ITO na ang araw na pinakahihintay ko, ang top 100 exam. Kinakabahan ako, sa sobrang kaba ko paulit-ulit kong binabasa ang reviewer ko. Hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Kumalma ka nga diyan babatukan na kita, eh." Si Elea na nakalumbaba. Kanina pa pala nila ako pinapanood.
"Kami nga chill lang." Sabi naman ni Sky habang nakataas ang paa at nagkukuyakoy.
"Iba naman kasi ngayon, kailangan kong pumasa para kay Chuanli. Gets niyo?" Naiinis kong sagot. Tumingin ako sa pwesto ni Xian pero wala pa siya. Maaga pa naman kaya napagdesisyunan kong umakyat sa rooftop.
Hindi ko inaasahang nandito pala siya, promise!
"Malapit na magsimula ang exam, hindi ka pa ba bababa?" Tanong ko at lumapit. Umupo ako sa tabi niya. Nasasanay na pala akong makita ang pangit niyang mukha tuwing umaga.
Nilahad nito ang palad niya sa harap ko na parang nanghihingi. Pinangunutan ko siya ng noo.
"Nasaan na ang pagkain ko?" Tanong niya. Tumango ako at nagbaba ng tingin saka ngumisi, masarap itong baon ko nagrequest ako kay tita kung puwedeng lagyan ng hot na hot na sauce bwahahaha!
Nakangiti ko itong binigay. "Sige pupunta na ako sa room, bilisan mo kumain ah? Mag-eexam na." Tumango siya at nagsimula ng ilabas ang pagkain. Mayroong kasabihan, ang mga matatakaw nga naman na isda sa bibig din nahuhuli, tama ba 'yon? Aish basta.
Nilisan ko na ang lugar na iyon. Nagsimulang tumunog ang speaker, si Ma'am Zebby nagpapaalalang magsisimula na ang exam.
Nilibot ko ang paningin ko, sa itsura pa lang ng mga kaklase ko wala silang balak pumasa. Mga naglalaro, nagdadaldalan, natutulog, nagmemake up, nagcecellphone. Pati mga kaibigan ko nagdadaldalan. Ako lang yata ang may hawak ng reviewer pero hindi naman nirereview bwahaha!
"10 minutes left and the exam will start, be ready students." Iyon lamang at namatay na ang speaker. Malamang papunta na si Ma'am Zebby dito.
Isang beses ko pang pinasadahan ng basa ang reviewer ko. Sana naman hindi nalalayo ang mga ito sa ieexam mamaya.
Tumingin ako sa harap, wala pa si Xian. Hindi ba siya magtetake ng exam? Nandito na si Ma'am Zebby. Napailing na lang ako ng magsimulang idistribute ang papers.
Pikit matang tinanggap ko ito. Sana hindi mahirap. Ayy tangeks, reviewer ko nga mahirap exam pa kaya bwahahaha! So stupid of me. Unti-unti kong minulat ang mata ko, nagsimulang basahin ang nasa taas at isang pasadang mabilis pababa. Nagulat ako kasi parang familiar. Binasa ko ito ng maigi, kung anong reviewer ko 'yon din ang exam! For real?!
Halos mapatalon ako sa saya. Xian deserve another bowl of mami, ang galing niya gumawa ng reviewer!
Tahimik akong nagsasagot, binabasa ko talaga ng maigi ang bawat word na makita ko kahit tuldok bwahaha! Sampung minuto na lang daw ang natitira sa pagsasagot, napaangat ako ng magsigawan ang mga kaklase ko palabas. Napasimangot ako, kasama ako diyan dati eh. Ang mga buhay namin sa exam ay hinihintay ang konting oras na matira para maglabasan na kami. Ni hindi nga namin nasagutan ng buo ang exam, I mean hindi namin talaga sinasagutan.
Nagbago lang naman ako... para kay Chuanli.
"Miss Abasta am I dreaming?" Tanong ni Ma'am, nasa tabi ko na pala siya. Ngumiti ako at umiling.
"No Ma'am."
"You're improving. Sige tapusin mo na iyan ng makalabas ka na din."
Napangiti ako ng makita ang last question, ito ang equation na pinakabisado sa akin ni Xian. For sure kapag masasagutan ko ito ay mapapasama na ako sa top 100 exam list.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.