"'Ayoko nga! K-kaibigan lang ang turing ko sa 'yo Xian. Sana maintindihan mo." Pahina nang pahina na sagot ko.
"E ano naman ngayon?" Nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Pangisi-ngisi niya akong tinitigan. "Kaibigan sa ngayon pero bukas puwede na ring crush." Aniya pa sabay kindat. Muntik akong masuka buti nakalayo ako sa kanya sabay akto na parang nasusuka.
"Mandiri ka nga! Sabing kaibigan lang kita Xian, kagagaling ko lang sa heartbreak tapos babanat ka ng ganyan." Inis kong sabi at pinanlakihan siya ng mata.
"Edi pagtapos ng heartbreak mo na 'yan. Basta maghihintay ako kahit gaano pa 'yan katagal." Nagmamalaking aniya.
Napairap ako saka sumipsip muna ng sterilized milk bago magsalita. "Patunayan mo hindi 'yung puro salita," agad kong natikom ang bibig ng tumitig siya ng makahulugan sa 'kin. Natampal ko na lamang ang noo ko. "Saka malapit na ang first quarter exam, hindi puwedeng maging distraction ka sa pag-aaral ko."
"I can be your tutor again." Mabilis at mayabang niyang sagot. Puro angas, gawa! Charot.
"Magagalit parents ko. Nang malaman nilang nagpapanggap tayo ay nagalit sila. Tingin ko hindi ka na nila tatanggaping muli." O, sige hanap ka pa ng palusot mo mabibigwasan kita.
"Alam ng papa mo pero hindi siya nagalit," sagot niya ng nakakaloko. Napairap na lamang ako sa inis. "Ano pang alibi mo future real girlfriend ko?" Ngising tanong niya. Kahit kailan talaga nakakaasar siya!
"Wala akong tiwala sa 'yo. Bad boy ka, malay ko ba kung pinagtritripan mo lang ako."
Nagbago ang timpla ng mukha niya. Nakagat ko ang labi ko, parang sinabi ko na rin na wala akong tiwala sa kanya. Pero half meant naman bwahahaha! E kasi kahit kaibigan ko siya, hindi maikakailang maloko mag-isip ang utak niya.
"I know mahirap magtiwala but please Kris, trust me this time. Mahal kita, hindi sapat ang mga salita ko pero hayaan mong patunayan ito sa 'yo." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Tumayo na ako bago pa makapagsabi na naman ng masasakit na salita.
"Uuwi na ako. Pauwi na sila mama, baka mapagalitan ako." Iwas kong sagot. Tumalikod na ako at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
"Ihahatid na kita." Habol niya sa 'kin. Agad akong umiling at tinuro ang bike kong nasa tabi pagkalabas namin ng bahay nila.
"No thank, may bike ako." Sagot ko. Nilapitan ko agad ang bike ko saka sumakay. Sinusundan niya pa rin ako na siyang nagpairita sa 'kin.
"Hindi ka nagpaalam kay Granny." Natawa ako sa sinabi niya. Wala na talagang palusot? Sinalubong ko ang tingin niya kaya agad siyang umiwas ng tingin.
"Ipagpaalam mo na lang. Please lang Xian nagmamadali ako." Naging harsh yata ako. Hindi niya na ako sinundan pa kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
I'm sorry Xian. Ang baliw ko talaga! Sinasaktan ko na naman siya. Magagalit si Elea kapag nalaman niya 'to. Hindi lang talaga ako ready saka hanggang kaibigan lang talaga. 'Hanggang kaibigan nga lang ba?'
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong inayos ang mga pinamili ko. Astig nga, e. May refrigerator na kami! Dati wala kaya sa cabinet lang at lamesa nakalagay ang mga pinapamili ko.
Agad akong nagbihis dahil talagang talaga na malapit na sila mama. Mahirap na baka mabuking at baka hindi na makalabas ng tuluyan. Bumalik ako sa salas at binuksan ang t.v. Nanood ako ng Cardo este probinsyano. Ang tagal matapos, gusto ko tuloy mag-imbestiga sa panood na 'to. Bukod sa hindi na matapos tapos, hindi pa mamatay matay si Cardo.
"Buti naman at marunong kang sumunod Krisperin," Napaigtad ako ng biglang magsalita si mama sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko at paulit-ulit na nag-inhale exhale. "Imbes na manood ka ng t.v ay nag-aral ka na lang sana. Tataas pa ang grades mo."
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.