His Point of View
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at sumenyas na sundan ako. Hindi ko na siya hinintay na sumagot sa halip ay tinalikuran ko. "Hoy!"
Napangiti na lamang ako sa kabobohan niya. "Ano bang ginagawa sa school?" Nilingon ko siya saka ngumisi. As usual nagmarcha siya palapit sa 'kin ng may busangot na mukha.
"Napakawalang kwenta mo pa rin kausap!" Singhal niya. Galit-galitan sasama rin pala.
"O, ano, naaalala mo pa ba?" Tanong ko sa kanya. Tumawa siya at tumango-tango.
"Oo naman. Hindi ko kasi maisip na totoong doon ka nga talaga nag-aaral," Sagot niya.
"Naaalala mo pa rin ba pati yung panglilibre ko sa 'yo sa coffe shop sa tapat ng school natin?" Tanong kong muli.
"Sandali aalalahanin ko," tugon niya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. Hindi ako magsasawa sa 'yo ex-girlfriend ko, magkamatayan man hahahaha.
"In fareness sa 'yo ha... marunong ka ng manlibre ng bukal sa puso." Natatawang aniya sabay higop ng kape.
Tinaasan ko siya ng kilay, kunwari ako naman ang galit-galitan.
"So sinasabi mong hindi dati? E, ako nga ang nagbayad sa mamihan! May pasabi-sabi ka pang libre mo tapos ako pala ang pagbabayarin mo!"
'Ayun na naman sana ang bratatat niyang bibig kung hindi lang may dalawang pangit na dumating.
"So wassup guys?" Agad akong nagtago sa likod ni Kris nang lapitan ako ni Qingzhao. "Chill hahaha! Ang pogi mo na lalo, ex-crush!" Pati pagtawa niya'y kinikilabutan ako.
"Pati ba kayo, hanggang dito ay susundan ako?" Seryosong tanong ni Kris, tatawa na sana ako kaso naunahan ni Chuanli.
"Namiss kita Krisperin. Halika na uwi na tayo, iwan mo na 'yang manliligaw mong hindi marunong manligaw," Aniya, sinamaan ko ng tingin ang nerd'ong ito.
"Kaysa naman sa 'yo, hindi nagawang manligaw kay girlfriend." Pangbabara ko sa kanya. Palibhasa basta na lang sinabi na sila na, walang kaeffort effort.
"Hahaha! Oo naaalala ko na! Napakaseloso mo sa part na niyaya ako ni Chuanli umuwi, kasi naman, yakapin mo ba naman ako sa harap ng madaming tao? As in sa coffe shop na iyon? Hahahaha."
"Sige pagtawanan mo pa!" Inis kong sigaw sa kanya, kalauna'y napangiti rin, nakakahawa kasi siya.
"Sorry na mahal ko," lumapit siya sa 'kin at pinalibot ang mga braso sa leeg ko. "Pero kinilig ako do'n huwag kang mag-alala. Noong una nagdoubt ako sa feelings mo for me kasi baka pinagtitripan mo ako hanggang sa Batangas ba naman. Hindi sana kita sasagutin kung hindi mo pinatunayan ang love mo para sa 'kin." Nakapikit niyang kuwento, nag-iimagine na naman.
"Oo nga mahal. Pero ano muna ang spelling ng doubt?" Ngisi ko. Nagmulat siya, nakatanggap ako ng sapak sa balikat. Pinigilan kong matawa dahil sa totoo lang hindi masakit ang sapak niya, baka lalong mainis.
"Mahilig ka pa ring mang-asar!" Inis niyang sambit.
"Walang taong nang-aasar sa taong naaasar." Lalong umusok ang ilong niya sa galit sa naging tugon ko. Bago pa makatanggap muli ng samu't saring pananakip ay niyakap ko siya. "Joke lang mahal. Natural lang sa 'ming mga bad boy ang ganito, mapang-asar ngunit mas matindi lang sa taong mahal na mahal namin."
Yumapak siya pabalik saka ngumuso, sus nagpapalambing na naman, hahahaha!
"Oo na, ikaw na si mapang-asar king pero ano muna iyong kabaduyang ginawa mo para mapasagot ako?" Balik niyang pang-aasar.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.