Chapter 19

2 0 0
                                    

This chapter is dedicated to my new follower oveutoo. Enjoy reading<3




Naabutan kong palabas na si Xian, malapit na siya sa gate.

"Xian!" Tawag ko sa kanya. Tignan mo itong tao na 'to, aalis ng hindi nagpapaalam sa 'kin. "Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko.

Ngumiti siya at kumaway, palibhasa malayo ako sa kinatatayuan niya kundi nabatukan ko na siya.

"Bukas ko na lang ikekwento, girlfriend. Matulog ka ng maaga at 'wag mo na akong isipin pa." Inismiran ko na lamang siya saka kumaway, wala talagang makukuhang matinong sagot sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Papanhik na sana ako sa aking kwarto ng tawagin ako ni mama. Pumunta ako sa kusina at naabutang kumpleto sila, kakain pa lang pala. Mabilis akong tumabi kay mama saka ngumiti sa mga Wang.

"Sorry po, akala ko po kasi tapos na tayong maghapunan." Ngumiti si tita at tito samantalang walang paki ang dalawa niyang anak. "Kainan na!" Ako na ang nagpasimula sa pagkain.

Manghuhula yata si Xian... kasi alam niya na iisipin ko siya ngayon. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Ang bad boy na iyon, ang pangit niya sa isip ko! Ang mabuti pa matulog na lang ako. Zzzzz~

KINAUMAGAHAN, pagpasok ko sa school ay sa room ako dumeretso dahil for sure nasa rooftop na naman si Xian. Wala ba siyang balak na magsipag sa pag-aaral? Puro kasi siya tambay nahahatak tuloy ako.

"Mga bessy tulungan niyo naman ako please! Wala akong maisip na kakantahin ko." Umupo ako sa gitna nila. Mukhang si Sky lang ang makakatulong sa 'kin kasi si Elea nakatulala habang nakangiti, edi siya na ang inlove.

"Bakit hindi mo kantahin ang Stupid Love? Bagay 'yan kay Chuanli. Nang mainlove ko sa 'yo 'kala ko pag-ibig mo ay tunay, break it down yow!" Napaface palm na lang ako sa inakto ni Sky, malala na 'to.

Punta na lang ako kay Xian, medyo matino-tino pa kausap 'yon. Maaga pa naman kaya nagtungo muna ako sa rooftop. As usual nandoon si Xian nakahiga sa sofa at nakapikit ang talukap ng mga mata.

"Psst Xian!" Tawag ko sa kanya. Sinarado ko muna ang pinto bago lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinampas siya sa left leg. Agad siyang nagmulat at pinangunutan ako ng noo. "Malapit na ang singing contest, tulungan mo naman ako sa kakantahin ko."

Bumangon siya sabay tinaasan ako ng kilay. "Kakanta ka? Parinig nga ng boses mo, tingin ko boses ipis ka, eh." Pang-aasar niya.

Hinampas ko siya sa braso saka inirapan. "Narinig mo na ba ang boses ng ipis para sabihin mong boses ipis ako?" Pananaray ko.

"Basta ang definition ko ng boses ipis ay ikaw."

Naiinis na talaga ako sa pang-aasar niya kaya nilabas ko ang alas ko... ang pagkain. Agad nagningning ang mga mata niya. Tinaas ko ang lunch box ko, akmang kukunin niya ito ng ilayo ko.

"Siguro gaganda ang boses ko kapag kinain ko ito lahat." Pang-aasar ko sabay tingin sa kanya. Binuksan ko ng dahan-dahan ang takip habang pinapanood ang ekspresyon niya. Napalunok siya, patay gutom talaga.

"A-ang bagay talaga sa boses mo ay someone you loved by Lewis Capaldi. Try mo 'yon." Sagot niya at bigla na lang hinablot ang hawak ko. Oh edi sumagot din 'di ba? Bwahahaha! Sumubo siya ng sunod-sunod at may papikit pikit pa, ninanamnan ang bawat pagsubo.

"Turuan mo pala ako, parang alam mo naman iyong kanta, eh." Sagot ko sabay ngiti at nagpacute sa kanya.

"Hindi puwede dahil kakantahin mo 'yon para sa 'kin."

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon