Chapter 30

3 0 0
                                    

Nakita ko si mama sa gitna ng rambulan, agad ko siyang hinila paalis doon. Nasampal at nasiko pa ang mukha ko pero carry lang.

"Krisperin anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may pasok ka?!" Akmang babatukan na niya ako pero biglang sumulpot ang mga kaibigan ko, ligtas!

"Tita napapanood po kayo sa t.v!" Sabat ni Elea ng may nanlalaking mga mata.

"Talaga? Hay naku pasensya na kayo nadamay pa kayo rito. Mabuti pa bumalik na kayo sa school. Hindi kayo kasali at huwag ng makisali." Pananaboy ni mama at iniwan na kami.

Hinila ko sa tabi sina Elea at Sky. "Pasaway ang mama ko, rinig niyo naman ang sabi niya 'di ba? Bumalik na kayo sa school." Akmang tatalikuran ko na sila ng hilahin ako paharap ni Sky.

"TAYO raw, anong kayo? Tara na!" Umiling ako ng paulit-ulit ng hilahin nila ako.

"Hindi ako puwedeng umalis dahil kabarangay ko 'to!" Pigil ko sa kanila. Hindi nila ako pinakinggan at patuloy pa ring hinihila ako.

"Kumare!"
"Krisilda!"
"Oh my gosh!"

Kinabahan ako sa sigaw ng mga kapit-bahay ko. Pilit kong tinanggap ang pagkakakapit nilang dalawa. Tumakbo ako pabalik sa kumpulan. Nakita ko si mamang nakasalampak sa lupa kaya agad ko siyang dinaluhan.

"Ma? Ma anong nangyari sa 'yo? Mama gising!" Naiiyak kong sabi at tinapik-tapik ang pisngi niya. Lalo akong kinabahan ng hindi siya gumagalaw. "Tulungan niyo akong ipasok siya sa bahay!" Naiiyak kong sigaw.

Ang mga mabubuting kapit-bahay naming lalaki ay pinagtulungang buhatin si mama. Laking pasasalamat ko dahil sila ang kapit-bahay namin, mga matulungin. Pero hindi na mahalaga iyon...

"Mama gising!" Humagulgol ako ng iyak ng hindi pa rin siya gumagalaw. Anong nangyari sa kanya?

"Oh my gosh Krisperin iha I'm sorry!" Napalingon ako sa matinis na boses na iyon. Natatandaan ko siya, ang mommy ni Xian!

"Tabi diyan!" Nagulat ako ng tabigin ako ni mama. Nanlalaking mga mata akong tumingin sa kanya ngunit natakot ako ng panlakihan niya naman ako ng mata. Gising naman pala siya!

Lumapit ang mama ni Xian at umupo upang daluhan ang mama kong best actress. Nakapikit na siya ulit at talagang kinareer niya ang hindi paghinga.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko sa kanya.

Nakatingin lamang siya kay mama. Nagulat ako ng bumangon si mama at sakalin ang mama ni Xian.

"Lukaret kang babae ka! Ikaw pala ang walang hiyang bumibili ng lupa sa lugar namin!" Galit na galit na sigaw ni mama. Nagugulat man ay agad ko siyang inawat. Inilayo ko ang mama ni Xian na ngayon ay naghahabol ng hininga.

"Tita totoo po ba?" Nagpipigil ng galit kong tanong. Agad ko siyang binitiwan at lumapit sa side ni mama.

Sasagot pa sana si tita ngunit naagaw ang attention namin sa lalaking pumasok. Si Xian! "Ma what are you doing here?" Kunot noong tanong niya habang palapit sa ina. Inakbayan niya ito at tumingin sa 'min. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. "Kris? Tita?"

"Anak ka pala ng babaeng 'yan Xian! Ang magaling mong ina binibili ang buong baranggay namin!" Galit na galit na sigaw ni mama. Hinawakan ko siya at inalalayan, parang aatakihin siya sa puso, e.

"Ma totoo ba?" Kunot noong tanong ni Xian. Pinanood ko lamang sila, saka na ako magsesecond the motion kapag alam ko na ang buong pangyayari.

"I'm sorry son." Sagot ng mama niya. Bumagsak ang balikat ni Xian at yumuko, batid kong nahihiya siya. Humarap ang mommy niya sa mama ko kaya parang tigreng mangangain si mama na handang sumakmal. "I didn't know na dito pala nakatira ang babaeng nililigawan mo." Bakas naman ang sinseridad ng mama ni Xian kaso lalong nagalit si mama.

Beauty Within Imperfection[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon