PABABA na kami ng rooftop ng makasalubong namin si Chuanli. Anong ginagawa niya dito sa building namin? Tumingin siya sa akin at kay Xian, pabalik-balik. Hanggang sa lampasan niya na kami. Tatawagin ko pa sana siya ng pigilan ako ni Xian, umiling siya.
Malapit na kami sa room ng tumunog ang speaker ng buong campus, si Ma'am Zebby ang nagsasalita.
"Good morning dear students, I just want to inform you all that top 100 exam will be held at the last month of June, be ready and good luck." Iyon lang at namatay na.
Napasimangot ako, "Bakit parang ang bilis yata?" Reklamo ko at nagpapadyak sa inis.
May pag-asa pa ba akong makapasok sa top 100 exam? May pag-asa pa ba ako kay Chuanli my loves? Tingin ko last chance ko na ito para mapatunayan ang sarili ko.
"Anong parang ang bilis? Every school year, last month ng June talaga sinasagawa ang top 100 exam bobo ka ba?"
Agad sumama ang tingin ko kay Xian. Nang-aasar niya akong binelatan saka nagpatuloy na maglakad. Hinabol ko siya at pagkalakas-lakas na binatukan. Serves you right bwahahaha! Narinig ko pa ang aray niya at pagtawag sa pangalan ko pero nagdire-diretso na ako papasok sa room.
Nilapitan ko ang mga bessy ko na nagdadaldalan na naman, aish forever tsismosa na yata sila.
"Narinig niyo 'yung announcement?" Nakasimangot kong tanong saka umupo sa tabi nila.
"Oo, hindi naman kami bingi haler?" Pambabara ni Elea, hindi ko na lamang pinansin dahil wala ako sa mood makipagsagutan.
"Wala na akong time para makapagreview," malungkot na share ko lang sa kanila, lol.
"Neknek mo lokohin mo eh hindi ka naman talaga nagrereview!" Sabi ni Sky, tumawa silang dalawa na akala mo mamamatay na, mga baliw.
"Suportahan niyo na lang ako, okay? 'Yon ang kailangan ko."
"Hays nagdrama na naman si Krisperin. Halika nga dito group hug tayo." Sumenyas pa si Elea na mas lumapit ako, bale nasa harap ko kasi silang dalawa. Pabilog kami hehe. "Dali na!" Nang sumigaw ito ay agad akong lumapit at kunwari napipilitang makipagyakapan.
Binatukan ako ni Elea, binatukan siya ni Sky, binatukan ko naman si Sky. At sabay-sabay kaming tumawa, yes we are buang na.
"Bakit pala magkasama kayo ni Xian ha?" Naunang kumalas ng yakap si Sky. "Di ba sabi namin sa'yo layuan mo siya. Isa siyang tuso dapat alam mo iyan."
Ehh? Hindi kaya! Magkuya na nga kami, eh.
"Close na kami hehehe," nailang ako bigla ng titigan ako ng dalawa kong kaibigan. "Bakit? May problema ba doon?" Tanong ko at pinangunutan sila ng noo.
"Hays basta mag-iingat ka sa kanya ha? Oh nandiyan na si Ma'am Zebby." Si Elea, inayos na nila ang kanilang upuan saka nagpay attention sa harap.
Nagsimula ang klase pero as usual, hindi kami nakikinig. Isang himala kapag nangyari iyon, tatawagin ko ang lahat ng santo 'pag nagkataon.
Recess na namin. Kinain at ininom ni Xian ang baon ko kaya nanonood na lamang ako sa bawat pagsubo ng matatakaw kong kaibigan.
"Hindi ka ba talaga bibili bessy?" Tanong ni Elea, kumagat siya sa tuna sandwich niya habang may papikit pikit pa. Nang-iinggit amp.
"Hindi na, busog naman na ako eh." Liar! Gusto kong matawa ng tumunog ang tiyan ko buti na lang hindi narinig nina Sky at Elea dahil paniguradong pagtatawanan nila ako. Okay lang, sanay naman na ako magtiis ng gutom.
Nagring na ulit ang bell, senyales na tapos na ang recess at next subject na. Sabay kaming naglalakad na tatlo patungong classroom ng makita ko hindi kalayuan si Chuanli. Nanlaki anh mga mata ko sa pagkamangha. Bakit siya nandito?
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.