Chapter 18

15 1 0
                                    

Kasalukuyan kong inaabangan ang pagtunog ng bell. Dahil ilang sandali nalang eh dismissal na. Kaya kating-kati na ang pwet kong makalabas ng room, gusto ko ng makausap si Peter.

Napag-isip-isip ko, walang mangyayari kung uunahin ko lagi ng emosyon na nararamdaman ko, dahil walang mangyayari kapag laging ganun ang i-a-asta ko. Hindi ko makukuha iyung paliwanag na gusto ko mula mismo sakanya.

Agad akong lumabas ng room ng marinig ko ang pagtunog ng bell. Halos mapatid ako dahil sa mga paa na naapakan ko. Pahakbang na sana ako pababa ng hagdan pero natigil ako ng makita ko ngayon si Peter na nakasandal sa pader sa may last step ng hagdan at nakapamulsa.

Ilang sandali pa eh nabaling ang tingin nya sa akin kaya unti-unti etong umayos ng tayo. Anong ginagawa nya dito? Diba dapat ako ang pupunta sa kanay?.

"P-Peter." Sabi ko ng makarting na sya sa harap ko.

"Lei, kung iiwasan mo uli---"

"Hindi." Pagputol ko sa dapat na sasabihin nya. "Gusto kitang makausap."

.


Andito kami ngayon nakaupo sa may bleachers habang pinapanuod ang unti-unting paglubog ng araw. Medyo awkward ang senaryong eto pero pilit kung nilakasan ng loob ko. Dahil sa huli, sya parin iyung Peter na kaibigan ko.

"I'm sorry." Panimula nya tsaka tumingin sa akin. "Ilang beses ko mang sabihin to sayo... pero hindi ako magsasawang ulit-ulitin sayo, kung gaano ako nagsisisi sa kasamaang nagawa ko." Hinawakan nya ang kamay ko tsaka iyun pinisil-pisil.

"Siguro nga, nagkamali ako sa lahat ng mga naging disesyon ko. Pero maniwala ka sa hindi, ikaw si Lei.. ikaw yung kaibigan ko." Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa narinig ko.

"Eh, b-bakit mo ginawa iyun?" Tanong ko habang ramdam ang pamumuo ng luha sa magkabilang gilid ng mata.

Napasinghap eto bago sinagot ang tanong ko."Kasi inaalala ko... kapag sinabing ko kina Roy ang totoo, alam kung lalo ka nilang pag t-tripan, pag i-initan. At ayokong mangyari yun sa'yo. Oo, siguro nga pinagsamantalahan ko iyung kahinaan mo.. pero maniwala ka sa hindi. Nagawa ko iyun dahil, alam kong ikaw iyung taong handang tumulong sa akin. Dahil sa lahat ng taong nakilala, ikaw lang yung taong handang gawin iyung nga bagay na makapagpapasaya para sa iba.. para sa akin." Sandali nyang hinawi ang ilang hibla ng buhok wig na nakaharang sa mukha ko.

"Pero ngayon, napagtanto ko... na kahit na alin pa dun ang piliin ko. Mali parin ang nagawa ko." Dagdag pa neto tsaka tumulo ang luha mula sa kanyang mata.

"Peter.." Panimula ko habang pinupunasan ang luhang patuloy sa pagdaloy. "Ikaw yung isa sa mga taong nagparamdam sa akin na hindi ako nagiisa. Kung paano magkaroon ng kaibigan. Oo, siguro nga hindi ako ganun kagandahan, pero may isip ako. Eto'ng isip kong eto, alam kung anong tama at kung anong mali." Sabi ko tsaka hinarap ang mukha nya sa akin.

"Pero kasi, kaibigan kita. Sana man lang iparamdam mo sa akin na kaibigan mo nga ako at hindi utusan." Bahagya etong tumango tsaka ulit hinawakan ang kamay ko.

"Pangako, magpapakatotoo na ako. Magmula ngayon, hindi ko na iisipin kung ano ang sasabihin ng iba sa atin. Ako na ulit to, si Peter. Iyung kaibigan ni Lei." Gumuhit sa labi ko ang ngiti matapos ang narinig ko mula sa kanya.

Masaya ako dahil sa wakas eh nakuha ko na iyung paliwanag na hinihintay ko mula sakanya. Hindi ko man masabi sakanya iyung tunay na nararamdaman ko para sakanya, masaya ako dahil sya na ulit si Peter, ang kauna-unahang kaibigan ko.

.

Andito kami ngayon ni Austin sa may kanto. Sinundo nya ako mula sa school kaya naisipan muna naming kumain ng kwek-kwek bago umuwi ng bahay.

My Last TemporaryWhere stories live. Discover now