Chapter 8

9 0 1
                                    

BUMABA NA ako, hindi ko sinunod si Xian. Ano siya sinuswerte para sundin ko? Duhh I have my own ano.. basta own decision nyenye.

Nanlaki ang mga mata ni Xian, sinamaan niya ako ng tingin na ginantihan ko ng palaban na tingin bwahaha! 'Kala mo ah.

"Di ba sabi ko sa taas ka lang? Papasok ka sa loob o bubuhatin pa kita?" Pananakot niya. Tuluyan akong nakalapit sa kanila. Tumabi ako sa kanya saka tumango sabay ngiti.

"Kakampihan kita, para sa katotohanan!" Sambit ko at nagchin up na hinarap ang Class A. "Kayo? Anong ginagawa niyo dito? Saka tinawag niyo pa talaga ang boss niyong si Chuanli ah bwahaha. Bakit hindi niyo ba kami kaya para pagtulungan niyong buong section? Dalawa lang kami singkwenta kayo."

Pang-aasar ko sabay cross arms. Tumingin ako kay Chuanli na nakatingin din pala sa akin. Inismiran ko siya at siniko ang katabi ko.

"Yung line mo na," bulong ko.

"Tanga ka talaga! Hays!" Ginulo niya ang kanyang buhok, nanlaki ang mga mata ko ng hilahin niya ako at itago sa kanyang likod. "May kasalanan si Qingzhao kay Krisperin, hindi ko basta na lang pababayaan ang kasection ko."

"Tama!" Sagot ko. Sinamaan ulit ako ng tingin ni Xian na ikinatahimik ko.

"Puwede naman idaan sa mabuting usapan 'di ba? Bakit kailangan mo pang paputukin ang labi ni Qingzhao?" Si Chuanli ang sumagot. Lumapit siya kay Qingzhao, hinawakan niya ito sa baba at inangat. Tumingin siya sa akin na para bang ako ang sinasabihan niya.

Teka hindi ko naman kasalanan ah! Saka bakit ganyan siya makatingin? Pinagseselos niya ba ako?! Well nagawa niya, selos na selos na ako!

"Binigyan ko siya ng second chance pero lintik lang hinalikan niya ako!" Biglang sigaw ni Xian pati ako ako ay napatalon sa gulat, wow galit na galit.

"Tama nga lang na magsama kayo ni Krisperin, bobo na ilusyunada pa!" Sabi ng babae, hindi ko alam kung sino iyon.

Pero ano daw? Ilusyunada?! Hindi ako papayag na tawagin niya akong ilusyunada!

"Duwag kang babae ka lumabas ka diyan!" Tinanggal ko ang kamay ni Xian na nakahawak sa akin. Pipigilan niya pa sana ako kaso nakahakbang na ako palapit. "Bakit sa tingin mo nag-iilusyon ako? Itong sasabihin ko sa'yo malamang hindi ka pa rin maniniwala na ako at si Chuanli ay nakatira sa iisang bubong."

Nagtawanan sila na ikinainis ko. What? Totoo naman eh! "Bakit hindi niyo tanungin si Chuanli? Hoy Chuanli sabihin mong totoo lahat ng sinasabi ko!" Dinuro-duro ko pa si Chuanli.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kaliwang papulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng hilahin ako nito.

"Hoy saan mo dadalhin si Krisperin! Hoy ibalik mo siya!" Rinig kong sigaw ni Xian.

"Huwag kang mag-alala Xian away mag-asawa lang ito!" Balik kong sigaw din. "Saan mo ba ako dadalhin? Anong problema mo? 'Di ba sabi ko sabihin mo sa lahat na hindi ako nag-iilusyon?!" Galit kong tanong kay Chuanli. Binitiwan niya ang kamay ko at sinandal sa pader.

"Ano bang gulo ang pinapasok mo? Tanga ka ba talaga? Ha?!" Napapikit ako sa sigaw niya. Ngayon ako pa ang masama.

"Tanga na kung tanga basta---"

"Mahal kita? Lintik na mahal iyan!" Wow kabisado niya na pala line ko.

"Bakit mo pa ako dinala dito? Ano ipagtatanggol mo si Qingzhao? Edi magsama kayo total kayo naman talaga ang bagay eh, isang good boy at isang bad girl, isang matalino at isa pang matalino."

Isa-isang pumatak ang luhang hindi ko inaasahan. Sobrang sakit ba? Sobrang sakit ba na ipagtanggol niya ang iba? Sobrang sakit ba na malamang may gusto na siya? Sobrang sakit ba na ngayon ay dinala niya ako dito para ipagduldulan ang mali ko? Ang katangahan ko?

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon