Chapter 22

6 1 0
                                    

PUMASOK ako sa klase ng bangag. Hindi ako nakikinig dahil wala ako sa mood, kagagaling ko lang sa greatest iyak tapos ieexpect niyo na magiging mabuting mag-aaral agad ako? Hindi ako si Chuanli na kaya ang lahat.

Sina Sky at Elea, lumipat ng upuan. Iniwan nila ako sa nakasanayan naming seats. Madami pala akong friendship na nasayang sa Linggong ito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na masalba ang isa ang pipiliin ko ay sina Sky at Elea. Sira ulong Xian kasi, iwan ba naman ako sa ere.

Nang mag-uwian expected ko ng naghihintay si Chuanli sa parking lot. Tama nga ako, pagdating ko roon ay sinalubong niya ako ng ngiti. Napangiti na lamang din ako.

"Kumusta ang araw mo, Krisperin?" Tanong niya saka pinagbuksan ako ng pinto sa tabi niya. Nagulat man ay umupo agad ako. Umikot siya at sumakay na rin.

"Okay lang naman. Nga pala n-nagawan na ni Xian ng paraan ang fake relationship namin. Puwede na tayong magsama sa mata ng iba." Naalala ko na naman tuloy ang sinasabi ni Sky na sakripisyo ni Xian, naiinis lamang ako.

"Mabuti naman. From now on iwasan mo na ang taong iyon." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Ano? Bakit?" Tanong ko. Sumama ang timpla ng mukha niya kaya napipilitan akong tumango. "Sige susunduin ko."

Itinuon ko na lamang ang aking attention sa tanawing nadadaanan namin. Hindi na kami nag-usap pa matapos no'n.

Nang makarating sa bahay si Chuanli pa rin ang nagbukas ng pinto para sa 'kin na siyang labis na ikinatataka ni manong driver. Nahiya tuloy ako.

"Chuanli puwede ba tayo mag-usap sandali?" Tanong ko. Minuwestra ko ang daan patungong garden. Tumango siya at ngumiti saka nauna nang maglakad.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Hindi pa ako handang ipakilala ka kila mama as my boyfriend... puwede bang bigyan mo pa ako ng time?"

Nalungkot siya kaya gusto ko biglang bawiin ang sinabi ko, napawi ang pangamba ng unti-unti siyang tumango saka ngumiti ng pilit.

"Naiintindihan ko, maghihintay ako. Basta sabihin mo kung kaya mo na, hindi ako magdadalawang isip na ipagsigawan sa buong mundo na tayo na." Hinampas ko siya sa balikat sa sobrang kilig.

"Ikaw ha ang galing mo na bumanat. Kapag ikaw binanatan ko diyan." Natatawang sagot ko. Tinakpan ko ang aking pisngi dahil pakiramdam ko nag-iinit iyon.

"Mamaya date tayo," namilog ang mga mata kong tumitig sa kanya. "Pumayag ka na. First date natin 'to." Aniya pa. Tumango ako at tumalikod, sumigaw ako ng walang nililikhang tunog.

Nang kumalma humarap ako saka ngumiti ng pabebe, nilagay ang hibla ng buhok na tumatakas sa likod ng tainga ko.

"Sige pero kain muna tayo, tanghalian na kasi, eh." Tumango siya at ginulo ang buhok ko. Natigilan ako ng bumalik sa alaala ko ang mukha ni Xian habang ginugulo ang buhok ko. Agad kong iniwas ang ulo ko sa kanya. "Tara na," nauna na akong pumasok sa loob.

"O, Krisperin nakauwi na pala kayo. Teka magkasama kayo ni Chuanli galing garden? Kayo ha nagkakamabutihan na pala." Kinikilig na salubong sa 'min ni tita. Napangiti na lamang ako saka nahihiyang yumuko.

"Mommy let us eat first, we're hungry." Singit ni Chuanli.

"Okay okay!" Sagot ng mama niya. Dumeretso na kami sa dining area.

Habang kumakain may malokong pasulyap sulyap si tita sa amin. Grabe ang pagpipigil ko ng tawa dahil makakatikim ako ng siko sa katabi kong si mama bwahahaha!

Matapos kumain, agad akong pumanhik sa kwarto at nagbihis ng simpleng white dress baka idala ako ni Chuanli sa simbahan tapos ayain niya ako magpakasal bwahahaha!

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon