Chapter 23

1 0 0
                                    

"Sige sabihin na nating hindi nga kahit halata naman pero pumunta ka ba talaga dito para itanong sa 'kin ang walang kwentang bagay na 'yan?"

"Grabe ka naman makawalang kwenta diyan! Parang hindi naman tayo magkaibigan." Nagtatampong sagot ko.

"Dati... magkaibigan tayo dati pero hindi na ngayon." Aniya. Akmang lalampasan niya ako ng pigilan ko siya sa paraang paghawak ng kamay niya.

"Iiwan mo na ako? Dahil ba may Elea ka na? Dahil wala na tayo kaya ba ganyan ka?" Inis kong tanong. Unti-unti niya akong tinignan saka mariing pumikit.

"Wala naman talagang tayo..." inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Saka huwag ka nga magsalita na parang wala kang iba. Hindi mo ba naisip? Kaya nga natin tinapos ang pekeng relasyon natin para puwede na kayo ng boyfriend mong intsik!" Si sisihan kami ngayon? Abughh!

"Oo na oo na ako na may kasalanan pero binalaan na kitang huwag ang kaibigan ko 'di ba?" Inis kong tanong. Umiling ito at ngumisi sa 'kin.

"Porque masaya ka na ayaw mo akong sumaya? Mali 'yon."

"At porque gusto mo ring sumaya iiwan mo ako gano'n?" Tanong ko. Tumawa ako ng malakas pero pilit saka tumango-tango na tila naiintindihan ko na ang sinasabi niya.

"What's going on here?" Agad akong dumistansya ng makitang papalapit si Elea. Nagtatakang sinulyapan niya si Xian pero ng mabaling ang tingin niya sa 'kin ay sumama ang timpla ng mukha niya. "Bakit kasama mo ang ex-best friend ko Xian?"

"I'm just passing by then she called me but don't worry, Elea, its nothing."

Nothing? Ha ha ha wala pala ah edi magsama kayo! "Mukhang miss niyo na ang isa't isa kaya hala sige sa inyo na ang platform mga ex-best friend!"

Inis ko silang tinalikuran at naglakad palayo. Yabang mo Elea, mas madami pa rin akong ex-best friend! Magsama kayo ng ex-best friend kong si Xian!

Nagtaxi ako pauwi ng bahay, mas malayo kasi ang bahay ng mga Wang sa dati naming tinitirhan kaya hindi ko kayang lakarin. Pagdating sa bahay ay nagpahinga ako sa kwarto ko.

Walang magawa, walang kasama, walang kausap kaya heto ang isip ko naglalayag. Nilalamon na naman ako ng kalungkutan ko. Napahilamos ako sa mukha ko. "Oras na siguro upang ipaalam sa mga Wang at kila mama na kami na ni Chuanli."

Nagbihis ako ng pambahay saka nagtungo ng kusina, maghahapunan pa lamang kaya may pagtitipon na naman kami. Naghintay muna ako ng ilan pang mga minuto hanggang sa tawagin na sa kusina upang kumain.

Kinakabahang umupo ako sa tabi ni mama. Walang alam si Chuanli na ngayon ko sasabihin ang relasyon namin kaya for sure pati siya magugulat. Nagpray kami saka nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tumikhim ako.

"May gusto po sana akong sabihin sa inyong lahat." Agaw attention ko sa kanila. Nagsitinginan naman sila kaya mas lalo akong kinabahan. Napalunok ako saka pumikit. "Ako at si Chuanli... kami na po." Pinigil ko ang paghinga ko.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo Krisperin! Hindi ba't kayo ng Xian na iyon?!" Galit na tanong ni papa. Sinalubong ko ang galit niyang tingin. Tinignan niya si Chuanli kaya napatingin din ako kay Chuanli.

"Alam ko na alam mo po tito na wala talaga silang relasyon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chuanli. Alam ni papa? Sinabi ni Xian?!

"Anong sinasabi ninyo? Hindi ko kayo maintindihan." Sabat ni tita at pabalik-balik ang tingin sa aming tatlo.

"Krisperin totoo ba? Noong una tinanggap ko si Xian pero ewan ko na lang ngayon! Bakit ka nagsinungaling sa 'min?" Dismayadong sabi ni mama. Nakagat ko ang ibabang labi ko saka yumuko sa pagpapahiya.

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon