Chapter 27

2 0 0
                                    

"Park? Seriously Krisperin? Babalik na lang ako sa school." Akmang tatalikuran niya ako ng harangan ko siya agad.

"Sayang 16 pesos nating pinamasahe, tara na kasi! Para maranasan mo naman kung paano ba ang sinasabi mong laugh." Natatawang sagot ko at hinila siya sa gitna.

Kumpulan ang mga batang sumasayaw ng sasara't bubuka ang bulaklak, basta iyon. Hinila ko papasok sa bilog si Chuanli, hindi siya umangal pati ang mga bata. Sa halip tuwang-tuwa silang iniikutan kami.

"Sasara ang bulaklak
Bubuka ang bulaklak
Papasok ang reyna't, papasok ang hari
Ang saya-saya
Bumtiyaya bumtiyaya bumyeye."

Natatawang pinikit ko ang mga mata ko, pinangtakip ang palad. Umikot ako nang umikot. Nang matapos ang kanta'y huminto ako at unti-unting binuksan ang mga mata. Si Chuanli ang naturo ko.

"Woah ang galing Chuanli, right? Destiny siguro 'to!" Masayang sabi ko at paulit-ulit na tinuturo siya. Nakatayo lamang siya at pinapanood ako. "Pero ang daya. Wala kang naturo? O hindi ka sumayaw? Ulitin natin!"

Pinilit kong sumayaw si Chuanli. Sumayaw naman siya at ginaya ang ginawa ko. Nang matapos ang kanta ay binaba ko ang kamay ko, nagtuturuan kami ni Chuanli ng palad.

"Ang saya 'di ba? Hindi mo siguro alam ang larong ito kaya para kang ewan na nakatayo lang diyan." Pang-aasar ko sa kanya ng maupo kami sa bench.

"Pangbabae ang laro, paano ako mag-eenjoy?" Bagot niyang tanong. Natatawa ako sa itsura niya, pawis na pawis siya dahil tirik na ang araw.

"Halika nga dito boyfie," lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap niya. Nilabas ko ang panyo sa bulsa saka pinunasan ang guwapo niyang mukha. "Compare sa pawis ko, mas madami ang sa 'yo." Napatitig ako sa mga mata niya, ang guwapo mo talaga para maging ex ko. Napailing na lamang ako.

"Krisperin... you're weird today. Bakit ang saya-saya mo?" Takang tanong niya. Nangunot ang noo niya kaya agad ko itong hinawakan at binalik sa dati.

"Kasi nga masaya ako. Kaya tara, makilaro tayo ulit!" Bago pa siya makaangal ay nahila ko na siya patayo at palapit sa mga batang naghahabulan.

"Ate, kuya, sasali ba kayo ulit? Lugi kami sa inyo kasi ang laki niyo na." Sabi ng cute na batang babae, super liit niya parang doll na nagsasalita. Ang cute niya sa yellow dress and malaking yellow ribbon sa hair.

"Don't worry baby girl, si kuya Chuanli ang taya. Right Chuanli?" Tumingin ako sa kanya na parang nagsasabing 'umoo ka na lang' ngunit umiling siya saka sumilay ang ngiti sa labi.

"Naah. Ikaw ang taya, ikaw ang nag-aya." Aniya at sumama sa mga batang nagsitakbukhan na palayo. Abughh, gawin ba akong taya?! Humanda ka Chuanli my loves!

Bawat nadadaanan kong bata ay tinatapik ko tanda ng sila'y taya na rin. Hanggang sa lahat kami ay humahabol na kay Chuanli, ang bilis niya! Dinoble ko ang aking bilis, malapit na malapit na ako sa kanya kaya tinalon ko siya. Sumakay ako sa likod niya at pinagsasabunutan siya.

"Hiyah! Pinagod mo akong lalaki ka!"

"Aww stop it Kris! Hindi nakakatuwa." Agad akong bumaba at pumunta sa harap niya.

"Sorry boyfie! Sorry talaga! Super sakit ba?" Nag-aalangang tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkos ay naglakad palayo. Hinarap ko ang mga bata na naghihintay sa 'min. "Uuwi na kami ng kuya niyo, may topak siya." Natatawang sambit ko at sumunod kay Chuanli. "Chuanli my loves! Wait for me!"

Nang maabutan ko siya ay inangkla ko ang braso ko sa braso niya at hinila sa fishball vendor. "Manong dalawang bente pesos na fishball, 'yung maanghang na sauce." Sabi ko at ngumiti kay manong.

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon