"Good morning class," nagulat kami ng biglang pumasok si Ma'am Zebby sa room. Agad kaming napaayos ng upo at tumahimik. "Sorry at hindi ko kayo napasukan. Alam niyo naman siguro ang ginagawa ko 'di ba?" Bigla itong tumingin sa gawi naming magkakaibigan, nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Yes Ma'am."
"Sa pag-iimbistiga sa nangyaring kabobohang pagpapatunog ng kung sino sa fire alarm, nakumpirmadong nandito ang mga tangang pinaghihinalaang may sala.." isa-isa niyang tinuro ako, si Elea at Sky. "To the guidance office now!"
Agad kaming tumayo at lumabas sa room. Paano na ngayon? Patay ako kila Mama't Papa nito huhuhu.
"Anong gagawin natin? Sabi mo Sky pulido ang gawa mo." Mangiyak ngiyak na sabi ni Elea. Tumingin ako kay Sky na ngayon ay seryoso at hindi man lang makikitaan ng takot sa anumang mangyayari sa 'min.
"Hindi ka ba kinakabahan, Sky?" Nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya sa akin saka ngumiti at umiling. "Bakit naman?"
"Akong bahala sa inyo," iyon lamang ang sagot niya saka tumingin na ulit sa harap. Napabuntong hininga ako saka ginulo ang buhok.
"So I heard the three of you were involve at this case, who is the main culprit?" Kasalukuyan kaming nasa loob na ng guidance at nakikipanayam sa Principal.
Nagtinginan kaming tatlo. Ngumiti ako ng pilit sa kanila at akmang magtataas ng kamay ng maunahan ako ni Sky. Pinangunutan ko siya ng noo.
"Ako 'yon hindi ba? Ako iyon Sky at hindi ikaw," pilit kong hinihila ang kamay niya pababa ngunit nilalabanan niya ito. "Ano ba Sky?! Sabing ako iyon eh ibaba mo na nga ang kamay mo!"
"Hindi! Ako talaga iyon Ma'am Principal. Ako po ang parusahan mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Elea. Tumayo ako at pilit siyang pinapaupo.
"Ano ba kayong dalawa! Ako ang may kasalanan kaya huwag na kayong ganyan!" Inis kong sigaw. Natigil ang bangayan naming tatlo ng paluin ni Ma'am Principal ang table niya.
"Kayong tatlo, out! Sa field kayo at magpabilad sa araw hangga't mag-uwian!"
Kaya ang resulta heto kami nakaupo sa gitna ng arawan.
"Papagalitan ako ni Mama kapag umitin ako." Reklamo ko at nagpapadyak sa inis.
"Mas mabuti na ito kaysa ipatawag ang magulang natin." Sabat ni Sky.
Tinignan ko silang dalawa ng masama. Akala nila nalimutan ko na ang pinagsasabi nila sa guidance office pwes hindi!
"Oh anong tingin iyan Lukreng?" Tanong ni Elea.
"Bakit kasi ginawa niyo iyon? Ako naman talaga ang puno't dulong may kasalanan sa lahat eh! Hindi niyo kailangang pagtakpan ako." Sambit ko at ngumuso.
Dapat kasi hindi ko na lang sila pinatulan sa kanilang plano na iyon eh. Saka kung gusto ko man malapitan si Chuanli dapat ako na lang mag-isa ang gagawa ng paraan, para hindi na sila madamay.
"Eh para saan pa ang pagkakaibigan? Dapat sama-sama tayong maguidance wuhoo!" Kahit kailan talaga baliw itong si Elea. Napailing na lang ako saka humiga sa damuhan.
"Sabi mo ayaw mo magpaitim? Tapos ngayon sinasalo mo pa ng buong puso ang sinag ng araw." Natatawang sambit naman ni Sky. Tumawa din ako at tinaas ang kamay ko, tinatakpan ang sinag ng araw na tumatama sa mata ko.
"Ang ganda pala dito, kung hindi lang ako papagalitan ni Mama kapag nangitim ako ay magbababad ulit ako sa araw." Sabi ko at ngumiti.
"Sus drama ba iyan? Ang corny ha!" Sabi ni Elea at binato ako sa mukha ng damo. Tumawa silang dalawa ni Sky habang nakatingin sa akin. Hindi ko naiwasang mapangiti.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.