BUMUKAS ang pinto at pumasok si Mama, halata sa mga mata niya na kagagaling niya lamang ng iyak. Tumingin siya sa 'kin nang nag-aalala at parang iiyak na naman yata.
"Lalabas po muna ako Tita," nagbow si Chuanli. Pinagmasdan ko siya hanggang makalabas. Bumaling ang tingin ko kay Mama ng biglang humagulgol ito.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Bakit ka nagpapabaya? Kung galit ka sa 'kin sabihin mo hindi 'yong magpapalipas ka ng gutom. Patawad anak ko huwag ka ng magalit."
Another awkward moment. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak, hindi ako sanay na nagdadrama si Mama.
"Sorry din Ma, pangako po hindi na ako magpapagutom." Sagot ko. Ginulo niya ang buhok ko saka yumakap. "Mama may sasabihin pala ako."
"Ano 'yon?"
"Pinapatawag ka po sa Principal's office bukas." Kumalas ito ng yakap at sinamaan ako ng tingin.
"Krisperin Abasta!" Napatakip ako sa magkabilang tainga ko dahil sa sigaw nito. Pinagpapalo niya ako na nagpaaray sa 'kin. I guess we're okay now.
"Ma galit ka pa ba dahil sabi mo may boyfriend na ako?" Kinakabahang tanong ko. Poker face niya akong tinignan.
"Sa bahay natin pag-uusapan."
Aish bakit sa bahay pa? Eh wala naman kaming bahay. Ang ibig sabihin ba ni Mama... mag-iisang dibdib na kami ni Chuanli kaya bahay na rin namin iyon?! Pero may boyfriend pa raw ako! Lagot na.
Sabi ng Doctor kailangan ko lang daw kumain ng masustansya para bumalik ang lakas ko saka huwag na raw magpagutom. Alam ko naman 'yon talagang first time ko lang magpagutom gawa ng galit ko kay Mama. Puwede na raw ako umuwi, si Mama ang OA kaya ko naman maglakad pero puro alalay siya sa 'kin duh I'm not baldado.
"So balae anong pag-uusapan natin? Bakit tayo nagkatipon?" Paninimula ni Tita sa discussion.
"Ahm ito kasing si Krisperin may boyfriend na." Sagot ni Mama. Literal na nalaglag ang panga ni Tita, si Tito naman tahimik lang at parang may iniisip na malalim. Samantalang si Chuanli nakatingin sa 'kin pero wala akong mabasang emosyon at ang kapatid niyang si Brent na nakasimangot. Tss anong sinisimangot niya diyan? Ayaw niya nga sa 'kin as a wife ng kuya niya.
"What?! Seriously?! Paano na ang ChuanRin love team? Gusto ko ang anak mo para sa anak ko balae bakit hinayaan mong magkaboyfriend siya ng iba?" Naiiyak na sambit ni Tita. Gusto ko sanang sabihin na 'Tita, hindi po totoong may boyfriend na ako. Ilakad mo naman po ako sa anak mo.' Bwahahahaha!
"Pasensya na balae ganyan talaga ang mga puso at isip ng kabataan..." tumingin sa 'kin si Mama na animo'y nagtitimpi. Bakit na naman? Huhuhu. "... todo bigay akala nila alam na nila ang pagmamahal. Akala nila ang boyfriend nila iyon na talaga ang makakatuluyan nila. Pinapayagan ko na siyang magboyfriend para malaman niya gaano kahirap mainvolve sa love."
Napaface palm na lang ako. Dapat pala hindi na ako pumasok sa gulong ito. Lalo ko lang pinahirap ang sitwasyon para sa 'min ni Chuanli. Teka nga--- magmomove on na ako kay Chuanli 'di ba? Bakit ako nanghihinayang?!
"Tita I suggest na huwag mo munang payagan si Krisperin na magboyfriend..." Nanlaki ang mga mata ko, kasi seryoso?! Si Chuanli nakikisawsaw sa buhay ko? "... nagsisimula pa lamang siya mag-aral ng mabuti at baka hindi siya magtagumpay dahil may sagabal na pangit."
"Tama balae, tama!" Sang-ayon ni Tita. Debate ba 'to ng mag-iina? Aish.
"Tama nga si Chuanli." Humarap sa 'kin si Mama at hinawakan ang mga kamay ko. "Anak hindi ba puwedeng piliin mo muna ang pag-aaral mo kaysa sa boyfriend mo? True love can wait naman 'di ba? Kung hindi siya makapaghintay sa 'yo pwes maghanap ka nang iba."
BINABASA MO ANG
Beauty Within Imperfection[COMPLETED]
Teen FictionWabi-sabi The beauty and appreciation of things imperfect & impermanent; accepting the flow of life. Date started: May 15, 2020 Date Finished: December 7, 2020 Credits to the owner of the picture I used in story cover.