"Xian... kung takot ka kay Mama't Papa puwede ka namang huwag na lang pumunta mamayang gabi sa bahay ng mga Wang." Pambabasag ko ng katahimikan sa pagitan namin. Naglalakad kami patungo sa mamihan, ayaw ko kasing sumakay sa kotse niya dahil malamang yayabangan na naman ako.
"Hindi. Pupunta ako basta sinabi ko. Gusto ko rin naman makilala ang parents mo."
"Pero bakit?" Mabilis kong tanong. Hindi naman kailangan maging close sila ng mga magulang ko kasi ahm... ano... ba't wala akong maisip na dahilan?!
"Kaibigan kita," simpleng sagot niya. Tumingin ako sa kanya, pacool maglakad. Talagang maangas ang dating niya, idagdag mo pa ang dalawang kamay na nakapamulsa habang sumasabay sa lakad niya ang galaw at ang mga buhok na ang cute magbounce bwahahaha!
"Aish sige na nga! Kaso mamaya haharap ka as my first boyfriend. Maging magalang ka okay? Sa itsura pa lang nila hindi ka na gusto kaya dapat magpaimpress ka." Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa 'kin. Anong katingin-tingin sa sinabi ko? Abughh nahihiya na ako dito tapos ganyan siya makatingin? Mali 'yon.
"Masusunod girlfriend ko." Sagot niya. Huminto siya kaya napahinto rin ako. Nangunot ang noo ko ng makitang nakasaludo ito.
"Para kang baliw." Natatawang sabi ko. Lumapit siya sa 'kin at inakbayan ko saka kami nagpatuloy maglakad. "One pm pa lang naman, kakain lang din natin. May alam ka bang puwede pagtambayan?"
Napaisip ito. Natatawa ako sa facial expression niya na nag-iisip habang nakatusok ang hintuturo sa baba.
"Wala. Mostly sa bar ako nagpupunta."
"Oh edi do'n tayo!" Agad kong sagot. Pinitik niya ang noo ko kaya napaaray ako at sinamaan siya ng tingin. "Waeyo?!"
"Bawal ka do'n, mapagkakamalan kang bata." Pang-aasar niya at humagalpak ng tawa. Grabe siya sa 'kin. Hindi naman ako totally na pandak, eh.
"Saan pala tayo?" Nakasimangot kong tanong. May tinuro siya kaya napatingin ako doon, sa part ng liwasang bayan na may bench kung saan niya unang beses ninakaw ang Bear brand sterilized milk ko. Natawa ako sa alaalang iyon. "Naalala mo siguro 'yong katakawan mo 'no? Hilig mo mang-agaw ng pagkain."
"Pero inumin 'yon."
Sinamaan ko siya ng tingin kaya lumayo siya habang tumatawa. Umupo ako sa bench saka nilibot ang paningin sa paligid.
"Xian, tanghaling tapat gusto mong dito talaga tayo? Ang init init oh!" Reklamo ko. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko saka sa mga braso ko.
"Mas okay dito, palagi na lang akong nasa mall nakakasawa." Nagyayabang na naman siya. Nakatingin siya sa 'kin ng may pagmamalaki habang nakangisi. Sarap suntukin ng mukha!
"Sa mall na lang kaya ako tapos ikaw na lang dito? Total sawa ka naman na sa mall tapos ako sawa na sa liwasang bayan." Tinaas taas ko ang kilay ko saka tumayo.
Hahakbang na sana pero hinila niya ako paupo sa kandungan niya. Sa gulat ay napatili ako ng malakas. Napapatingin ang kakaunting bilang ng taong nasa paligid namin kaya sa hiya ko ay nagtago ako sa balikat ni Xian.
"Kainis kang manyak ka!" Sigaw ko at pinaghahampas siya. Tumawa lang siya nang tumawa kaya tumigil na ako, ako lang din kasi ang napapagod sa 'min. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko saka umupo sa tabi niya. Tsansing 'to! "So anong gagawin natin dito? Tutulala?" Inis kong tanong at nagpapadyak. Ang boring!
"Titigan mo na lang ang guwapo kong mukha." Muntik ko siyang masampal sa sinabi niya. Nandidiring tumingin ako sa kanya at napangiwi.
"Mangarap ka nga ng puwedeng mangyari! Kaya ka nasasabihang nag-iilusyon, eh."
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.