"Krisperin naayos mo na ba lahat ng gamit mo? Aalis na tayo." Sulpot ni mama. Ngumiti ako sa kanya saka tumango. Nilibot kong muli ang aking paningin sa kwarto, naulit lang ang dati. Pangalawang beses, pangalawa sa bahay ng mga Wang.
Kinagabihan nang magbreak kami ni Chuanli, isang balita ang lalong nagpalungkot sa akin. May bahay na kaming lilipatan, aalis na kami sa bahay ng mga Wang. Nakakalungkot talaga lalo na't ang isang dahilan ni mama ay...
"Magnobyo kayo ni Chuanli kaya hindi kayo puwedeng tumira sa iisang bubong."
Nahihirapan akong ipaalam sa kanila na break na kami. Ewan ko kung alam na nila tita't tito. Hindi na kasi kami nag-usap pa ni Chuanli matapos iyon.
Bumaba na ako. Malungkot na sinalubong ako ng mga Wang. Pati si Brent na hindi ko nakakasundo, umiiyak ngayon.
"Mag-iingat kayo iha, mamimiss kita. Wala ng cute at nakakatuwang babae dito sa bahay." Niyakap ko si tita nang magsimula siyang umiyak. Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
"Mamimiss ko rin kayo tita. Salamat po at kayo ang tumayong pangalawang magulang ko. Hindi ko po kayo malilimutan." Lumandas ang luha sa aking mga mata. Kumalas ako ng yakap at hinarap naman si tito. "Tito salamat din po sa lahat. Sana makabalik kami dito." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Hoy Krisperin, kahit ngayon stupid ka pa rin. Mamimiss ko ang katangahan mo." Medyo harsh na paalam ni Brent. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Yieeh sabi ko na nga ba mamiss mo rin ako. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang nag-iisang little brother ko kahit ayaw mo akong ituring na ate hahaha!" Niyakap ko siya. Lalo akong naiyak ng humagulgol siya, bakla rin pala. Mamimiss ko ang pasmadong bibig niya.
Kumalas ako ng yakap at hinanap si Chuanli. Bitter pa rin ba siya? Ni hindi niya man lang ihatid ang ex niya paalis ng bahay nila. Kinamumuhian niya kaya ako?
"'Wag mo nang hanapin si kuya. Asa ka pa do'n." Tila nabasa ni Brent ang nasa isip ko. Tumango na lamang ako at sumakay na sa jeep. Ano cheap na naman? Mas mura ang renta dito saka mas malawak ang space.
Umiiyak pa rin ako hanggang sa umandar ang sinasakyan namin. Nagdadrama pa ako ng batukan ako ni mama.
"Huwag ka na ngang umiyak diyan babaita!" Natatawang niyakap ko si mama. Diring-diri naman niya akong pinagpapalo. Ang sweet talaga ng mama ko.
"Ma, pa, mabuting umalis na talaga tayo sa bahay ng mga Wang." Sabi ko at tumingin sa labas. Pinagmasdan ko ang mga building na nadaraanan namin.
"Ayos nga sa 'kin sa bahay nila kumpare." Malungkot na sambit ni papa.
"Kasi itong Krisperin na 'to! Bakit kasi ninobyo mo si Chuanli? Edi sana hindi nakakahiyang makitira pa tayo ng mas mahaba sa kanila." Sambit naman ni mama. Napaikot na lamang ako ng eye balls, alam ko naman ang gusto niya doon ay ang pa-spa ni tita at pagpapabeauty nila saka shopping shopping.
"Ma, pa..." paano ko ba kasi sasabihin ito, aish! "...break na kami ni Chuanli."
"Ano?!" Si mama
"Buti naman!" Si papa.Sabay nilang sigaw. "Papa naman! Bakit natutuwa ka pang malaman? Dapat nga suportahan mo kami dahil anak siya ni tito na kaibigan mo. Saka ikaw mama! Tutol ka sa break up namin? 'Di ba ayaw mo naman kay Chuanli at the first place?"
Natahimik silang dalawa't hindi na nakapagsalita pa. Ang gulo nila 'no? "Teka lang ma, pa! Pamilyar ang lugar na 'to!" Masayang sambit ko nang mapansin ang daang tinatahak namin ay ang daan patungo sa luma naming bahay.
"May interesadong yayamaning babae na nagpaayos ng dati nating bahay. Pinarerentahan ito kaya inupahahan ko na. Para makapag-espiya na rin tayo sa nangyayari dito." Sagot ni mama.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
JugendliteraturWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.