Chapter 1

30 2 19
                                    

Kris.

EXCITED akong pumasok ngayon.  Alam niyo ba kung bakit?

Bata pa lamang ako pangarap ko na maging isang scientist. Mahilig ako dumiskubre ng mga bagay bagay sa mundo. Kaya ng may madiskubre akong bago, madali akong ipaalam sa buong campus na pinag-aaralan ko.

"Hello mic test mic test ehem ahh hello?"

Niset-up ko ang mikropono at speaker sa harap ng stage. Taas noo akong tumayo at ngumiti sa lahat. Pinagtitinginan nila ako at isa-isang nagsilapit.

"Good morning dear students. Ako si Krisperin Abasta, Kris for short. Isa akong future scientist na may present discovered knowledge."

Bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Tama iyan! Dahil ako lang ang nakakaalam ng bagay na ito. Bwahahaha!

"Wala ba kayong mga kamay diyan?" Tanong ko. May pumalakpak pero isa lang. Ayos lang 'yon basta may isang supporter dapat magpatuloy sa pangarap. Kahit wala ni isa man dapat magpatuloy pa rin. Laban lang!

"Kagabi, nagpuyat pa ako para makapag research tungkol dito. Moon, ang moon ang nakikita natin tuwing gabi. Noong una hindi ako makapaniwala pero heto ako ngayon," huminga ako ng malalim at isa isang pinakita ang larawan ng buan. "Hindi ba kayo nagtataka? Bakit ganyan ang kulay ng moon natin? Napag-alaman kong mas high class ang moon ng America, Japan, at Sokor."

"Isa lang naman ang moon eh"
"Pinagloloko tayo ng taong 'to"
"Tara na nga"

"Hep hep! Hindi pa ako tapos pinangungunahan niyo na ako." Hindi nagpapigil ang tatlong maaattitude kaya umalis na sila. Okay lang, at least may natira pang makikinig hmp. "Mali kayo sa paniniwalang isa lamang ang bulan dahil ang totoo bawat bansa may kani-kaniyang buwan. Kaya nabuo itong Kris Theory Moon101."

Nasabi ko na rin sa wakas. Nagbow ako sa maraming tao at ako na mismo ang pumalakpak sa sarili ko. Success! Ang first discover ni scientist Abasta!

"Krisperin Abasta, ano na namang kabobohan ito?! To the guidance office now!"

Ehh? Totoo bang naririnig ko si Ma'am Zebby? Nasaan siya? Hindi ko siya makita! Nilibot ko ang aking paningin.

Nakita ko siya sa gilid, "M-ma'am?"

"Sabi ko sa guidance ngayon na!"

Sa takot ay kumaripas ako ng takbo palayo kay Ma'am Zebby. Hay buhay nga naman, unang klase guidance agad. Saka unang speech ko iyon about sa aking Kris Theory Moon101!

Basta panghahawakan ko ang nadiscover na ito.

"Bessy balita ko naguidance ka raw? Sabi ko naman kasi sa 'yo hindi magandang ideya ang ginawa mong paraan para magspeech," Si Elea, isa sa dalawa kong kaibigan. Lumapit siya at inakbayan ako. "Susuportahan ka namin sa pagiging scientist mo pero hindi sa pagpasok ng guidance." Dagdag pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kaibigan ba talaga kita ha? Saka nagkataon lang na napansin ni Ms. Zebby yung speech ko. Ayaw niyo n'on? Narecognize ako." Sagot ko naman at pumalakpak.

"Hays ikaw lang ang kilala kong baliw na maganda," si Sky. "Tara na lang sa canteen."

Saka naglakad silang dalawa na magkaakbay. Iwan ba naman ako?

"Yah! Anong klase kayong kaibigan?!" Sigaw ko at hinabol sila. Bago pa ako makalapit ay natumba ako sa sahig. "Sinong namatid sa 'kin?!" Inis kong tanong. Ang mga paa ko, este tuhod ko! Nagasgas! Papagalitan ako ni Mama huhuhu!

Tumayo ako at pinagpag ito. Agad akong dinaluhan ng mga kaibigan ko. Tinignan ko ng masama si-- sino nga ulit ito?

"Ako, bakit? May angal ka?"

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon