Chapter 16

3 0 0
                                    

A-ano raw? Speechless ako sa sinabi niya. Nabalik lang ako sa wisyo ng humiwalay na siya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko kaya natitigan ko ang mga mata niyang kumikinang.

"Hindi puwede dahil ang laki kaya ng ginastos ko sa celebration party!" Bulyaw niya na nagpalaki sa mga mata ko.

"Libre mo 'yon, eh!" Inis kong sagot. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Saka naiiyak ka ba?" Takang tanong ko. Pupunasan ko na sana ang mga mata niya ng mag-iwas siya ng tingin.

"Kailangan mo munang bayaran 'yon bago tayo magbreak. Kaya akin na ang lunch box mo ng makakain na ako." Hindi pa ako nakakasagot ng hablutin niya na ito. Patay gutom talaga. Hinayaan ko na lamang siya.

"B-bati na ba tayo Xian?" Utal kong tanong. Natigilan ito at sinulyapan ako.

"Nagaway ba tayo?" Tanong niya at sumubo ulit ng sunod-sunod, bwakaw!

"Ilibre mo pala ako mamaya sa mamihan." Tinaasan niya ako ng kilay at sumimangot. Napangisi na lamang ako. "Magbreak na lang pala tayo."

"Kung ililibre kita madadagdagan utang mo." Mabilis niyang sagot na nagpatawa sa 'kin. Bumbay na pala siya bwahaha!

"Dali na kasi. Si Chuanli na lang pala ang yayayain ko." For sure papayag 'yon. Sabi ni Mama bawal daw ako lumabas ng hindi siya kasama 'di ba? Hohoho.

"Sige na nga." Napipilitan niyang sagot. Napa-yes ako ng walang tinig. Inabot na niya sa akin ang lunch box kong walang laman saka nilahad ang palad. Alam ko na 'yan, sterilized milk daw.

Inabot ko ito sa kanya. "Mahal 'to kaya sa tingin ko one percent na ang mababawas sa utang ko." Nabilaukan siya kaya agad kong tinapik ang likod niya. "Oh bakit?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nangunot ang noo ko.

"Mas nagmukha kang pandak sa jersey mo." Pang-aasar niya at humagalpak ng tawa. Pinagmasdan ko naman ang suot niya.

"Ikaw nga gayagaya ng kulay ng damit saka jersey number, eh." Balik kong asar. Tumayo na ako at sinukbit sa balikat ang bag. Nang biglang hablutin niya ito. Ano na naman?

"Ang boyfriend dapat nagbibitbit ng bag ni girlfriend."

"Pero hindi naman mabigat!" Angil ko. Kinurot niya ang pisnge ko saka inakbayan at hinila.

Malapit na kami sa room ng tumunog ang speaker, si Ma'am Zebby ang nagsasalita.

"Good morning dear students. Pangalawang buwan na ito ng pagpasok niyo sa paaralan. Kakatapos lamang ng top 100 exam kaya gusto namin na magsaya naman kayo. Sa July 8 to 12, 2019 gaganapin ang sportfest. Magpalista na kayo sa inyong adviser kung anong sports ang lalaruin niyo. 'Yon lamang, have a nice day everyone."

Saktong pagtapos ng mensahe ni Ma'am Zebby ay nakarating kami sa room. Siya lang naman ang teacher namin kaya hindi siguro kami maaakusahang nagcutting classes, hindi niya nakita kaya hindi niya malalaman. Wala namang sumbungero at sumbungera dito sa Class F. Damay damay kami dito.

Paupo na ako sa tabi nina Sky at Elea ng tignan kami ni Elea ng makahulugan. Si Xian na ang naglagay ng bag ko sa upuan. Ngumiti siya sa akin at yumuko. Naramdaman ko na lamang ang labi niyang dumampi sa pisngi ko.

"Aral ng mabuti girlfriend, 'wag mo ako masyadong isipin."

"Kapal mo naman! Saka magkasama lang tayo ng room, makabilin 'to." Patawa-tawa lamang siyang bumalik sa harap. Tumingin ako kay Sky na dati ay inaasar ako pagdating kay Xian pero ngayon tahimik siya. Siguro nakikiramdam kay Elea.

Pagdating ni Ma'am Zebby sa room nagpalista na nga kami ng aming sasalihan. Wala akong hilig sa sports buti na lamang may special contest kami...singing contest. Kaysa naman makipagpaligsahan ako sa sports mas pinili ko na lang sa singing contest. Kahit hindi ako kagalingan basta makaiwas lang sa laro bwahahaha! Ang talino ko 'no?

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon