas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. "Diba kasi, sabi mo nung nakaraan, magkakaroon ng event ang school nyo. At sabi mo rin na wala kang balak pumunta. Kaya naisip kong gumawa ng paraan. Amg totoo nyan, hindi naman talaga eto ang balak ko. Pero naalala ko rin iyung sinabi mo sa akin nung nakaraan tungkol sa pagtugtog ko, noong nasa shop tayo ni Kuya Jun. Kaya eto." Pagkwento nya kaya napatango ako.


"So talagang... ginawa mo yun para sakin." Tumango naman sya tsaka inayos ang pagkakahawak sa gitara nya. Kaya naman hindi ko napigilan at bigla ko syang niyakap habang lalong lumapad ang ngiti sa labi.


"Salamat." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang lalong humipit sa pagkakayakap sakanya.


"Hindi... salamat. Dahil ginawa ko ang bagay na alam kong makapagpapasaya sayo na makapagpapasaya din sakin."


Sobrang saya ko lang na marinig dng nga yun mula sakanya. Pakiramdam ko lalo akong binibigyan ng rason para gustuhin syang lalo.


.


"Eto nalang, ate." Turo sa akin ni Paul nung isang pancake syrup.


"Sige na nga." Tanging nasabi ko tsaka nagpatuloy sa paglakad habang tulak ang push cart.


Andito kami ngayon sa grocery store. Sabado na ulit ngayon at naatasan kami ni Paul na mag grocery kasama ni Austin na namimili narin ng grocery nila. Ang totoo nyan, inaantok pa ako. Alas-dyes narin kasi natapos iyung event, at alas dose kaming nakauwi ng bahay. Kaya halos ilang oras labg iyung naging tulog ko.

Kung ano man iyung nga nangyari kagabi, wala akong ibang masabi kundi napakasaya ko. Iyun ng unang beses na nagpunta ako sa isang event na school. Noong mga nakaraang taon ko sa pag-aaral, wala akong excitement na naramdaman. Pero matapos ang nangyari kagabi, ni-l-look forward ko na lahat ng mangyayari sa susunod pang taon.


Matapos naming makabili, nagpaalam sa akin si Paul na bibili daw sya ng ice cream sa may ice cream stall na nadaanan namin kanina kaya naiwan kami ni Austin na nakaupo dito sa may bench habang hinihintay ang pagbalik ni Paul.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Austin kaya tiningnan ko sya ng may pagtataka sa mukha.


"Yup, may iniisip lang." Napatango naman sya.

"Ano yun?" Sandali akong umayos ng upo bago nagsimulang magsalita.


"Ngayon kasi iyung birthday ni Peter. At magkakaroon ng party sa bahay nila mamayang gabi." Pagkwento ko.


"Talaga?" Tumango ulit ako. "So pupunta ka?" Tanong nya ulit pero pagpapakawala ng malalim na paghinga ang nagawa ko.


"Hindi ko alam. Alam ko naman kasing maraming tao dun eh. Ma o-OP lang ako."


"Anong klaseng dahilan yun? Birthday yun ni Peter. Inimbita ka nya para mag-celebrate ng birthday nya. Kaibigan mo sya diba? At kailangan ka nya dun. Paalala ko lang sa'yo, si Peter ang pakay mo hindi yung ibang taong naandun." Sabi nya kaya agad ko etong inirapan.


My Last TemporaryWhere stories live. Discover now