Prologue.
Sa isang paaralan, Xinyang University ang pangalan may bukod-tanging estudyante na nagngangalang...
Chuanli Wang. Ang henyo na may 200 IQ. Tinitingala sa angking talino at kaguwapuhan. Kaya siya ang hinirang na campus crush. Lahat na yata ng ka perpektuhan napunta sa kanya. Siya ang crush ko. Isang karangalan ang makalapit sa kanya dahil kahit magkasama lang kami ng paaralan... bihira ko lamang siya makita.
Xian Ramos. Ang lalaking nambubully, nang aasar, nagpapaiyak, laging kontrabida sa pag iibigan namin ni Chuanli! Inis na inis ako sa kanya dahil isa siyang dakilang epal. Siya ang lalaki na kinababaliwan din ng mga estudyante sa Xinyang University. Nagtataka nga ako kung bakit nila nagustuhan 'yan, e isa siyang bad boy.
Qingzhao Lou. Ang babaeng pinapangarap ng mga kalalakihan. Tahimik siyang tao, mahilig mambully pero binabale-wala lang dahil sa angking katalinuhang taglay. Mahigpit na kalaban ni Chuanli sa top 1.
At ako... ako si Krisperin Abasta. Kris nalang for short, 'wag niyo akong tanungin kung bakit ganyan name ko! Si mama't papa kasi. Isa lamang akong simpleng estudyante, sabi nila maganda raw ako pero bakit 'di ako magustuhan at mapansin ng crush ko? Huhuhu
Subaybayan niyo ang kwento ko,
kung paano ko papaibigin si Chuanli,
at lalampasuhin si Xian na bully!
~~~
Say no to PLAGIARISM, dude nagagandahan ka na sa story ko? Sa lahat ng napili mo ito pa talaga nanakawin mo? Pero bad ang magnakaw.This work is purely fictional, baka maghanap ka ng Xian or Chuanli sa mundo. Walang ganon!
Sinimulan ko ito noong February 02, 2020 at natapos ng May 15, 2020. Pero gaya ng sabi ko... ipupublish ko na siya araw-araw bwahahaha.
Enjoy reading, kapag 'di ka nagenjoy leg8 baliw ka... sa kacute-an ko.
Keep safe mga kabogerts, mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.