"Wala ka bang sasabihin?"
Nabalik ako sa wisyo ng pingutin ni Xian ang ilong ko. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa rooftop kami.
"H-huh? Ano bakit ka umalis sa game? Hindi pa tapos 'di ba?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. "Tsk!" Luh anong masama sa tanong ko? Pinagmasdan ko siya kung paano kunot noong tumingin sa 'kin saka inis na umupo sa sofa.
"Bakit nga pala kayo nag-aaway sa bola? Saka okay na sana, eh! Bakit kailangan mo pa akong hilahin dito? Hindi mo ba nakita na iyon na ang pagkakataon namin ni Chuanli? Aish!" Inis din akong umupo sa tabi niya, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya matignan sa mga mata pagkatapos kong sabihin iyan.
"Bakit hindi ka umangal no'ng hinila kita? Edi do'n ka sa intsik na 'yon!" Tinulak niya pa ako kaya tinignan ko siya ng masama. Umayos ako ng upo at mas lumapit sa kanya.
"Saka bakit ba kayo nag-aaway ni Chuanli sa bola? Puwede naman kayo bumili ng bago dahil mayayaman naman kayo!" Sigaw ko sa mismong tainga niya. Lumayo siya at tinignan ako ng nakamamatay na tingin. Naitikom ko bigla ang labi ko.
"Ewan ko sa 'yo, ang bobo mo!"
"Ano ako pa ang bobo?!" Inis ko siyang pinaghahampas sa balikat niya. Puro daing lamang niya at mga hampas ko ang maririnig sa rooftop. Tumigil lamang ako ng makaramdam ng pagod. "Bumalik na lang tayo sa game, ihing-ihi na rin ako. Kailangan mo pang ipanalo ang laro para sa buong Class F."
Tinapik ko ang balikat niya saka ngumiti. Tumayo na ako sa aking kinauupuan, paalis na sana ngunit hinila niya ako paharap.
"'Wag ka ng bumalik sa court, magcr ka muna tapos dumeretso ka dito. Kapag nakita lang kita doon bibitbitin kita na parang sako. Understood?!" Tumango na lamang ako sa kabaliwan niya. "Good," nagulat ng biglang halikan niya ako sa pisngi.
Babatukan ko sana kaso nakatakbo na palabas. "Manyak ka talagang Xian ka!" Sigaw ko.
Bumaba na muna ako dahil ihing-ihi na talaga ako. Sira ulo talagang Xian 'yon, nakakatakot kaya dito sa cr. Wala akong kasama tapos super tahimik talaga. Buti na lamang nalabanan ko ang takot ko saka patakbong bumalik sa rooftop.
Nakasimangot kong tinanaw ang court na malayo sa kinatatayuan ko. "Bakit kasi napakabossy ng bad boy na iyon? 'Ayoko namang suwayin siya kasi last time na ginawa ko ay parang mangangain siya ng buhay. Aish, lagi pala siyang gano'n!"
Dahil walang magawa humiga ako sa sofa. Hindi na masama, kaya pala laging gusto tumambay ni Xian dito. Mahangin saka ang lambot ng sofa.
"Hoy gising!" Napahilamos ako sa mukha ko. Ang aga-aga sinong maglalakas loob mambulabog sa 'kin? Tumayo ako sa pagkakahiga habang nakapikit pa rin at pumorma ng suntok. "Anong ginagawa mo?"
Napamulat ako at agad binaba ang kamay. Si Xian pala! Nakatulog na kasi ako kakahintay sa kanya. Akala ko tuloy nasa kwarto na ako.
"Nag-eexercise," palusot ko saka kunwaring inunat ang mga kamay ko. "Ikaw? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko at pinamaywangan siya.
"Oh," nagulat ako ng biglang may ihagis siya sa 'kin. Buti mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko ito.
"Anong gusto mong gawin ko sa medal na 'to? Kainin ko?" Pamimilosopo ko saka tinaas ang medal sa ere.
"Nanalo kami. Most valuable player ako kaya ibibigay ko 'to sa girlfriend ko."
"Pero peke lang ako." Mabilis kong sagot. Tinitigan niya ako. Inilahad ko ito sa kanya. "Puwede mo naman ikeep para kapag dumating na si Miss Right maibigay mo 'to." Sabi ko ngunit hindi niya ito kinuha.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.