This chapter is dedicated to babyquiana. Hi! Hahaha. Enjoy reading<3
Just give me a second. Mag-usap na lang tayo sa bahay, okay?"
Humiwalay siya ng yakap saka ngumiti sa 'kin at tumango. "Go ahead," ngumiti ako pabalik saka pumihit paalis.
Tinakbo ko ang daan na dinaanan ni Xian. Sana maabutan ko siya. Isa lang naman ang lugar na lagi niyang pinupuntahan, sa rooftop.
Gabi ginanap ang singing contest kaya madilim na sa taas, pero salamat na rin sa mumunting liwanag na nagmumula sa buwan upang hindi ako matisod.
"Xian," tawag ko sa kanya. Nakasandal siya sa railings, nakaharap sa gawi ko. Lumapit ako sa kanya at pinakatitigan siya. Iniiwasan niya ang mga mata ko kaya hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa 'kin. "Galit ka ba?"
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya, iwas pa rin ang tingin sa akin.
"Tignan mo ako sa mga mata ko..." tumingin nga siya kaya nawala bigla sa isip ko ang dapat kong sabihin. "... g-galit ka ba sa pag-iwan ko sa 'yo kahapon sa field?" Ewan ko kung bakit iyan ang tanong ko, alam kong isang katangahan na itanong ang walang kwentang bagay na iyan sa mga pangyayari kani-kanina lamang.
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya saka tumawa ng pagak.
"Bakit pumunta ka pa rito? Kasama mo na nga ang 3-long-year crush mo 'di ba?" Aniya sabay irap, muntik akong matawa dahil para siyang bakla sa part na 'yon.
"Bawal ba ako dito? Sige alis na pala ako." Naglakad ako palayo pero ang tingin ay nasa kanya pa rin. Hindi niya ako pinigilan kaya inis akong bumalik sa harap niya. "Hindi mo ba ako pipigilan?!"
"Tsk,"
"Wala ka talagang kwenta kausap!" Nagmarcha ako paalis. Ako na nga gusto makipag-usap sa kanya tapos tinataboy niya ako. Bahala siya diyan!
Bumalik ako sa auditorium. Hinanap ko sina Sky at Elea na agad ko namang nakita dahil sa bandang likod sila nakawesto. Nilapitan ko sila ng may ngiti sa labi.
"Oh bakit parang Biyernes Santo mga mukha niyo?" Tanong ko. Namumula ang ilong ni Elea na siyang pinagtaka ko ng husto. May nangyari ba noong wala ako?
"Anong palabas ang pinagsasabi mo sa stage? Sinasaktan at pinapahiya mo si Xian, hindi mo ba naisip iyon?" Nagulat ako ng biglang bumuhos ang luha ni Elea.
"Gano'n ba? Sorry hindi ko naisip agad." Mabilis kong sagot. Sumama ang tingin ni Elea na parang may nasabi akong mali.
"Mag-isip ka nga muna bago mo gawin ang mga bagay bagay! Tatanga-tanga ka!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ganyan na ba ang tingin mo sa 'kin?
"Tama na, Elea. Kaibigan natin ang kausap mo." Pag-aawat ni Sky kay Elea at hinawakan ang balikat nito.
"Bakit totoo naman, eh! Ayaw mo bang masaktan ang damdaming ng kaibigan natin kuno? Tignan mo nga siya! Ang sama-sama niya ang landi landi niya---"
Sinampal ko siya. Nanlaki ang mga mata namin sa gulat. "Hindi ko sinasadya!" Mabilis kong sambit.
Umiling si Elea at mapait na ngumiti sa 'kin. "Simula ngayon kakalimutan ko ng naging kaibigan kita."
"Elea!" Pigil ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nagdere-deretso paalis. Sinulyapan ko si Sky na may pilit na ngiti sa mga labi. "I-ikaw? Kaibigan mo pa rin naman ako 'di ba?" Naiiyak kong tanong.
"Saka na tayo mag-usap kapag malamig na ang mga ulo natin."
Umiling ako ng umiling habang hawak ko ang kamay niya na nagsasabing huwag siyang umalis sa ganoong paraan. Tinapik niya ako sa balikat saka sumunod kay Elea. Tuluyang bumuhos ang luha ko sa sobrang panlalabo wala na akong makita pa.
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.