Chapter 17

12 1 0
                                        

Andito kami ngayon ni Austin sa shop ni Kuya Jun. Ngayon ay sabado kaya naisipan naming bumisita dito. Isa pa, gusto ko ring makausap si Kuya Jun, at makapag thank you ulit.

Unang sumalubong sa amin si Sheena na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin sa amin. Bigla ko tuloy naalala iyon sinabi nyang may gusto sya kay Austin. Kelan nya kaya balak aminin ang tungkol dun?

Nakaupo ako ngayon dito sa silya habang pinapanuod si Austin na nasa stage at tinutugtog ang hawak nyang gitara. May mangilangilan na nakikinig sakanya habang tumutugtog, sakto naman dahil medyo makulimlim ang panahon kaya masarap pakinggan ang nakaka-kalma'ng tunog ng gitara sabayan pa ng pag higop ng kape.

Ilang sandali pa biglang sumulpot si Kuya Jun at naupo sa katapat kong silya kaya napangiti ako.

"Hi." Bati ko pero ngumiti lang din eto sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong nya kaya agad akong tumango.

"Oo naman, by the way ang sarap ng kape." Sabi ko kaya naman napangiti ulit sya.

"Nakwento sa akin ni Austin iyung nangyari." Natigilan ako tsaka sandaling tumango. Oo nga pala, close sila kaya talagang masasabi nya iyun.

"Ganun ba?" Sabi ko tsaka napasinghap. "Salamat ulit sa'yo." Pero tinapik lang ako neto.

Hindi na ako magtataka kung bakit napalapit si Austin dito kay Kuya Jun. Tatay na tatay kung um-asta. Hehe. Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano tungkol kay Austin habang pinapakinggan syang patuloy parin sa pagtugtog. Mayamaya lang eh, nagpaalam narin sya sa akin dahil may a-asekasuhin na naman daw sya. Natural dahil sya ng may ari neto, kaya talag busy sya.

Nabaling ulit ang tingin ko kay Austin na ngayon ay inaayos na ang stand ng microphone. Teka kakanta ba sya? Ng tuluyan nya ng maayos ang stand ng microphone. Inayos nya ang strap ng gitara na nakasabit sakanya bago nag-angat ng tingin.

"Ahm, Hi everyone." Aniya habang kumakaway sa buong shop. Eh samantalang nasa lima o anim lang ang tao dito plus, ako at si Sheena. Tsk. Baliw.

"I dedicate this song to the people around the world, and for the entire human race." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Maging si Sheena ay natawa na din habang bakas sa mukha ang kilig. Amin na kasi ghorl.

"I don't know what it is that you've done to me
But it's caused me to act in such a crazy way
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I don't understand"

Bigla kong naramdaman ang mabilis na pag pintig ng puso ko matapos marinig ang ilang linyang iyun mula sa kanta.

" 'Cause my heart starts beating triple time
With thoughts of loving you on my mind
I can't figure out just what to do
When the cause and cure is you"

Oo, ramdam ko iyun. Pero bakit?

"I get so weak in the knees, I can hardly speak
I lose all control and something takes over me
In a daze and it's so amazing, it's not a phase
I want you to stay with me, by my side
I swallow my pride, your love is so sweet
It knocks me right off of my feet
Can't explain why your loving makes me weak"

Ngumiti eto sa akin pero nanatili lang akong nakatanga habang hindi maalis-alis ang mukha ni Austin kahit pumikit pa ako.

"Time after time after time I've tried to fight it
But your love is strong it keeps on holding on
Resistance is down when you're around, starts fading
In my condition I don't want to be alone"

My Last TemporaryWhere stories live. Discover now