LUMIPAS ang dalawang linggo, wala akong ginawa kundi ang magreview. At sa mga araw na nagdaan hindi ko muna sinundan si Chuanli, hindi ko siya hinahabol lalong-lalo na kahit nasa bahay kami. Palagi lang akong nasa kwarto at nagbabasa ng reviewer.
Kapag sinasapian ako ng katamaran laging nandiyan si Xian upang ipaalala kung bakit ko iyon kailangang gawin. Kaya nang pangalawang linggo na nasanay na ako, ako na mismo ang nagmomotivate sa sarili ko.
Sa dalawang linggo na lumipas masasabi ko na sa sarili ko na handa na ako para sa top 100 exam. Kaya ngayong pangatlong linggo hindi na ako nagrereview bwahahaha!
"Hoy magreview ka nga. Paeasy easy ka diyan mamaya makalimutan mo mga nireview mo." Si Xian, natulala na pala ako sa Class A building. Namimiss ko na si Chuanli.
Tumingin ako kay Xian na ngayon ay busy na ulit sa pagkain ng baon ko. Masasabi kong mas kilala ko na ang lalaking ito. Ang favorite color niya ay brown gaya ng mahahaba niyang buhok, pati ang pandoble niya sa uniform niya kulay itim dahil paborito niya rin itong kulay. Higit sa lahat mahilig siya kumain, sa simula alam ko naman na iyon dahil lagi niya akong inaagawan ng pagkain.
"Hindi ka naman mukhang mahirap pero kung kumain ka para kang patay gutom." Pang-uuyam ko sa kanya kaya this time naging mabagal ang pagsubo niya.
"Alam mo.." tinuro niya sa akin ang chopsticks na hawak niya. ".. kung panonoorin mo lang akong kumain wala kang mapapala."
Bahala siya diyan basta ako tapos na magreview, halos kabisado ko na nga buong reviewer ko.
"Xian bakit ayaw mong pagupitan ang buhok mo?" I asked out of nowhere. Tumingin siya sa akin at sa buhok niya tapos nagkibit-balikat. "Kunsabagay mas nakadadagdag sa kabad boy-an mo 'yan. Siguro kung magpapagupit ka ng clean cut magmumukha ka lang baduy!" Tumawa ako ng malakas with matching pahampas hampas pa ng reviewer ko sa sofa.
"Simple lang naman ang dahilan kung bakit ayaw ko eh, kasi nga ayaw ko." Sagot niya, kahit kailan talaga wala siyang kwenta sumagot. "Bakit gusto mong magpagupit ako? 'Wag na baka mainlove ka pa sa 'kin at ipagpalit mo ako kay Chuanli." Dagdag pa niya.
Lakas din ng kumpiyansa sa sarili ah. Saka ako? Magkakagusto sa kanya? Never. Bumait lang siya ng one percent sa paningin ko pero hindi mababago niyon ang pagkainis ko sa kanya.
"Alam mo humahangin na dito, baba na tayo baka tangayin tayo eh." Pang-aasar ko pa sa kanya. Niligpit niya na ang lunch box ko, siya na din nag naglagay sa bag. Inabot niya ito sa akin.
"Ikaw na lang ang bumaba dahil sa itsura mo mas katangay-tangay ka." Pang-aasar niya din. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na tinanggap ang bag ko.
"Nyenye. Gusto ko sanang ilibre ka kaso dahil diyan sa kayabangan mo 'wag na lang. Bye."
Tinalikuran ko na siya, hahakbang na sana ako ng pihitin niya ako paharap.
"Saan mo ako ililibre? Kailan? Ano?" Natawa ako sa kabuwayahan niya.
"Hindi malaki ang ipon ko pero idadala kita sa lugar na masarap ang pagkain. Magkita na lang tayo sa liwasang bayan mamayang alas singko." Sagot ko. Tuluyan ko ng nilisan ang lugar na iyon. Pagdating ko sa classroom nilapitan ko agad ang dalawa kong kaibigan.
"Oh ano kumusta ang pagrereview?" Tanong ni Elea. Himala yata hindi niya ako inasar ngayon, namiss ko lang.
"Okay lang. Feeling ko nga ready na ako sa exam, eh." Mayabang kong sagot.
"Buti nakakapagreview ka ng maayos kung palagi mong kasama si Xian." Si Sky, pinangunutan ko siya ng noo.
"Bakit naman hindi? Tahimik lang naman siyang kumakain sa tabi kapag nagrereview ako."
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.